Nadine Lustre, ni-real talk ang mga nagsasabing tumanda na ang kanyang mukha

 
“I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? Im turning 29 next week,” pahayag ng Deleter lead star na si Nadine Lustre sa mga online bashers niyang pumupuna sa kanyang itsura ngayon. 



PHOTOS: @nadine on Instagram

“I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? Im turning 29 next week,” pahayag ng Deleter lead star na si Nadine Lustre sa mga online bashers niyang pumupuna sa kanyang itsura ngayon. 

 

 

May balik-banat si Nadine Lustre sa kanyang mga bashers na pumupuna ngayon sa kanyang hitsura.

Tila nakarating sa kaalaman ng Viva actress na may mga netizens na nagkokomento na tumanda na daw ang kanyang mukha.

Kaya naman sa kanyang Twitter post kahapon, October 23, pinaalalahanan ni Nadine ang publiko na natural lang umano na tumanda ang kanyang mukha lalo pa’t she’s already in her late 20s.

Katunayan, magse-celebrate na s’ya ng kanyang 29th birthday this coming October 31.

“I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? Im turning 29 next week,” pahayag ng Deleter lead star.

Nakuha rin n’yang makipag-bardagulan sa isa n’yang basher na walang pasintabing nang-insulto sa kanya.

“Gurl ang dumi at dry kasi ng balat mo kay mukha kang matanda,” walang prenong tirada kay Nadine ng pangahas na Twitter user.

Tugon naman dito ng aktres, “[A]tleast di kasing dumi ng ugali mo.”

Agad naman s’yang nakahanap ng kakampi mula sa kanyang fans na nagpayong huwag na lamang n’yang pansinin ang nasabing basher.

“@hello_nadine ‘wag mo na patulan. Don’t stoop down to their level. U said before u make a castle of all the stones thrown at u. It means make it an inspiration to improve and better your looks and yourself. Luv yah,” pahayag ng isa n’yang fan.

“Hayaan mo na mamsh. Pretty pretty kaya ng morena skin natin. Ignore nalang kasi nakakawalang gana ang mga tulad nila,” saad naman ng isa.

Pinuri naman s’ya ng isa pa n’yang taga-suporta at sinabing hindi naman s’ya mukhang 29 anyos sa kanyang hitsura.

“You’re aging nicely. You look young without make up. You don’t look 29,” anito.

“[T]hose people saying otherwise are those who have regressed and got stuck in their own pathetic world [I] guess you changed for the better and grown into a fine young woman.”

Samantala, bibida ang aktres sa horror film na Deleter directed by Mikhail Red na isa sa mga official movie entries sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.