Nadine Lustre spotted with French guy in Siargao; are they an item?
Nadine Lustre enjoys chill vacation in Siargao with non-showbiz guy.
Nadine Lustre is spotted touring around Siargao with a French guy identified as Christophe Bariou. The two have been constantly seen in each other’s company based on pictures snapped by local residents.
May bagong pag-ibig na ba si Nadine Lustre?
Ito ang tanong ng netizens matapos mamataan si Nadine Lustre kasama ng isang non-showbiz guy sa Siargao.
Natukoy ng mga tagasubaybay ni Nadine na nagngangalang Christophe Bariou ang French guy na madalas niyang kasama sa pamamasyal sa lugar.
Base sa Facebook bio ni Christophe, siya ay founder at managing director ng Maison Bukana, isang boutique resort sa Sitio Lisob sa Siargao Island.
Siya ay nagmula sa Saint-Michel-sur-Orge sa France.
May screenshot din ang netizens kunsaan makikitang pina-follow ni Nadine si Christophe sa Instagram.
Nitong buwan ng Agosto, may iba-ibang araw na nakunan ng litrato at video si Nadine na kasama si Christophe sa tuwing kumakain sila sa mga simpleng eatery.
Read more about
Nadine Lustre
Siargao
Christophe Bariou
May kuha rin silang nagpi-picnic sa isang nipa hut sa tabing-dagat.
CONTINUE READING BELOW ↓
May ilan pang kasama sina Nadine at Christophe sa kanilang mga lakad, pero mapapansing madalas ay silang dalawa ang malapit sa mga litrato.
Tila hindi naman ito inililihim ni Nadine dahil sa mga pampublikong lugar sila namamataan ng ibang mga tagaroon.
Pumapayag din si Nadine magpakuha ng litrato kasama ng mga lokal na nagpapapiktyur sa kanya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sinasabing may mga kuha rin sina Nadine at Christophe sa mga salu-salo sa resort ng binata.
Sa official Instagram ni Nadine, nag-post siya ng ilang litrato ng kanyang pagpunta sa beach.
Pero hindi niya tinutukoy kung nasaan siya at kung sino ang mga kasama niya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Wala ring binabanggit ang singer-actress na anumang impormasyon tungkol sa kanyang love life ngayon.
JADINE DATING HISTORY
Ang dating karelasyon ni Nadine ay si James Reid, na katambal niya sa anim na pelikula at dalawang prime-time series. Kilala ang kanilang love team bilang JaDine.
January 1, 2020, nang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa hiwalayan nila matapos ang halos apat na taong relasyon.
Isang source na malapit sa couple ang nagsabi sa PEP.ph na “irreconcilable differences” ang dahilan ng breakup.
Kinumpirma nina James at Nadine na hiwalay na sila sa isang joint statement noong January 20, 2020.
Sa kabila nito ay nanatiling magkaibigan ang dalawa at magkatrabaho pa sila sa mga musical collab nila.
News
Joey de Leon, Keempee de Leon Had Emotional Reconciliation
Joey de Leon, Keempee de Leon Had Emotional Reconciliation Keempee de Leon recalls the heartwarming moment he had with Joey…
Dina Bonnevie’s Husband, Deogracias Victor “DV” Savellano, PASSES AWAY at the Age of 65!
Asawa ni Dina Bonnevie na si DA Undersecretary Deogracias Victor ‘DV’ Savellano, pumanaw na – Dina Bonnevie-Savellano’s husband, Deogracias Victor…
Dina Bonnevie NagSALITA Na Sa TOTOONG Dahilan Sa Pag PANAW Ni Deogracias Victor DV Savellano!
Dina Bonnevie’s husband DV Savellano passes away Actress Dina Bonnevie’s husband, Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor “DV” Savellano passed away…
Dina Bonnevie’s Husband, Deogracias Savellano, PASSES AWAY Today – Reportedly D*ED FROM A HEART ATTACK./Lo
Dina Bonnevie PUMANAW NA Ngayong Araw ang Asawa nitong si Deogracia Savellano raw INATAKE SA PUSO? Isang malungkot na balita…
Maris Racal Trends Again on Social Media One Month After Jam Villanueva’s Bombshell.
Maris Racal Muling Nagtrending Sa Social Media Isang Buwan Matapos Ang Pasabog ni Jam Villanueva Naging viral ang pangalan…
Mga babae sa buhay ni Jak Roberto na nakarelasyon, na-link at nakatambal niya sa Showbiz
Women in Jak Roberto’s Life: Relationships, Links, and Showbiz Partners Jak Roberto, a well-known actor and model in the Philippine…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply