KRIS AQUINO REVEALS THE TRUTH ABOUT HER BATTLE WITH AUTOIMMUNE DISEASE! HERE’S WHY SHE’S LOOKING FOR A NURSE!

Ano Ang Updates Tungkol Sa Sakit Ni Kris Aquino? Alamin Dito

KRIS AQUINO VÀ TÌNH HÌNH THỰC TẾ VỀ BỆNH TỰ MIỄN DỊCH! ĐÓ LÀ LÝ DO TÔI TÌM MỘT Y Tá!


Ano Ang Updates Tungkol Sa Sakit Ni Kris Aquino? Alamin Dito

Matapos maibahagi ni Kris Aquino kung ano-ano ang kanyang mga sakit na patuloy na nilalabanan, kamakailan lamang ay nagbigay ng ilang mga updates ang kanyang kapatid na si Ballsy patungkol sa kanyang kalusugan. Basahin ang artikulong ito upang malaman ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa sakit ni Kris Aquino.

Karamihan sa atin ay hindi pa rin mawari kung ano ang sakit ni Kris Aquino at bakit palagi siyang nasa ospital at tinuturukan. Ang mga tsismis at agam-agam patungkol sa tunay na karamdaman ay kanyang tinuldukan nang magbigay siya ng update nitong Lunes sa kanyang Instagram.  https://hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan/balitang-pangkalusugan/kaso-ng-covid-19-sa-pilipinas/ Ang Update ng Queen of all Media sa Kanyang Kalusugan Ibinahagi […]

Ang Mga Panibagong Updates Sa Sakit Ni Kris Aquino Mula Sa Kanyang Kapatid

Sa isang Zoom event na isinagawa noong Agosto 20 ng isang non-goverment organization mula sa New Zealand, ang Banyuhay Aotearoa, isiniwalat ng nakatatandang kapatid na si Ballsy Aquino ang kasalukuyang kalagayan ng Queen of All Media, mahigit kumulang dalawang buwan nakalipas noong huling nakarinig ng update patungkol dito.

Ayon kay Ballsy, ang kanilang bunsong kapatid ay na-diagnose pa ng dalawang panibagong autoimmune conditions. Samakatuwid, kasalukuyang nakikipaglaban si Kris sa hindi bababa sa apat na autoimmune conditions.

“When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four,” paliwanag niya.

“She’s not even 90 pounds now, she’s like 85 or 86. For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger,” dagdag pa niya.

Hindi maikakaila na nahihirapan ang mga grupo ng doktor sa treatment plan para kay Kris. Ito ay marahil maraming siyang allergies sa mga gamot, dahilan para hindi maging mabisa ang mga treatment. O kaya naman ay magtamo siya ng iba’t ibang mga side effects.

Ang Mga Updates Patungkol Sa Sakit Ni Kris Aquino Mula Mismo Sa Kanya

Noong Mayo, matatandaan na inilahad ng aktres-host sa publiko ang kanyang iba’t ibang mga karamdaman. Sa kanyang Instagram caption, nabanggit niya ang pangangailangan niyang lumipad papuntang Amerika upang makatanggap ng karampatang paggamot.

Ilang linggo ang nakalipas (Hunyo 3) nang muling magbahagi ang Queen of All Media ng panibagong update sa kanyang kalusugan. Ito ay kanyang ginawa sa pamamagitan pagpost ng isang bidyo na kalakip ang pagpapaliwanag ng kanyang attending physician na si Dr. Niño Gavino patungkol sa sakit ni Kris Aquino.

“I met Ms. Aquino through my colleague and classmate from UP College of Medicine, Dr. Katrina Canlas-Estrella. Dr. Estrella reached out to me in March 2022 to assist in Ms. Aquino’s medical care.

“We reviewed all her medical history and records from the Philippines and Singapore and made a primary working diagnosis of Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA, formerly known as Churg-Strauss Syndrome), based on her adult-onset asthma, high count of eosinophils (more than 10%), paranasal sinusitis, transient pulmonary infiltrates.”

Anya, maari ring ipaliwanag ng EGPA ang pagbaba ng kanyang timbang, mga gastrointestinal intolerance, at pabago-bagong presyon ng dugo. Ang mga ito ang naging pangunahing dahilan ng kanyang mga pagpapaliban sa paglalakbay.

Sa kasamaang palad, wala pang tiyak na lunas ang partikular na sakit ni Kris Aquino. Gayunpaman, ang mga sintomas ay maaaring kontrolin sa paggamait ng mga steroid at iba pang makapangyarihang immunosuppressant drugs.

Masayang ipinakita ni Kapamilya actress Iza Calzado ang kanyang baby bump sa kanyang instagram post bilang marka ng kanyang pagbubuntis at 40th birthday.  “They say life begins at 40. So I had all these big plans for my 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed […]

Ang Patuloy Na Paglaban Sa Iba’t Ibang Sakit Ni Kris Aquino

Nabanggit din sa naturang pahayag kung gaano kakritikal ang susunod na buwan upang makita kung siya ay tuluyang gagaling sa mga naimungkahing mga partikular na klase ng gamot.

“The subsequent 9-12 months will be crucial for us to see if she can achieve remission and continue the regimen further because to survive, Ms. Aquino will have to make whichever combination works, her lifetime maintenance medicine.”

Iwinika ring ang life expectancy ng mga taong nagkakaroon ng naturang kondisyon.

“With no medical intervention overall, the life expectancy of those with EGPA is at about 25%. With the proper treatment 5-year survival rate is at 62%. Only 1 in every 1 million people get this form of vasculitis per year. That is how rare and hard to treat Ms. Aquino’s case is.”

Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga hamon, patuloy pa rin ang paghahanap nila ng tama at angkop na treatment para sa mga sakit ni Kris Aquino. At pinaiigting din ng mga anak na si Josh at Bimby ang fighting spirit ng kanilang ina.

“There was a time she was really feeling that she was about to give up because she was having such a difficult time, but when she looks at pictures of her sons, when she sees them, then she knows she still has to fight because as you know, Josh is a special boy and Bimb is only 15.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Ballsy sa mga taong patuloy na nagdadasal para sa kanyang kapatid.

Nangako si Kris sa kanyang huling post sa sariling Instagram page (Hunyo 30) na makakikita ang kanyang mga tagasuporta ng panibagong post mula sa kanya kapag nakatanggap siya ng magandang balita, matapos niyang pasalamatan ang Diyos, sabihan ang kanyang mga kapatid at mga piling mga kaibigan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://hotnewsnowus.com - © 2025 News