Kim Chiu nainlab na kay Paulo Avelino kaso nakipagbalikan kay Janine?



Unti-unti na umanong nahuhulog ang loob ni Kim Chiu kay Paulo Avelino, ayon sa source ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, nata-touch umano si Kim sa mga gesture ng aktor.

Matatandaang nagkasama at gumanap na mag-asawa sa teleseryeng “Linlang” sina Kim at Paulo.

“May nakapagsabi sa akin. Narinig ko lang naman. Meron lang nagparating sa akin… na unti-unti pala ay nahuhulog si Kim kay Paulo. ‘Yun lang ang nabalitaan ko ha, na nata-touch si Kim sa mga gesture ni Paulo dahil bukod sa sweet eh cariñoso. Bukod doon, maasikaso. ‘Yun talagang nararamdaman ni Kim Chiu na babae siya kay Paulo Avelino,” tsika ni Ogie sa “Showbiz Update”.

“Kaya nga lang, wala namang linaw ‘yun. Kung split na si Xian Lim tapos na-focus ang atensiyon ni Kim Chiu, kung sakali ah, kay Paulo, wala namang kasiguraduhan mula kay Paulo kung may nararamdaman din ba siya kay Kim Chiu. Posibleng meron, posible ring parang mahal ko ‘to bilang kaibigan,” dagdag pa niya.

Pero aniya, “Ang masaklap, ang sabi sa akin ng aking source, nagkabalikan na raw si Paulo Avelino at si Janine Gutierrez.”

(IS)