“Mas lalo kami na-in love sa isa’t isa na magkasama sa bahay.
Marian Rivera on happy home life with Dingdong Dantes: “Kasi, may ibang mga kaibigan ko na tumatawag na, ‘Hay, nakakainis talaga itong asawa ko, andito…’ Pero yung case namin, mas lalo kami na-in love sa isa’t isa na magkasama sa bahay.”
PHOTO/S: @dongdantes Instagram
Hindi raw naranasan ng mag-asawang Marian Rivera, 36, at Dingdong Dantes, 40, na magkapikunan sa halos isang taon nang araw-araw silang magkasama sa bahay.
Isa raw iyong biyaya na ipinagpapasalamat ni Marian.
Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang exclusive interview noong Pebrero 9: “Sa totoo lang, itong quarantine na magkasama kami sa bahay, mas na-realize namin na, ‘Ay, di talaga tayo nag-aaway ano?’
“Kasi, may ibang mga kaibigan ko na tumatawag na, ‘Hay, nakakainis talaga itong asawa ko, andito…’
“Pero yung case namin, mas lalo kami na-in love sa isa’t isa na magkasama sa bahay.”
Napapangiting dagdag pa ni Marian, “Hindi kami nag-aaway kahit isang beses, ha?
“Sabi ko, ‘Compatible talaga kami ng gunggong na ito. Hindi kami nag-aaway.’
“Ang sarap lang na ganun nangyari sa aming dalawa.”
Anim na taon na ang nakalipas mula nang ikasal sila Marian at Dingdong sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, noong December 30, 2014.
Mula noon ay nagkaroon na sila ng dalawang anak na sina Maria Letizia, 5, at Jose Sixto IV, 1.
Pero ngayon lang daw talaga iyong 24/7 silang nagkasamang mag-asawa.
“Siyempre, nung magboyfriend-girlfriend, okay, magkasama kayo. Tapos nung mag-asawa kami, magkasama kami, pero hindi ganito na araw-araw sa bahay.
“Kasi siyempre kailangan niya magtrabaho, kailangan ko magtrabaho, dahil may mga oportunidad na binibigay sa amin.
“Pero one thing is for sure, kahit magkasama kami sa bahay, buong-buo yung pagmamahal namin sa isa’t isa.”
Nagswak daw sila ni Dingdong dahil pareho silang hindi nauubusan ng mapagkukuwentuhan.
Lahad ni Marian: “More chika, more fun kaming dalawa! May session kaming dalawa every time tapos na yung work niya, tapos yung mga bata, tapos na yung school, tapos nagre-relax na, manonood ng TV.
“Actually, andito kami sa office niya. Nagkukuwentuhan kami about life, ‘Anong nangyari sa iyo within this day?’
Read more about
Marian Rivera
Dingdong Dantes
“Para kaming mag-boyfriend and girlfriend na akala mo wala kaming anak.”
Iyon na raw ang pinaka-date nilang dalawa.
“Bahala na, kahit nagpapadede ako. Konting sip lang naman ng wine, arte-arte kaming dalawa, cheese-cheese kaming dalawa.
“Nagkakaroon kami ng pagkakataon na mag-bonding at mag-heart-to-heart talk.
“Pinag-uusapan namin, ‘Ano bang gusto mong goal?’ Kasi si Dong mahilig magtanong sa akin, e. ‘May gusto ka bang tuparin sa pangarap mo?’
“So, coming from that situation, lumalawak na yung kuwentuhan naming dalawa.”
Panoorin si Marian sa panayam ng PEP.ph editorial team sa PEP Exclusives:
News
Joey de Leon, Keempee de Leon Had Emotional Reconciliation
Joey de Leon, Keempee de Leon Had Emotional Reconciliation Keempee de Leon recalls the heartwarming moment he had with Joey…
Dina Bonnevie’s Husband, Deogracias Victor “DV” Savellano, PASSES AWAY at the Age of 65!
Asawa ni Dina Bonnevie na si DA Undersecretary Deogracias Victor ‘DV’ Savellano, pumanaw na – Dina Bonnevie-Savellano’s husband, Deogracias Victor…
Dina Bonnevie NagSALITA Na Sa TOTOONG Dahilan Sa Pag PANAW Ni Deogracias Victor DV Savellano!
Dina Bonnevie’s husband DV Savellano passes away Actress Dina Bonnevie’s husband, Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor “DV” Savellano passed away…
Dina Bonnevie’s Husband, Deogracias Savellano, PASSES AWAY Today – Reportedly D*ED FROM A HEART ATTACK./Lo
Dina Bonnevie PUMANAW NA Ngayong Araw ang Asawa nitong si Deogracia Savellano raw INATAKE SA PUSO? Isang malungkot na balita…
Maris Racal Trends Again on Social Media One Month After Jam Villanueva’s Bombshell.
Maris Racal Muling Nagtrending Sa Social Media Isang Buwan Matapos Ang Pasabog ni Jam Villanueva Naging viral ang pangalan…
Mga babae sa buhay ni Jak Roberto na nakarelasyon, na-link at nakatambal niya sa Showbiz
Women in Jak Roberto’s Life: Relationships, Links, and Showbiz Partners Jak Roberto, a well-known actor and model in the Philippine…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply