Kris Aquino gustong rumampa sa bundok

Tila gustong rumampa o subukan ni Kris Aquino kung kakayanin niya ang mamasyal sa bundok, ha!



Sa chika ni Dindo Balares, dating entertainment editor ng isang tabloid, na ngayon ay mas nakatuon na sa pagtatanim sa Bicol, tinanong nga siya ni Kris kung ‘How far is the mountain?’

Ang taniman nga raw nina Dindo sa upland Bicol ang inuurirat ni Kris, na sagot nga niya, mula sa Naga City ay 35 kilometers ang layo.

“Malayo to climb?” tanong pa rin daw ni Kris.

“Can you please test for me?” sundot na chika pa ni Kris kay Dindo.

May pahiwatig nga si Kris na parang gusto niyang malaman kung kakayanin nga niya ang maglakad papunta sa taniman, mula sa hinihintuan ng sasakyan sa kalsada.

“Parang I want to go to Bicol,” chika pa raw ni Kris.

Anyway, sa kuwento nga ni Dindo ay matagal na raw pinapangarap ni Kris ang forest bathing. Bumili pa nga raw ito ng libro tungkol doon.

Si Kris nga raw ang nagi-encourage kay Dindo na ituloy lang ang pagiging farmer, para raw may mapagkunan ng mga pagkain na walang traces ng chemicals, lalo na ang mga kagaya niya na nagbabawi ng kalusugan.

Anyway, umulan ng dasal sa post na `yon ni Dindo, at lahat sila ay humiling na gumaling nang tuluyan si Kris.

Miss na miss na nga ng maraming Pinoy si Kris, na mapanood sa telebisyon. (Dondon Sermino)