Roderick Paulate, Nahatulang ‘guilty’ Makukulong Hanggang 62 Taon!

 



Nahatulan na ang dating actor na si Roderick Paulate sa kasong graft and falsification of public documents. 

Napatunayan ng sandiganbayan na ‘guilty’ si Roderick Paulate sa mga kasong one count of graft ang corruption at nine counts of falsification of public documents.

Ayon sa balita, maaring makulong si Paulate ng 10 hanggang 62 taon. Hiningan din si Roderick ng 10000 peso fine sa bawat count ng falsification.

Matatandaan nasuspende noong 2010 sa kanyang office si Roderick bilang Quezon City Second District Councilor dahil sa kanyang pagha-hire ng mga ghost employee mula July hanggang November 2010. Nasa 30 katao ang hinire ni Roderick at nakatanggap umano ng sahod sa loob ng nasabing mga buwan. Subali’t ang kanyang mgapersonal data ay may mga irreguralities.