Jeric Gonzales says Bea Alonzo didn’t let broken engagement affect her work
“Kasi, nakikita ko naman na she managed it well.”
Jeric Gonzales on Bea Alonzo’s work ethics despite personal issue early this year: “Happy siya. And during the Widows’ War taping, parang never ko naman siyang nakita na malungkot siya. She’s a very strong woman.”
Hindi maiwasang matanong si Jeric Gonzales tungkol sa Widow’s War co-star na si Bea Alonzo.
Noong una silang nagkapareha ni Bea sa Start-Up PH noong 2022, in love na in love pa si Bea sa boyfriend pa lang noon na si Dominic Roque.
Nang sinimulan nila ang Widow’s War noong early 2024, sumabog ang balitang break na sina Bea at Dominic na noo’y engaged to be married na sana.
Bea Alonzo hugs Timmy Cruz while Jeric Gonzales cries in a scene on Widows’ War
Photo/s: Screengrab from Widows’ War
Nilinaw naman ni Jeric na hindi nila napag-usapan ang broken engagement ni Bea sa set ng kanilang bagong serye.
“Of course, I have so much respect for Bea,” saad ni Jeric sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“With those kind of things na personal matters niya, hindi ko po natatanong yon or hindi namin napag-uusapan on the set.
“Siguro, it’s up to her kung i-open-up niya or sabihin niya sa amin.
“Pero as of now, parang wala naman pong gano’n. Ibang bagay ang napag-uusapan namin, more on work.”
Nagulat at nalungkot daw si Jeric nang mabalitaan ang kinahinatnan ng relasyon nina Bea at Dominic.
Ayon kay Jeric: “Siyempre, I know din Dom. Nakikita ko sila together during Start-Up.
“I wish Bea lang all the best.”
Hanga si Jeric kung paano nahiwalay ang personal issue sa trabaho.
“Kasi, nakikita ko naman na she managed it well.
“Happy siya. And during the Widows’ War taping, parang never ko naman siyang nakita na malungkot siya.
“She’s a very strong woman.”
JERIC GONZALES ON RABIYA MATEO
Sa kaso ni Jeric, nananatiling matatag ang relasyon nila ng girlfriend na si Rabiya Mateo.
Mahigit dalawang taon na raw silang dalawa.
Photo/s: @jericgonzales07 Instagram
Sabi ng awtor na ito kay Jeric, may panahong madalas ay on and off sila ni Rabiya. Nagku-cool-off.
CONTINUE READING BELOW ↓
juan karlos takes on the Song Association game | PEP Challenge
Sinagot naman ni Jeric ang status ng relasyon nila ngayon ng nobya.
“I can say na this time, mas stable, stronger. Mas kinakapitan namin ang isa’t isa at mas ginagawa na lang naming inspiration.
“Unlike before na maraming problems na dumadaan talaga sa relationship.
“Pero ngayon, chill na, masaya. Mas suportahan sa work.
“She’s busy and I’m busy, at mas may freedom kami to do kung ano man yung mga dreams namin together.”
Nakangiti ito nang sabihing wala pa sa plano nila ang kasal.
Pero kung si Rabiya na ang nakikikita niyang babae para sa kanya, sagot ni Jeric, “Yes, for me, for now. I really love her.”
TICKET ISSUE AT IU’S concert
Nagbigay na rin ng pahayag niya ang Kapuso actor tungkol s naging isyu sa kanila ng girlfriend na si Rabiya, kaugnay ng panonood nila ng concert ng Korean superstar na si IU.
May nagparatang kina Jeric at Rabiya na hindi sila bumili ng tickets, pero nag-feeling V.I.P. pa raw nang dumating sa concert.
“Actually, nagulat talaga ko sa isyung yan,” saad ni Jeric sa PEP.
Lahad pa niya, “We paid for that tickets. Ako, matipid din akong tao at hindi ako masyadong magastos.
“And for me na bumili ng gano’n kamahal na ticket—P12,000 each yung seats na kinuha namin.
“Kaya nagulat ako nang may magsabi na hindi namin binayaran, nagpa-V.I.P. kami.”
Ipinaliwanag din ni Jeric na nagulat sila ni Rabiya nang madatnan na may nakaupo sa seats na binili nila.
“What happened kasi, late kaming dumating during the concert, galing kami Batangas. May fiesta sa family ko.
