Daniel at Kathryn maraming beses isinalba ang relasyon

Daniel at Kathryn maraming beses  isinalba ang relasyon
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo



Dahil more than five years na ang relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, napakaraming beses na raw na nila nagkaroon ng away, maliliit man o malaki. At maraming beses na rin daw nilang isinalba ang kanilang relasyon.

Ano ang madalas nilang pag-awayan?

“Madami. Communication, oras, decisions prio­rities, ‘yan ang pinag-aawayan namin ni Kathryn. Mga maling bitaw ng salita. Ganu’n. Normal na­ting pinag-aawayang lahat,” pahayag ni Daniel sa presscon ng The Hows of Us.

Sino ang unang nagso-sorry?

“Well, depende kung paano bang nangyari ‘yung ano. Well, eto lang ‘yan, para sa akin, huwag ka lang magpapataas all the time ng ihi mo, alam mo ‘yun?

“I think, isa rin ‘yan – magpakumbaba ka. Always choose love, di ba, over sa sarili mo? Kasi minsan, kakatingin natin sa saril natin, sa mga pride natin, du’n tayo naghihiwalay, eh. Kasi masyadong mataas ang tingin natin sa mga sarili natin.

“Pero, it’s all the time, para sa akin, magpakumbaba ka, alamin mo ‘yung problema. And doon ka mag-sorry, ‘pag totoong nararamdaman mo, hindi ‘yung para lang for the sake na maging okay,” sey ni Daniel.

Nagso-sorry rin si Kathryn?

“Oo naman, saka mas grabe ‘yan pag nag-sorry dahil ‘di nga siya marunong mag-sorry, eh. Kaya napipikon ako, kasi, laging ako,” sagot ni Daniel.

Eh minsan daw, ang tagal mag-sorry ni Kathryn, du’n daw siya inis na inis.

Paliwanag naman ni Kathryn, “hindi kasi, pag magkaaway kami, ayokong mag-sorry hangga’t hindi pa ako talaga okay. Ayoko ‘yung para lang magbati, ‘kasi may eksena, so magbati tayo.’ Eh matagal ako, so minsan, nainis siya kasi ang tagal-tagal ko magpalamig.”

Hirit naman ni Daniel, “minsan, masyado na matagal. Okay na, eh, hindi ka pa maka-move-on?”

Pero paalala ni Daniel, hindi lang daw sa magkarelasyon ang pagpapakumbaba kungdi maging sa lahat ng tao. Masyado raw kasing matataas ang pride ng mga tao at dapat daw ay baliin ito.

Napaka-honest naman ni direk Cathy Garcia-Molina nang sabihin niyang marami raw ang nagdududa sa kapasidad ni Kathryn bilang aktres. Kaya naman sa The Hows of Us ay inilabas niya ang husay nito.

“And I think, she did it with flying colors,” sey ni direk na ikinatuwa ni Kathryn, pati na rin ni Daniel.

“Actually, du’n sa tinatanong n’yo po kung gaano kaiba, what I love about this story, hindi lang siya isang kwento,” dagdag ng lady director.

Ang kwento raw ng The Hows of Us ay mas real at pinag­daanan mismo ng KathNiel.

“So, naging bata sila rito at one point, naging alanganin, naging immature, naging mature, alam mo ‘yun? So, ang laki-laki ng hiningi ko sa dalawa kasi halos apat na pagkatao ‘yung hiningi ko.

“So, para lagyan mo ng linya, i-delineate mo from one period to the other is very hard,” tsika pa ni direk.

Sobrang laking challenge raw ito talaga at hindi lang sa KathNiel kung maging sa mga staff niya rin at sa production team.

“So, ‘yun pa lang, ang laking challenge na sa kanila (KathNiel) at natuwa ako, naibigay nila. So, isa ‘yun sa dahilan kung bakit ito ang piniling kwento para sa kanila,” saad pa ng direktora.

Be The First To React

How Do You Feel About This Article?