Nadine Lustre naka-move on na; ‘di na makisawsaw sa James-Issa



Hindi na raw papatulan ni Nadine Lustre ang isyung nag-cheat si James Reid habang magkarelasyon pa sila, ayon kay Ogie Diaz.

Hindi umano papatulan ni Nadine Lustre ang mistulang pang-uurot ng ilang JaDine fans sa isyu na nag-cheat si James Reid habang sila pang dalawa ang magkarelasyon.

Sa bagong episode ng Showbiz Update, pinag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi ang isyung two-timer si James gaya ng pinalalabas ng ilang netizens.

“Kasi nga sinasabi nila na tinu-time ni James Reid si Nadine. Diba nababasa pa rin natin yun sa mga comment na si James Reid ay talaga raw cheater,” ani Ogie.

Naglabasan din ang mga litrato na may halikang naganap sa pagitan nina James at Issa Pressman habang nakatalikod si Nadine na patunay umanong magkarelasyon pa lamang silang dalawa ay nakikipagharutan na ito kay Issa.

Pero ayon kay Ogie, malabo nang magkomento pa si Nadine sa isyu nina Issa at James lalo’t masaya na ito sa kanyang relasyon.

“Feeling ko hindi na kasi naka-move on na si Nadine,” ani Ogie sa kanyang YouTube channel.

Dahil dito, pinayuhan ni Ogie ang mga JaDine fans na mag-move on na rin sa issue.