Marian Rivera, tinarayan at pinaiyak si Ivana Alawi
Nagulat si “FPJ’s Batang Quiapo” star Ivana Alawi sa biglang pagbabago ng ekspresyon ni “Kapuso Primetime Queen” Marian Rivera.
Sa isang bahagi kasi ng latest vlog ni Ivana nitong Miyerkules, Disyembre 27, tinanong sila ng kapatid niyang si Mona Alawi kung may chance daw ba silang magkasama sa isang teleserye o movie project.
“Ay, ‘Day, baka di ko pa call time nandoon na ako,” natatawang sabi ni Ivana.
Isko Moreno, binisita si Doc Willie sa Singapore
“Alam mo bang ayaw na ayaw ko ng late. Kanina sabi ko kay Paolo: ‘Paolo, ano na? Bakit ang tagal?’ Bakit ka late?” saad ni Marian sa seryosong tono.
“Ayaw ko na ngang gawin ‘to, e. Ayan, pinaalala mo. Naku, hate ko pa naman ‘yan,” dagdag pa niya.
Sey ni Ivana: “Hindi po, next time po maaga ako.”
“Wala nang next time. Last mo na ‘to,” sabi pa ni Marian.
Pinagsabihan tuloy siya ni Marian na hindi raw magandang attitude ng isang artista ang pagiging late. Halos isang araw daw kasing naghintay si Marian sa kaniya.
Sa inis ni Marian, pati ang pagkaing inihain sa kaniya ay napuna niya rin.
“Tapos ito lang handa mo sa akin? Crab lang?” reklamo ng aktres.
Pero sa huli ay ni-reveal nina Mona na bahagi lang daw iyon ng kanilang pakulo para i-prank si Ivana.
Bago pa kasi mangyari ang nasabing vlog, kinausap na ni Mona through video call si Marian at sinabing sungitan ang kaniyang kapatid.
“Ang alam po ni Ate is magmumukbang lang po kayo. ‘Yun po kasi ‘yung usually na ginagawa niya. Pero sungitan mo po sana siya,” sabi ni Mona.
“Anong level ‘yung gusto mo?” tanong ni Marian.
“’Yung level po sana na maiiyak si ate,” sagot ni Mona.
Nagtagumpay naman ang kanilang plano dahil nagawang paiyakin ni Marian si Ivana dahil sa mga sinabi nito sa aktres.
News
“White Party” calls Nadine Lustre’s name on the yacht
White is usually the last color I think of when packing. Between my clutzy self and the unexpected events that happen on trips, white can be a hassle to wear. Just thinking about all the possible stains (red wine, is…
Si Bea Alonzo ay biglang nagbahagi ng kanyang kasalukuyang sitwasyon matapos ang paghihiwalay kay Gerald Anderson… may mga hindi kapani-paniwalang aksyon ang kanyang ex-boyfriend para kay Bea.
Bea Alonzo shared how she is now after her breakup with Gerald Anderson Kapamilya actress Bea Alonzo shared how she is coping now after her breakup with former boyfriend Gerald Anderson. Photo courtesy of @beaalonzo IG Their breakup was quite controversial when cheating…
OMG! Nakita ba si Bea Alonzo at Dominic Roque sa isang intimate na larawan?..Ang susunod na hakbang nila ay tiyak na magpapahanga sa atin.
While Bea Alonzo and Dominic Roque decided to keep mum about their rumored romance, it looks like fans are now convince to their just new found evidence. In a photo posted on beadom_shippers Instagram, it suggest that the…
Nahuli ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang Atensyon ng Online na Komunidad. May Nangyayari Ba sa Kanilang Dalawa?
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo caught the attention of the online community A-list stars John Lloyd Cruz and Bea Alonzo did this online, is there something going on between them? Lloydie and Bea did hit movies together but they…
Ang Comeback ni Nadine Lustre ay Hindi Maaaring Maging Mas Kahanga-hanga Pa sa Produkto na “Overgrown”
The actress and singer opens up about the process and why “Overgrown” is an ode to her 20s It’s been a little while since Nadine Lustre fully came to form with the release of Wildest Dreams. The album and its accompanying…
Malapit kay Kim itinangging si Xian ang nag-initiate ng breakup
Kim Chiu at Xian Lim Natawa ang isang source sa chika na si Xian Lim pa raw ang nakipag-split kay Kim Chiu. Asking siya (source) kung bakit may ganung intriga. Nagulat daw siya. Paano raw nangyari ‘yun. Ayon sa isang…
End of content
No more pages to load