Kris Aquino deletes social media posts about fiancé Mel Sarmiento

Kris Aquino deletes all her photos and videos with fiancé Mel Sarmiento.
Kris Aquino, Mel Sarmiento breakup?
Kris Aquino removes all her Instagram posts with fiancé Mel Sarmiento, triggering speculations about a break-up.



PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram
Shares

Hiwalay na ba sina Kris Aquino at ang fiancé nitong si Mel Sarmiento?

Ito ang tanong ng maraming netizens na nakapansing burado na sa Instagram account ni Kris ang lahat ng larawan at video nila ni Sarmiento.

Ang huling post ni Kris kasama si Sarmiento ay ang mga larawang kuha sa pamamahagi nila ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Negros Occidental kasama ni Vice President Leni Robredo.

Hindi na rin makikita ang engagement video nila ni Sarmiento.

Matatandaang inanunsiyo ni Kris ang kanyang engagement sa dating Depertment of Interior and Local Government (DILG) secretary noong nakaraang October 24, 2021.

Si Sarmiento ay naglingkod bilang DILG secretary noong presidente pa ang namayapang kapatid ni Kris na si Noynoy Aquino.

Kris Aquino, Mel Sarmiento breakup?

Sabi pa niya sa caption ng kanilang engagement video noon: “And it’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si ‘bunso’ na walang magbabantay at magaalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.

“Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, ‘kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.’ And finally, ‘bunso’ has learned to obey.”

Sa sumunod na mga linya ng kanyang caption, naka-address na ito kay Mel na tinawag niyang “bestfriend” at “the man i said yes to spending the rest of my life with.”

Read more about

Saad ni Kris (published as is): “To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Noynoy rin daw ang naging daan upang mag-reconnect sila ni Mel, kaya nagpapasalamat siya rito.

Patuloy ni Kris: “We would never have met nor reconnected had it not been for Noy.

“Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.

“But THANK YOU, you must have known how broken i’d be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again. Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan- kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God’s perfect time.”

Si Kris din ang nagsabing magkakaroon sila ng isang simpleng kasalan lamang.

Sagot pa niya sa netizen na nagsabing baka super engrande ang kanilang kasal: “I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be TINY and super private.

“No entourage. No wedding planner. Totally not what you’re expecting.”

Noong November 7, 2021 naman, sinabi ni Kris na sa isang fast-food chain sila nagkaroon ng unang date ni Mel bilang magkarelasyon.