Marian Rivera, sinayawan si Dingdong Dantes sa Bohol; Dong, kinilig daw

 
“Nag-explore lang kami sa Bohol...tapos nagpunta kami sa Chocolate Hills, pinakita namin kay Zia ’yong tarsier, tapos nag-Loboc river [cruise] kami. So, ang saya! Sabi ko nga ang dami talagang p’wedeng i-explore sa Pilipinas na ang gaganda talaga!”



Photos: Instagram

“Nag-explore lang kami sa Bohol…tapos nagpunta kami sa Chocolate Hills, pinakita namin kay Zia ’yong tarsier, tapos nag-Loboc river [cruise] kami. So, ang saya! Sabi ko nga ang dami talagang p’wedeng i-explore sa Pilipinas na ang gaganda talaga!”

Marian Rivera calls her family’s Bohol vacation early this month as one for the books. Maybe it’s because apat na silang nagbabakasyon ngayon—hubby Dong and kids Zia and Ziggy.

And this time around, talaga daw nag-explore sila at hindi basta nag-siesta lang sa beach na gaya ng mga nauna nilang bakasyon. In fact, napuntahan na raw niya noong araw ang Bohol perp first time niyang nakita ang Chocolate Hills dahil talagang dinayo nila.

“Very quick lang,” simulang pagse-share ni Marian ng detalye ng kanilng Bohol vacay.

“Nag-explore lang kami sa Bohol…tapos nagpunta kami sa Chocolate Hills, pinakita namin kay Zia ’yong tarsier, tapos nag-Loboc river [cruise] kami. So, ang saya! Sabi ko nga ang dami talagang p’wedeng i-explore sa Pilipinas na ang gaganda talaga!”

Dagdag k’wento pa ni Yan (palayaw ni Marian)—na in the mood tsumika sa press after ng kanyang renewal contract signing as BeautéDerm Home endorser lang week—aliw na aliw daw si Zia sa tarsier at maski nasa Manila na sila ay lagi daw nitong ginagaya ang itsura ng one of the world’s smallest primates.

“Bitin nga si Zia, ayaw pang umuwi,” say ni Yan. “No’ng nandito na kami [sa Manila], hindi niya makalimutan ’yong tarsier, lagi niyang ginagaya. ‘Mama, look!’ Tapos nilalakihan niya mata niya.”

Si Dong daw ang nagpa-plano ng lahat ng kanilang bakasyon. Pero habang lumalaki raw ang mga bata ang gusto nila talagang mailibot sa buong Pilipinas ang mga ito.

“Gusto naming ikutin ang ganda ng Pilipinas…gusto naming ipakita din kay Zia,” patuloy na tsika ni Marian. “Kaya do’n sa mga pictures na lumabas [sa social media], nagti-tinikiling kami…si Ziggy pinag-tinikling ko din…Gusto kong ma-open ang mata nila sa ganda ng Pilipinas.”

Biro tuloy ng mga reporters kay Marian, baka mamaya ay kunin ng endorsers ng Department of Tourism ang pamilya nila niyan. It turned out, nagkita na pala sila ni Tourism Secretary Berna Romula-Puyat kamakailan at textmate na sila.

“Mabait siya,” say ni Yan about the lady Secretary. “Nakita nga niya ’yong mga Bohol posts namin, sabi niya, ‘Let me know pag pupunta kayo ng Cebu.’ Kasi may bagong bukas na zoo daw doon.”

Meanwhile, isa sa pinaka-kinaaliwan ng mga followers ng Dantes family ay ang pinost ni Dong na picture ni Marian habang nagsasayaw. Kinasyunan pa ito ni Dong ng “Walang kupas!” na lalong ikinakilig ng DongYan fans. Kuha daw ito sa loob ng floating restaurant na nirentahan nila para baybayin ang Loboc river.

Famous na ang Loboc floating restos sa pagkakaroon ng mga musicians na tumutugtog at kumakanta para sa mga guests. Bigla nalang daw nag-request si Dong na patugtugin ang hit dance single ni Marian noon na “Sabay-Sabay Tayo.”

“Niloko lang ako ni Dong kasi no’ng nandoon kami sa Loboc River, ni-request niya doon sa kumakanta doon na, O request naman, ‘Sabay-sabay Tayo,’” natatawang balik-tanaw ni Marian.

“Di tinugtog ’yong ‘Sabay-Sabay Tayo,’ ‘Sumayaw ka naman’ habang pinapakain ko ’yong anak ko…so, nagsasasayaw ako do’n…kilig na kilig siya! Mukang in love na in love na naman siya! Chos!”

Wala talagang kupas! Dancing to the famous tune of Sabay Sabay Tayo while cruising down the beautiful Loboc river in Bohol. 😍 📸 Dong Dantes

Posted by Marian Rivera on Tuesday, November 5, 2019

Bukod sa pagiging primetime queen ng GMA-7, binansagan din siyang dance royalty at ang “Sabay-Sabay Tayo” na danceable single niya, released in 2009, ay platinum awardee ng PARI (Philippine Association of the Record Industry, Inc.).

Hilig daw niya talagang at hindi na raw mawawala ang passion na ito sa kanya.

“Kahit ano’ng mangyari hindi na mawawala yan sa daloy ng aking dugo,” say pa niya.

When asked kung namana ng anak niyang si Zia ang gracefulness niya sa dance floor…

“Mukang mas magaling siya,” pagtantiya ni Marian sa kanyang panganay.

Sa tanong naman kung malaki ba ang naitutulong ng kanilang pagbabakasyon para lalo uminit ang pagmamahalan nilang mag-asawa ay eto ang naging sagot ng kikay na si Marian:

“Ke me bakasyon, ke wala, mainit ang pagmamahalan! Siguro lang ano mas lalo lang mas pinatibay ’yong pagmamahalan namin dahil may dalawa na kaming anak. Iba din kasi pag may anak din, e.”