Marissa Delgado kinabahan, nailang kay Marian Rivera
Aminado ang beteranang aktres na si Marissa Delgado na nailang siya kay Marian Rivera noong una niya itong nakasama sa taping.
“Noong una siyempre, first time ko siyang makatrabaho, nanonood-nood lang ako sa kanya. Na ‘Hello Marian’, ang payat na babae, napaka-fragile niya. Tapos, beso-beso, tapos ‘yun na, balik na ako sa kuwarto ko.
“Eh, minsan lang kaming nagkakakeksena, eh.
“Pero lately nga, this is what I felt, parang close na kami. Parang more than hi and hello na. At saka, noong una, natatakot ako, medyo ilag ako, kasi dahil siguro tagahanga nga niya ako.
“Gandang-ganda ako sa kanya.
“Pero ngayon nga, super saya na namin sa set. Naglalaro na lang kami.
“Si Max Collins kasi ang madalas kong kaeksena sa serye. Si Marian, minsan nakakasama ko,” sabi ni Marissa.
Anyway, naiintindihan naman ni Marian ang mga ganung pakiramdam, na sa simula ay nahihiya sa kanya ang ibang mga bagong nakakasama niya sa trabaho. Pero, ang maganda nga raw ay nagiging magandang impluwensiya siya sa kanila.
Ang serye ngang ‘My Guardian Alien’ ang proyekto nina Marian, Marissa, at kasama nga si Gabby Concepcion, under GMA-7.
Anyway, sabi nga pala ni Marissa, hinding-hindi siya aalis sa pag-arte kahit matanda na siya.
“Busy rin naman ako sa bahay at business. Pero, iba kasi ang showbiz. Pag may project ako, ang saya-saya ko.
“Sa akin, kahit pelikula pa `yan o serye, okey sa akin. Huwag lang sabay-sabay, o huwag masyadong puyatan talaga. Pero, laban pa rin ako sa pag-arte.
“Sa akin, kung ano ang nandiyan, game ako. Gusto ko lang alagaan ang desire ko, ang pagiging artista talaga,” sabi ni Marissa.
Pinayuhan nga niya ang mga batang artista ngayon na mahalin ang trabaho, dahil wala ka na raw ibang trabaho na mahahanap na libre ang pagkain sa set, at malaki pa ang bayad.
News
Yassi Nagulat Kung Paano PAPAKIN ni James Reid ang Labi ni Nadine! /lo
Bashing over James-Issa-Nadine issue causes Yassi anxiety James Reid (left) and Issa Pressman As the recent show biz intrigue involving…
Yassi Pressman Finally Confirms the REAL STATUS of Her Relationship with Coco Martin—Fans Are Shocked! /lo
Yassi Pressman Confirms Her Real Status with Coco Martin! In a surprising revelation, actress Yassi Pressman has finally opened up…
Eric Santos Admits He Wants to MARRY Angeline Quinto, and Even Mama Bob Approves of Him—Fans Are in Shock! /lo
Eric Santos Admits He Wants to Marry Angeline Quinto: Mama Bob Also Supports Their Relationship! In a surprising and heartwarming…
Matteo Guidicelli Couldn’t Handle Sarah’s Moves at Anne Curtis’ Concert—Fans Are in Shock! /lo
Matteo Guidicelli Can’t Handle Sarah’s Moves at Anne Curtis’ Concert! In a moment that had fans talking, actor and singer…
Pauleen Luna COLLAPSES After Learning About KRISTINE Hermosa and Vic Sotto’s Past—Fans Are Stunned! /lo
Pauleen Luna Faints After Learning About Kristine Hermosa and Vic Sotto’s Past! In a shocking and emotional turn of events,…
Ellen Adarna’s Mosquito Post Alongside Photo with Pernilla Sjoo Sparks Buzz—Fans are Talking! /lo
Mosquito Post Ni Ellen Adarna Kalakip Ang Larawan Kasama si Pernilla Sjoo Usap-usapan Nagbigay ng dahilan ng pag-uusap ang…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply