24 oras nagpakilig: Kathryn Bernardo, Alden Richards nakakaloka ang titigan

Nakakaloka `yung halos 24 oras na nag-trending ang #KathDenOnASAP, ha! Imagine, hanggang Lunes ng tanghali ay trending pa rin sina Kathryn Bernardo, Alden Richards.



Eh kasi nga, sa video na kumalat sa social media, kitang-kita ang expression ng mga mata ng dalawa. Si Kathryn na parang ramdam na ramdam mo ang kaligayahan na ang mukha ni Alden ang nakikita niya kapag nasa stage siya. At si Alden, bagamat seryoso ang muka, ramdam mo ang sinseridad na umaapaw sa tuwa ang puso niya kapag nasa harap niya si Kathryn.

Sabi nga ng mga faney, ‘hindi makapagsisinungaling ang mga mata’.

Heto pa ang mensahe nila:

“Grabe `yung kilig sa studio when Kath and Alden sings the last chorus of ‘Palagi’ and look at Darren Espanto and Kim Chiu’s reaction sa gilid.”

“Kath’s nod when she sang the lyrics na ‘ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal’ tho! Ahhh so kilig.”

“He’s always been so supportive. So proud of you both.”

“Lakas mang-asar ni Robi Domingo, kaya mahal ka rin ng KathDen fans.”

“Bakit ganiyan kayo magtitigan? Kayo lang ba ang tao sa studio?”

“True to life na ang kilig na to!”

“Para na silang twin, na ayaw maghiwalay.”

Well, sa November 13 na nga ipalalabas ang ‘Hello Love Again’ at ngayon pa lang ay marami na ang gustong-gusto na sumugod sa mga sinehan.

Panoorin ang mga chika namin ni Rey Pumaloy sa ‘Ah Eh-Minin’ sa Abante Radyo DWAR1494 para sa mas maraming chika tungkol sa KathDen.

Bongga! (Dondon Sermino)