“And when we arrived, first, nagpatulong kami sa mga ushers and medyo naka-istorbo kami sa mga manonood dahil nahirapan silang hanapin yung seats namin dahil may mga nakaupo.
“So siguro, yun ang nangyari na akala ng mga tao, nagpapa-VIP kami, tapos ‘di pa bayad ang tickets.”
ON WORKING WITH BEA ALONZO AGAIN
Nakausap ng PEP si Jeric sa mediacon ng Widows’ War sa Matrix Creation Events noong June 21, 2024.
Si Jeric ang gumaganap sa karakter na si Francis Castillo, nakababatang kapatid ni Bea Alonzo, na gumaganap naman bilang si Sam Castillo-Palacios.
At katulad ng ibang karakter sa serye, posible rin daw paghinalaang killer si Jeric sa mystery drama series.
Unang nakatrabaho ni Jeric si Bea sa Start-Up PH, ang Pinoy adaptation ng hit Korean romance-drama series.
Magkapareha sina Jeric at Bea sa Start-Up PH, pero ngayong nagkatrabaho ulit sila ay “Miss Bea” pa rin ang tawag ni Jeric sa aktres.
Hindi pa rin ba siya sanay katrabaho si Bea?
“Yun na nga, e,” natawang sagot ni Jeric.
“Alam niyo, fan talaga ko ni Bea, Ms. Bea. Kapag nagkaka-work kami, iniiwasan ko na ma-starstruck.
“Katulad noong Start-Up, madalas.
“Ngayon, siyempre, may mga time na napapaisip pa rin ako na, ‘wow, katrabaho ko na ang isang Bea Alonzo.’
“Pero, may mga scenes kasi na nagpa-flashback na napanood ko lang ‘to dati sa pelikula, parang gano’n.
“So, nawawala ako minsan, pero, nama-manage naman.”
Kinumusta rin namin kay Jeric kung ano reaksyon ni Bea na magkasama silang muli.
“She’s very happy, of course, lalo na ngayon, mas nagiging close kami kasi, kapatid niya ko. More kuwentuhan, more time na magkasama kami.”
Mas chill na sila ngayon kumpara sa Start-Up PH na unang proyekto ni Bea sa GMA-7?
Sagot ni Jeric, “Mas chill off-cam, pero sa aktingan, mas ano ‘to, mas matindi.
“Of course, inspiration ko silang mga actors—sina Ms. Bea, Ms. Jean [Garcia], do’n ka talaga matsa-challenge.”
News
“Walang Awa!” – The Shocking Discovery at the Burial Site of Rene Requiestas /LO
“Walang Awa!” – The Shocking Discovery at the Burial Site of Rene Requiestas A shocking and disturbing discovery has recently…
SHOCK: Kathryn Bernardo Publicly Reveals Child with Daniel Padilla After 3 Years? /LO
Kathryn Bernardo Publicly Reveals Child with Daniel Padilla After 3 Years? A surprise buzz recently shook the entertainment world when…
BREAKING NEWS: Rustom Padilla became emotional as he publicly revealed his child with Carmina Villaroel, a moment that has taken fans by surprise and stirred up intense reactions from the public! /LO
Rustom Padilla Turns Emotional After Publicly Revealing Alleged Child with Carmina Villarroel Renowned actor and television personality Rustom Padilla—who is…
The son of Quiboloy has revealed everything, exposing all the shocking secrets of his father’s wrongdoings, leaving the public in utter disbelief and raising countless questions!
Quiboloy’s Alleged Child Exposes Father’s Supposed Misdeeds A new controversy is making waves on social media and various news outlets…
SHOCKING: Sandro Muhlach Nearly “Lost His Manhood” in Alleged Incident Involving Jojo Nones and Richard Cruz (VIDEO)/LO
Sandro Muhlach Nearly “Lost His Manhood” in Alleged Incident Involving Jojo Nones and Richard Cruz A shocking rumor involving Sandro…
Jaclyn Jose’s housemaid was arrested by the police, and Andi Eigenmann finds out everything, leading to a dramatic turn of events that has everyone on edge! (VIDEO)
Jaclyn Jose’s Household Helper Apprehended by Police: Andi Eigenmann Reportedly Learns the Full Story Acclaimed actress Jaclyn Jose recently made…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply