May be an image of 3 people, eyeglasses, sleepwear and text

Nag-promise si Kris Aquino na siguradong magbabalik siya sa mundo ng showbiz.



Nag-promise si Kris Aquino sa kanyang fans na siguradong magbabalik siya sa mundo ng showbiz.

Kahit nga mayroon pa ring pinagdadaanang health problems, gusto raw talaga ng TV host na makapagtrabaho muli.

Nagbigay ng update ang kaibigan ni Kris na si Dindo Balares tungkol sa status ng kalusugan ng TV host.

Aniya, kinailangan daw na muling dalhin si Kris sa ospital para sa medical procedure dahil sa pagliit ng kanyang muscles sa binti.

Binahagi rin niya ang mensahe ni Kris para sa followers nito sa social media. Panimula ng kanyang post, “I WILL DEFINITELY BE BACK’ –KRIS.”

“Para sa media friends na nangungumusta kung nakalabas na sa Makati Medical Center si Kris: yes po.

“Katunayan, may Story post na siya sa IG. May message siya sa kanyang followers bago sumailalim sa procedure last weekend na sadyang ngayon ko lang ilalabas.

“‘Please say that please let me get my health okay and the matulungin Kris will definitely be back. I just need to start working para may pang-share.’

“Kasi nga excited makisali sa relief.

“Kung minsan, natatagalan bago ko ma-process ang thinking ni Kris. Gaya ng kagustuhan niyang makapagtrabaho uli.

“‘I don’t want sadness for my followers. Because I want them to continue praying. We all need to have faith although, Kuya Dindo aamin ako- sa sobrang sakit there are moments I really can’t help but cry.’

“I remind myself though, I’m allowed because I’m still human.’