Kaso ng Acts of Lasciviousness ni Sandro Muhlach Ibinasura; Kasong Rape, Uusad Pa Rin
Kasong Acts of Lasciviousness na isinampa ni Sandro Muhlach, ibinasura ng  korte dahil bahagi na ito ng isa pang kaso | Videos | GMA News Online
Isang resulta ng balita ang lumabas mula sa Pasay Regional Court kaugnay ng kasong isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ayon sa desisyon ng Pasay Metropolitan Trial Court Branch 46, ibinasura na ang kasong acts of lasciviousness laban kina Jojo at Richard matapos nitong aprubahan ang kanilang motion to quash.
Sa inilabas na ruling, ipinunto ng korte na ang mga alegasyong may kinalaman sa acts of lasciviousness ay saklaw na ng kasong rape na isinampa laban sa mga akusado.
“The acts of lasciviousness before this court are necessarily included in the charge of rape before the Regional Trial Court,” ayon sa desisyon.
Ang kasong ito ay tumutukoy sa reklamong rape na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang contractors, matapos ang alegasyon ni Sandro na siya ay inabuso.
Kinuwestiyon din ng korte ang estratehiya ng prosekusyon sa pagsasampa ng hiwalay na kaso para sa acts of lasciviousness.
“The prosecution resorted to an overkill by filing the instant informations for acts of lasciviousness when clearly the acts are constitutive and/or simultaneous and are deemed absorbed in the rape case with the alleged sole intent and purpose of arousing and ultimately gratifying the accused’s own sexual desire.”
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Sandro Muhlach o ang kanyang kampo hinggil sa naging desisyon ng korte.
Samantala, masaya naman si Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel nina Jojo at Richard, sa naging ruling ng korte.
“We are happy that the court saw the legal infirmity that we had been raising at the onset of the case,” ani Atty. Garduque sa isang panayam.
Matatandaang noong Agosto ng nakaraang taon ay nagsampa ng reklamo si Sandro laban kina Jojo at Richard, na inaakusahan niya ng rape through sexual assault at acts of lasciviousness. Ayon kay Sandro, siya umano ay minolestiya ng dalawa at tinuruan pang gumamit ng ipinagbabawal na gamot matapos ang GMA Gala noong Hulyo.
Noong Oktubre, ipinagpatuloy ng DOJ ang pagsasampa ng kasong rape laban sa dalawang akusado.
Bagamat naibasura na ang kasong acts of lasciviousness, nananatiling aktibo ang mas mabigat na kaso ng rape laban kina Jojo at Richard.
(Photos: Sandro Muhlach, Jojo Nones, amd Richard Cruz – Facebook)
Xem bản dịch
Tất cả cảm xúc:

22