Jose Manalo now officially engaged to partner Mergene Maranan
Congratulations, Jose and Mergene!
Opisyal nang inalok ni Jose Manalo ng kasal ang kanyang partner na si Mergene Maranan, na dating member ng EB Babes. (Photos: Screenshots @jhoanofarc19 on TikTok)
Engaged na ang Eat Bulaga! host na si Jose Manalo, 58, sa kanyang partner na si Mergene Maranan, 37.
Si Mergene ay dating miyembro ng all-female dance group na EB Babes.
Sa video na in-upload ng TikToker na may handle na @jhoanofarc19 ngayong Sabado, December 7, 2024, makikita si Jose na nasa lobby ng isang establisimyento at kumakanta ng “Ikaw” ni Yeng Constantino.
Ang mag-partner na sina Jose Manalo at Mergene Maranan. Photo: @jhoanofarc19 on TikTok
May nag-a-accompany sa kanyang gitarista at sax player.
Makalipas ang ilang sandali ay naglakad si Jose habang patuloy na kumakanta.
Sinundan siya ng camera.
Nakadukot ang kanyang kaliwang kamay sa bulsa ng kanyang suot na blue shorts.
MERGENE SURPRISED BY JOSE’S PROPOSAL
May kalayuan din ang nilakad ni Jose, at nang marating niya ang isang bahagi ng establisimyento ay maririnig ang kinikilig na tilian.
Tumigil na rin ang comedian-host sa paglalakad at pagkanta.
Saglit pa, makikita si Mergene na sumisigaw ng: “Ano iyan? Ano iyan? Totoo?”
Hindi agad sumagot si Jose kaya muling nagtanong si Mergene: “Weh? Totoo ba? Luh!”
Hindi pa rin sumagot si Jose kaya nilapitan na ito ni Mergene.
Bulalas nito, “Luh, nahihiya ako!”
Sambit nito nang makalapit kay Jose, “Totoo pala…”
Itinuloy naman ni Jose ang pagkanta nang magkatapat na silang dalawa.
Hirit pa rin ni Mergene, “Joke lang ‘to.”
Sabi naman ng TV host, “Alam mo naman, kilala mo na ako noon. And now and forever.”
MERGENE MARANAN SAYS “YES!”
Inilabas na ni Jose ang engagement ring mula sa kanyang bulsa, at lumuhod sa harap ni Mergene.
Ipinakita niya ang singsing kay Mergene sabay sabing, “Puwede ba kitang pakasalan?”
“Yes,” sagot naman ni Mergene.
Napasigaw ng “Yehey!” ang mga kasama nila.
Nakaluhod si Jose Manalo habang ipinakikita ang engagement ring kay Mergene Maranan. Photo:
CONTINUE READING BELOW ↓
Andres Muhlach, muntik nang umiyak? | PEP Interviews
Saglit pa, isinuot na ni Jose sa daliri ni Mergene ang singsing.
“Congratulations!” sabay-sabay na bati sa kanila ng mga nasa venue.
Mahigpit ding nagyakap ang newly engaged couple.
Si Mergene Maranan habang masayang ipinapakita ang engagement ring. Photo: @jhoanofarc19 on TikTok
Nagpasalamat si Jose sa mga sumaksi sa kanyang proposal.
“Nahihiya ako,” sabi naman ni Mergene.
Binigyan din ni Jose ng mga bulaklak ang fiancée, sabay sabi ritong, “I love you. Mahal na mahal kita.”
Ang mga detalye ng relasyon nina Jose at Mergene ay pribado.
Ngunit pinaniniwalaang nabuo ang kanilang pag-iibigan nang aktibo pa ang EB Babes bilang regular dancers sa Eat Bulaga!, mula 2006 hanggang 2020.
Matagal nang hiwalay si Jose sa dati niyang asawa na si Anna Lyn Santos, kung saan mayroon siyang limang anak—kabilang ang mga aktor na sina Benj at Nicco Manalo.
Pumanaw si Anna Lyn noong January 2022 sa edad na 54.
News
AFTER A LONG TIME! Manilyn Reynes finally reveals what she’s been hiding! Fans are stunned by the shocking truth she’s just shared! /lo
After a Long Wait, Manilyn Reynes Reveals What She’s Been Hiding Manilyn Reynes, one of the Philippines’ beloved stars, has…
BEA BINENE is officially a Kapamilya now! SHOCKING moment caught during her dance comeback—fans noticed something surprising in her moves! /lo
Bea Binene Officially a Kapamilya! Noticeable Change in Her Dance Moves After Her Comeback Performance Bea Binene, a versatile actress…
EXPLOSIVE REACTION! Carmina Villaroel loses her temper over questions about Mavy Legaspi’s father: ‘Is it Aga?’ Her furious response will leave you speechless!
Carmina Villaroel Explodes in Anger Over Questions About Mavy Legaspi’s Father: “Si Aga Ba?” Carmina Villaroel, a well-known actress and…
SHOCKING NEWS! Karylle Tatlonghari finally announces she’s pregnant after 6 years of waiting! Fans can’t believe this long-awaited miracle is finally happening! /lo
Karylle Tatlonghari Finally Pregnant After 6 Years of Waiting: A Dream Come True After six long years of anticipation and…
SHOCKING! Sarah Geronimo devastated by the unexpected death of her beloved The Voice protege, Kokoi Baldo! Fans are in disbelief as her emotional breakdown leaves everyone wondering—what really happened? /lo
Sarah Geronimo Struggles with the Loss of Her Protégé, Kokoi Baldo, from The Voice The entertainment world has been shaken…
BREAKING! Jillian Ward’s viral video is taking the internet by storm! The unexpected moment has everyone talking—this is crazy! /lo
Jillian Ward’s Viral Video Takes the Internet by Storm: Here’s Why It Went Trending! Jillian Ward, the young and talented…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply