Nadine Lustre, nanermon ng mga netizens na nang-iintriga sa relasyon nila ni Christophe Bariou
PHOTOS: @nadine & @rafikimono on Instagram
Para kay Nadine Lustre, hindi ibig sabihin na may mga lalaki siyang ka-close ay nagloloko na siya sa relasyon nila ng nobyo niyang si Chris Bariou. Ganu’n din daw si Chris na may mga kaibigan ding babae kaya wag na daw silang intrigahin. “Lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently but that doesn’t mean Im cheating. Di ba sya pwede magka friends na girls?” tanong niya sa nang-iintrigang netizen.
Sermon ang inabot ng dalawang netizens mula sa aktres na si Nadine Lustre matapos mang-intriga ang mga ito sa relasyon nila ni Christophe Bariou.
Nangyari ito recently sa Instagram account ng kanyang Filipino-French businessman.
Nag-post kasi itong si Christophe ng isang mahabang paliwanag tungkol sa plant-based cream cheese. Dito kasi nakalinya ang lifestyle at business niya.
Dito, isang netizen ang nangahas na magtanong sa kanya kung bakit daw palagi siyang nakikita sa Siargao na kasama umano ang German surfer na base sa naka-tag na account ay nagngangalang Marylou Bvckvr. Katwiran pa nito, concern lang daw siya kay Nadine.
“[H]i, sir @cbariou someone told us from siargao that you been hanging with @maryloubvckvr for these past few days using Nadine’s jeep, you’ve been always with her surfing, eating and skating,we just wondering why you always spend time with her while Nadine is in [M]anila [Sad face emoji] We just hope hindi mo niloloko si Nadine mataas pa naman respeto namin sa i[y]o [Sad face emoji],” sabi ng fan sa comment section,” pang-iintriga nito.
SCREENSHOT: @cbariou on Instagram
Hindi naman ito sinagot ni Chris pero nakatikim ito ng sermon mula kay Nadine.
Ayon sa aktres, gumagawa lang umano ng istorya ang netizen at nagpapanggap na concern sa kanya.
“Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama. 2023 na, gawa nalang tayo ng vegan cheese [Cheese emoji],” pambabara ni Nadine.
SCREENSHOT: @cbariou on Instagram
Tila nakahanap naman ng kakampi ang pangahas na netizen sa isa pang Instagram user na concern din daw kay Nadine.
Nadamay pa sa komento nito ang ex-boyfriend ng aktres na si James Reid. Nagbigay din ito ng unsolicited advice na huwag daw siyang magtiwala nang todo sa nobyo niyang si Chris.
“@nadine sana nads di siya kagaya kay james na manloloko ayaw namin makitang niloloko ka at sinasaktan [Pleading face emoji] Same before lagi mong pinagtanggol pero niloloko ka pa rin [Pleading face emoji],” saad nito sa comment section.
“[W]e just hope yong concern ng siaoganhon na nakakita kay @cbariou at marylou ang ma li. Malayo ka nads yong mga taga siargao ang laging nakakakita kung sinong babae laging kinakasama ni chris sa siao, so sana wag masyado magtiwala kay @cbariou pinagdaanan mo nayan we hope you learn the lesson [Pleading face emoji] CONCERN KAMI SA IYO [Red heart emoji],” dagdag pa nito.
SCREENSHOT: @cbariou on Instagram
Medyo nairita na si Nadine sa diretsahang pang-iintrigang ito ng mga nagpapakilalang fans daw niya at concern umano sa kanya.
Reply niya dito, siya man daw ay may mga ka-close ding kaibigang lalaki pero hindi naman nangangahulugang iyon na nagloloko na siya. At ganu’n din daw si Chris dahil meron din itong mga babaeng kaibigan.
“[H]ow rude and offensive. lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently but that doesn’t mean Im cheating. Di ba sya pwede magka friends na girls? Di ko kaya yung backwards mentality mo teh. It’s giving pre pandemic,” ratrat ni Nadine.
SCREENSHOT: @cbariou on Instagram
Na-award-an din ito ni Chris sa pagiging intrigera at tsismosa.
“Here’s your [Trophy emoji] award for showing your ‘support & concern’ in the worse way possible: by publicly insulting Nadine’s partner on his page and comment section, asking her not to trust him and for believing and spreading chismis,” pang-aasar ng Filipino-French businessman.
SCREENSHOT: @cbariou on Instagram
Bukod sa mga nasabi ng magkasintahan, pinagsabihan din ng iba pang fans ang dalawang netizens na wag nang makialam at mang-intriga pa sa relasyon ng dalawa .
News
Arnel Pineda Reacts to ‘Sentenced to Life Imprisonment’ Rumors — Singer Slams False YouTube Claims /lo
Arnel Pineda Reacts To “Sentenced To Life Imprisonment” Allegation These YouTube videos about Arnel Pineda caught netizens’ attention Filipino singer…
SHOCKING REVELATION: Erwan Heussaff Admits Regret After Discovering Anne Curtis’ True Colors! /lo
In an unexpected twist that has sent shockwaves through the Filipino entertainment and social media scenes, entrepreneur and social media…
Mark Leviste Breaks Silence on Kris Aquino Breakup — Here’s What He Had to Say /lo
Kris Aquino Issue w/ Ex-BF, Mark Leviste Asked To React Mark Leviste was asked about the previous relationship of Kris…
Buboy Villar Denies Serious Accusations Made by Angillyn Gorens — ‘The Truth Will Come Out!’ /lo
Full Article (English): Manila, Philippines –Actor and television personality Buboy Villar is pushing back hard against the serious allegations…
Ashley Ortega Gets Emotional Talking About Her Mother Inside the PBB House — Viewers Left in Tears /lo
Ashley Ortega, Emosyunal Nang Pag-Usapan Ang Ina Sa PBB Bukas na nagbahagi ang Kapuso actress na si Ashley Ortega…
VP Sara Duterte Shares Heartfelt Birthday Message for Her Father, FPRRD — ‘You Are Still My Hero’ /lo
VP Sara Duterte May Nakakaantig Na Birthday Message Para sa Amang Si FPRRD Davao City, Philippines –In a rare but…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply