Showbiz history: The coming-out story of BB Gandanghari

Makasaysayan ang petsang November 2016 sa history ng transition ni BB Gandanghari bilang transgender woman dahil ito ang panahong ganap na kinilala ng korte sa U.S. ang kanyang pagiging babae.
Ayon sa dokumentong may titulong “petition for change of name and gender,” mula sa pagiging Rustom Cariño Padilla ay pinalitan niya ito ng Binibining Gandanghari.
Nakasaad ding legal na maituturing na female ang gender niya sa kanyang identification documents.
Aprubado iyon ng Superior Court of California of the County of Orange.
Emosyunal ang mensahe ni BB nang ianunsiyo niya ang positibong balitang iyon.
Sabi niya sa kanyang Instagram post noong November 2016 (published as is):
“Since my life turned upside down sometime in the late 1990’s, I felt my life was stalled, embracing death, ready to face it eye to eye anytime… anywhere.
“FEARLESS? Maybe…
“I say maybe bec I maybe fearless of death but I was definitely in FEAR of life.
“Life was just too much bec if life is all about looking forward about the future and about goals and ambitions, I had none of it.”
Kaya big step para kay BB nang matanggap niya ang court order hinggil sa kanyang legal identity, na kumakatawan daw sa kanyang “basic human right.”
Patuloy ni BB sa kanyang Instagram post: “I was ecstatic when I got my court order.
“Overwhelmed when my driver’s license finally came in the mail.
“Ecstatic and overwhelmed bec for the first time after everything has been said and done, I finally feel that I exist, that I’m on record and yes… that I’m ALIVE…”
Hindi biro ang mga pagsubok na dinaanan ni BB para lubusang makilala ang sarili.
Para raw kay BB, ang discovery niya tungkol sa kanyang sexual orientation ay malalim at masalimuot.
Higit sa pagpapahalaga sa reputasyon at imahe niya bilang artista, siya raw mismo ay maraming katanungan na saklaw ang kaibuturan ng kanyang pagkatao at pananampalataya sa Diyos.
RUSTOM’S SHOWBIZ BEGINNINGS & THE GAY RUMOR ABOUT HIM
Si BB, 53, ay dating kilala bilang ’90s matinee idol na si Rustom Padilla.
Ilan sa mga romance-drama movie na ginawa niya ay ang Sana Dalawa Ang Puso Ko (1995) at Maruja (1996).
Nakilala rin siya sa paggawa ng action films tulad ng Mistah (1994), Marami Ka Pang Kakaining Bigas (1994), at Bilang Na Ang Araw Mo (1996).
Sa Instagram Live ni BB noong June 2020, isinalaysay niyang baguhang artista si Rustom nang maging nobya nito si Carmina Villarroel bandang August 1992.
Lubos daw na nahulog ang loob ni Rustom kay Carmina dahil sa paging totoong tao ng aktres sa kabila ng kasikatan sa showbiz.
Si Carmina ay kilala noong teen star at mainstay ng defunct ABS-CBN sitcom na Palibhasa Lalake, habang si Rustom ay inilunsad na contract star ng Viva noong January 1993.
Ayon kay BB, tandang-tanda niyang iniintriga na noon si Rustom na “bakla” at sumali umano sa isang gay pageant.
Pero wala raw katotohanan ang isyung iyon.
Balik-tanaw ni BB, may insidente pa raw na nabunyag ang noo’y lihim na five-month relationship nina Rustom at Carmina, dahil sa pagkumpronta ni Rustom sa isang reporter na nagbalita ng gay rumor na naiuugnay sa aktor.
Naganap daw ang komosyong sa pagitan ni Rustom at ng reporter sa loob ng ABS-CBN compound, kung saan may taping si Carmina para sa Palibhasa Lalake.
Sinundo raw ni Rustom si Carmina nang tiyempong makasalubong nila sa corridor ang reporter.
Kinuwelyuhan daw ni Rustom ang reporter at hinila papuntang parking lot, at doon ay galit na hinamon ito ng suntukan.
Sa tensiyon habang umaawat sa gulo, natawag daw ni Carmina na “honey” si Rustom; kaya ang kanilang relasyon ang sumunod namang naging laman ng balita sa showbiz world.
RUSTOM PADILLA’S MARRIAGE WITH CARMINA VILLARROEL
Dalawang taong naging magkasintahan sina Rustom at Carmina bago sila nagpakasal noong 1994.
Sa hiwalay na YouTube vlog ni BB noong June 21, 2020, nanindigan siyang totoo ang pag-ibig ni Rustom para kay Carmina noon.
Si Carmina raw ang “kabuuan ng pangarap” ni Rustom na makatagpo ng babaeng mamahalin habambuhay at makakasamang bumuo ng pamilya.
Pero sa loob ng tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa, unti-unti raw napuno ng insecurities at self-doubt si Rustom.
Umabot sa puntong hindi raw naging sapat ang pag-ibig para pagtakpan ang kahungkagang nararamdaman niya.
“Marami ang nagtatanong, minahal ko raw ba talaga si Carmina? Honestly and true, oo,” saad ni BB.
Pero paliwanag niya: “Rustom may be right, he may be happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem.
“Doon nag-umpisa na bakit kasama na niya yung babaeng… kasi yung pagmamahal, walang question.
“Kung ako magiging lalake ulit, babalik, siya pa rin liligawan.
“Hindi ko naman naiisip noon na bilang Rustom, magpapatawag ako na BB after 21 years or 31 years? I really don’t know.
“Sabi ko nga, it may be the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body.”
Si Carmina raw ang nag-initiate na makipaghiwalay kay Rustom, at hindi na rin daw tumutol pa ang aktor.
Naghiwalay sina Rustom at Carmina noong September 1997, at na-annul ang kanilang kasal noong 2002.
Sa parte ni BB, sigurado raw siyang walang “gay relationship” si Rustom sa limang taong naging kasintahan at asawa nito si Carmina.
Aniya, masakit daw para kay Rustom nang gumuho ang pangarap nitong magkaroon ng pamilya at mamuhay nang naaayon sa kinalakihan nitong prinsipyo sa buhay.
Matapos ang hiwalayan nila ni Carmina, umasa pa raw si Rustom na “emotionally capable” itong magmamahal at maikasal uli sa sinumang babaeng susunod na mapupusuan niya.
RUSTOM RESOLVES TO “STAY AS A MAN”
Sa proseso ng “self-discovery” ni Rustom, isa sa mga matinding pinagnilayan niya ay desisyon niyang “magpakalalaki.”
Sa kanyang vlog noong July 19 at July 26, 2020, sinabi ni BB na mahabang proseso ang pagharap ni Rustom sa tunay nitong katauhan.
Si Rustom ay lumaking may takot sa ama na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkilos niya ng “malamya.”
Brusko ang mga kapatid ni Rustom na sina Royette, Rommel, at Robin Padilla.
Pero higit sa impluwensiya ninuman, ang pinanggalingan daw ng bawat desisyon ni Rustom sa buhay ay may kinalaman sa kanyang spiritual journey.
Si Rustom—at maging bilang si BB sa present time—ay practicing member ng Jehovah’s Witness mula noong siya ay 13 years old.
Lahad ni BB, ang malalim na pananampalataya ni Rustom ang malaking hadlang sa dalawang pagkakataon sa buhay nitong nakaramdam ito ng “vulnerability” at nakuwestiyon ang pagkalalaki.
Una ay nang nakaramdam ng “infatuation” si Rustom sa platoon leader na nakahalubilo nito noong ito ay Boy’s Scout member sa edad na 12.
Pangalawa ay nang may naramdamang “connection” si Rustom sa isang French guy na nakilala nito habang nagbabakasyon sa Australia noong December 1997—o tatlong buwan matapos ang hiwalayan nina Rustom at Carmina.
Pero sinikil daw ni Rustom ang pausbong sanang “attraction” para sa isang kapwa lalaki noon.
Sa isip daw noon ni Rustom, dalawa lang ang pagpipilian niya—ang maging lalaki o maging babae sa oras na piliin niyang maging “gay.”
Hindi raw niya naiintindihan noon na posibleng maging “gay” ang isang lalaki kahit na hindi kita sa kilos at pananamit nito.
Higit sa lahat, nangibabaw raw kay Rustom ang “takot” at “guilt” dala ng kanyang prinsipyo.
Sa murang edad, tumimo raw sa isip ni Rustom na “being gay is not an an option” dahil “salungat” ito sa natutunan niya mula sa kanyang regular na Bible studies.
Ani BB tungkol sa identity crisis ni Rustom noon, “Naniniwala siya na siya ay lalaki dahil naniniwala siya sa Diyos.”
Sa edad na 15 years old, naging aktibo pa raw si Rustom sa “house-to-house” preaching ng Jehovah’s Witness, at minsan ay nangarap pang maging full-time minister ng kongregasyon.
Kaya ganoon na lang daw kahirap para kay Rustom na maintindihan ang mga bagay kunsaan nakukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.
Ayon pa sa hiwalay na vlog ni BB na may petsang September 27, 2020:
“In 1997, when Rustom’s marriage came to an abrupt end, he was devastated, broken into pieces, reputation-wise, career-wise, spiritually, and even his manhood most especially…
“But there’s only one resolve, as he had and it seems so, in 1983 when he made a choice and made that resolve while he is baptized as a Jehovah’s Witness, he will remain as a man and live as a man, not out of religious organization’s influence but based on faith.
“It’s between them. It’s between himself and his God. His resolve was never about himself. His resolve was always about God, what will be good and pleasing in the eyes of God.”
Diin pa ni BB, “And so from 1997 to 2001, the resolve was be a man and stay as a man.”
RUSTOM PADILLA’S FIRST RELATIONSHIP WITH ANOTHER MAN
Taong 2001, unang naranasan ni Rustom ang umibig sa isang kapwa lalaki.
Thirty-three years old siya noon.
Sa series of vlogs ni BB mula August 30 to October 2, 2020, isinalaysay niya ang life-changing encounters sa pagitan ng dalawang lalaking itinago niya sa mga pangalang David at Jonathan.
Base sa kuwento ni BB, malinaw na ang kanyang tinutukoy na David ay si Rustom dahil ilang beses niyang pinagpapalit-palit ang pangalan ng mga ito sa nilalahad niyang “love story.”
Nagsimula raw magkakilanlan sina David at Jonathan matapos magkatrabaho sa isang Passion play sa San Francisco, California, noong 2002.
Iyon daw ang “unang pagkakataon” na naramdaman ni David ang “attraction na mutual” sa “same-sex individuals.”
Mula sa “kissing, holding hands, at caressing,” idinetalye ni BB ang “intimate” moments nina David at Jonathan sa loob ng apat na beses na pagkikita nila sa San Francisco.
Hanggang sa pagbalik ng Pilipinas, nagtuluy-tuloy ang komunikasyon ng dalawa at unti-unting nahulog ang loob ni David kay Jonathan.
Ayon pa sa vlogs ni BB noong September 2020, hindi naging madali para kay David na pasukin ang pakikipagrelasyon kay Jonathan dahil nakaramdam ulit ng “takot” at “guilt.”
Inuusig daw si Rustom ng “konsensiya” niya, lalo pa’t ang bahay nito ay nasa likod ng Kingdom Hall o simbahan ng Jehovah’s Witness.
Pero ani BB, hindi man turuan ni David/Rustom ang puso ay kusa itong umibig kay Jonathan.
Pinanghawakan daw noon ni Rustom ang sinabi ni Jonathan na pag-ibig ang umiiral sa pisikal na aspeto ng kanilangan ugnayan.
Lahad pa ni BB: “So they started a relationship that night…
“Looking back, it was bound to be life-changing and very eye-opening experience for David… for Rustom as a whole.
“That was May, June, July… Very happy. Always together. Always hanging out.”
Tinawag ni BB na “honeymoon time” ang mga buwan na iyon sa pagitan nina Rustom at Jonathan.
Ayon naman sa vlog ni BB noong October 2, 2020, patuloy na binabagabag si Rustom ng confusion at guilt feelings nito.
Pero diin ni BB: “Hindi siya bumibitaw sa paniniwala niya na baka maintindihan ng Diyos kung pag-ibig ang pinanggagalingan.”
Hanggang sa noong September 2001, nagkaroon daw ng masinsinang usapan sina David at Jonathan tungkol sa patutunguhan ng kanilang relasyon.
Nagtapat ng pag-ibig si David kay Jonathan.
Kung anuman ang sagot ni Jonathan, nabitin dahil sa puntong ito nagtapos ang paglalahad ni BB ukol sa love story nina David at Jonathan.
Hindi rin malinaw kung paano nila hinarap ang agam-agam ni Jonathan tungkol sa isyung may kinalaman sa ex-girlfriend nito.
Matalinhagang sabi lang ni BB noong October 2, 2020: “But this proved, maybe life knows, he may need this emotional connection to open his Pandora’s box to finally get into himself or herself.
“Get into the soul. Get into the core through love. At least, yun ang pinanggagalingan. Hinanap ang core through love.”
Kung anu’t ano man, si Jonathan ang nagbigay ng idea kay Rustom na pwedeng maging “option” ang manirahan sa U.S. sakaling piliin niyang magpakatotoo sa sarili.
RUSTOM PADILLA COMES OUT AS GAY
Fast-forward to 2006, nagbalik-showbiz si Rustom sa Pilipinas.
Sumali siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Edition.
Dito kauna-unahang umamin si Rustom sa publiko na siya ay “gay.”
Ikinuwento ni Rustom sa housemate niyang si Keanna Reeves na malaking bahagi ng takot niya noong magpakatotoo sa sarili ay dala ng childhood trauma.
May insidente raw noong bata si Rustom na nadatnan ito ng ama na nakasuot ng damit-pambabae.
Nabugbog daw si Rustom ng ama nang makita nito ang hitsura niya.
Lahad ni Rustom: “Naglalaro kami ng mga kapatid ko, hindi ko alam kung bakit ako nakadamit-pambabae.
“Dumating bigla ‘yong tatay ko. Tatay ko kasi maraming babae kaya di mo alam kung kailan darating.
“Naglalaro kami sa garahe, ‘tapos pagdating nakita akong nakadamit-pambabae, bugbog. Hawak ako sa isang kamay, sinisinturon ako sa isang kamay.”
Nagmarka raw ang insidenteng iyon kay Rustom.
Ani Rustom, “Rage ang natatandaan ko. Hindi anger o ordinaryong galit, but rage. ‘Tapos, ‘Bakla, bakla, bakla,’ ‘yong ganun, iyon ang pumapasok sa isip ko.”
Doon daw nag-umpisa ang “confusion” niya dahil sa stigma o “malisya tungkol sa kung ano ang kabaklaan.”
Wala raw makausap si Rustom noong panahong may mga agam-agam siya tungkol sa kanyang pagkalalaki dahil sa takot na mapagalitan ng ama, at kinalaunan ay dahil sa kinalakihang prinsipyo sa buhay.
Nagsimula lang daw maintindihan ni Rustom ang kanyang dinaanang identity crisis nang hanapin niya ang sarili sa U.S.
Taong 2002 nang iwan ni Rustom ang showbiz upang siya ay manirahan sa U.S.
Nag-apply siya para makakuha ng green card upang maging residente roon, at naaprubahan daw iyon noong 2005.
Hanggang sa sumali nga ng PBB si Rustom.
Kuwento pa rin ni Rustom kay Keanna: “Kasi, di ba, dito pag gay ka kailangan mo magdamit-babae, kailangang malambot ka kumilos. Hindi ako ganun.
“Nakita ko sa America all forms and sizes, na kahit hindi ka malambot kumilos…
“Kasi yun ang confusion ko nung araw…”
Sa puntong ito, naluluhang inihayag ni Rustom ang pagpapakatotoo niya sa sarili.
Aniya, “Kahit hindi ka nagme-makeup, kahit hindi ka tumitili, nasa puso yung pagiging gay. And I had no choice kasi na-realize ko na I’m gay.
“Sinasabi ko sa iyo ngayon, at sinasabi ko sa lahat ng tao, kasi hindi ako masamang tao…”
RUSTOM PADILLA’S TRANSITION INTO BB GANDANGHARI
Mula 2006 hanggang 2015, pabalik-balik si Rustom sa Pilipinas para sa kanyang acting projects.
Noong panahon ding iyon unti-unting nasilayan ang transformation ni Rustom bilang BB Gandanghari.
Ginulat ni Rustom ang publiko nang dumalo siya sa 31st Gawad Urian na nakasuot ng damit-pambabae, kuntodo ang makeup, at mahaba ang buhok.
Ginanap ang event sa CCP Little Theater noong October 2008.
Ayon sa panayam ng PEP.ph kay Rustom noon, ang kanyang look ay bahagi ng paghahanda niya para sa isang role sa isang stand-up comedy.
Naalala ni BB ang agaw-eksenang hitsura niya sa 2008 Gawad Urian nang makapanayam siya nina Gorgy Rula at Morly Alinio ng DZRH noong September 16, 2020.
Sabi ni BB: “That was the first time I really went out na as Binibini Gandanghari.
“Hindi pa nagta-transition. In fact, that was a leap of faith. I don’t know what happened that night…”
January 2009 naman nang tuluyang mag-come out si Rustom bilang Binibining “BB” Gandanghari na isang trangender woman.
Nagbalik siya ng Pilipinas na babaeng-babae ang hitsura sa suot niyang damit at sa haba ng kanyang buhok.
Nasabi pa noon ni BB ang mga katagang “Rustom is dead” para ilarawan ang bagyong yugto ng kanyang buhay.
Taong 2012, sinubukan ni BB na i-pursue ang pagmomodelo sa New York, kaya trinabaho raw niya talaga ang pagbabawas ng timbang noon.
Pero kinalaunan, napagtanto ni BB na mas mabuting mag-focus siya sa pag-arte dahil iyon naman daw talaga ang craft niya.
Lumipat siya ng Los Angeles, California para i-pursue ang hamon niya sa sarili na makapasok sa Hollywood.
Hanggang sa noon ngang November 2016, naaprubahan ng korte sa California ang application niya para legal na matawag na Binibining Gandanghari.
Sa panayam ng DZRH kay BB nitong September 2020, sinabi niyang ang kanyang transition bilang transgender woman ay isang bagay na hindi niya minamadali.
Pitong taon daw siyang naghanda ng sarili at sumangguni sa mental health experts bago siya sumailalim sa “hormone replacement program.”
“Kasi may mga mental health providers, e. And you should do that, not because you are crazy but to prepare yourself for the big change.
“From man to woman, psychologically, there will be a change. You’ll start thinking as a woman and not as a man.”
Itinuturing daw niya iyong “pagdadalaga” kaya hindi overnight ang resulta para makumpleto ang physical transformation niya bilang ganap na babae.
Personal choice daw ni BB ang maging transgender woman.
Hindi raw niya iyon inihingi ng permiso sa sinuman maliban sa personal niyang mga dalangin sa Diyos.
Sabi ni BB sa DZRH: “Kasi from that moment on, alam ko walang makakatulong sa akin kundi sarili ko lang.
“It was between me and my God. No one else can say right or wrong, as far as personal decisions na ito.”
Nabanggit din ni BB na mayroon siyang “love life” sa U.S., pero wholesome daw ang relasyon niya sa hindi pinangalanang lalaki.
Sa kasalukuyan, sa Los Angeles pa rin naninirahan si BB.
Mayroon siyang office job habang patuloy sa kanyang goal na pasukin ang Hollywood.
Noong 2019, nagkaroon siya ng TV appearance sa American series na Glow na ipinapalabas sa Netflix.
Nitong 2020, naglunsad si BB ng kanyang Youtube Channel kunsaan mayroon siyang vlog series tungkol sa kuwento ng kanyang buhay.
News
SHOCKING VIDEO: Gretchen Barretto FINALLY FIRED BACK after being relentlessly attacked by Sunshine Cruz, leaving fans in shock and sparking heated debates online! /lo
Gretchen Barretto Finally Fires Back After Relentless Attacks by Sunshine Cruz, Sparking Heated Debates Among Fans! In a dramatic turn…
Breaking News: Alden Richards just shocked the world with his unexpected reveal about Vic Sotto and Maine Mendoza, and fans are now in a frenzy trying to piece together the truth! /LO
Lagot Na! Alden Richards Makes Shocking Admission About Vic Sotto and Maine Mendoza! In a startling twist that has sent…
Vic Sotto and Maine Mendoza finally speak out, CONFIRMING their REAL relationship to the public, leaving fans shocked and eagerly discussing the unexpected revelation! /lo
Vic Sotto and Maine Mendoza Finally Speak Out, Confirming Their Real Relationship to the Public In a stunning twist that…
Rustom Padilla’s tearful confession about his child with Carmina Villaroel has caused a massive uproar, with fans scrambling to process the shocking news! (VIDEO) /lo
Rustom Padilla’s Tearful Confession About His Child with Carmina Villaroel Causes a Massive Uproar In a shocking and emotional revelation…
Zeinab Harake’s Unexpected Birthday Message for Bobby Ray Parks Jr. Stirs Up Drama Among Fans! /LO
Zeinab Harake’s Sweet Birthday Message for Fiancé Bobby Ray Parks Jr. Zeinab Harake Heartfelt Birthday Tribute to Fiancé Bobby Ray…
Kris Aquino and Mel Sarmiento’s SHOCKING BREAKUP: It’s OFFICIAL, They Have SEPARATED for GOOD, Leaving Fans in Disbelief! /LO
Kris Aquino deletes social media posts about fiancé Mel Sarmiento Kris Aquino deletes all her photos and videos with fiancé…
End of content
No more pages to load