Lotlot De Leon opens up about her relationship with mother Nora Aunor after her wedding


Ilang araw matapos maganap ang kasal ni Lotlot De Leon sa kanyang long-time boyfriend na si Fadi El Soury, naglabas ng kanyang saloobin ang aktres sa kanyang Instagram post ngayon, December 20 tungkol sa kanyang ina na si Nora Aunor. Kasama ang isang lumang photo ng kanyang lola at ng ina, nagsalita si Lotlot tungkol sa mga personal na isyu nila ng Superstar.



“Maraming beses ko pinag isipan kung dapat pa ba akong mag salita tungkol sa mga personal na nangyayare sa amin ng mommy ko. Naisip ko na cguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina.” unang pahayag ni Lotlot, na maaaring tumutukoy sa hindi pagdalo ni Nora Aunor sa kanyang kasal last December 17.

PHOTOS: Lotlot de Leon, husband exchange heartfelt wedding vows

Binalikan ng aktres ang unang beses na nalaman niya ang tunay niyang relasyon sa kanyang adoptive mother.

“Maaga ko nalaman na ampon ako, “ampon ni nora” yan ang madalas ko naririnig nuon. Utang na loob ko ang buong buhay ko sa kanila ni lola…My mom has been through a lot in her life. Nakita ko at witness ako sa lahat ng pinagdaanan nya. Matibay sya. Kahit kailan hindi nya ipinakita sa aming magkakapatid na nawalan sya ng pag asa sa buhay kahit alam namin na nasasaktan sya. She is the most generous person I know. Pagdating sa relasyon namin sa kanya. Mommy sya. She tried her best to do her duties as a present mom,” pahayag pa ni Lotlot.

ADVERTISEMENT

Inamin din ng aktres na ginusto niyang makasama ang ina sa mga mahahalagang okasyon niya sa buhay. “Hindi ko na ididitelaye ang mga kaganapan sa buhay namin. Pero kung may tao mang importante na gusto ko din maging bahagi sa mahahalang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko ay siya. May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado. Mahal ko sya at alam ko mahal nya din ako kame ng mga kapatid ko. At kahit ano pa sabihin ng kung sino kame ang mag ka pamilya, kame ng mga kapatid ko at sya, at walang sino man ang makapagbabago duon.” pagtatapos ng post ni Lotlot De Leon na may heart emoji.

Hindi naging sikreto sa publiko ang pagkupkop ng dating mag-asawa na Nora at Boyet kay Lotlot noong sanggol pa lamang ito. Ngayon, sa edad na 47 at may sarili nang pamilya, nagkaroon na rin ng communication si Lotlot sa kanyang mga biological parents at mga kapatid, na dumalo pa sa kanyang kasal.

READ: Lotlot de Leon bonds with her biological mother after more than 2 decades