Romnick Sarmenta hindi daw iboboto ang kapwa artista sa 2025 election

Actor Romnick Sarmenta stated that he will not vote for any of his fellow actors running in the upcoming 2025 election. He will not endorse anyone either.



According to Romnick, popularity alone is not a sufficient basis for determining whether someone can effectively serve the country’s interests.

In a series of tweets, Romnick said:

“Oo. Artista ako. Ito ang aking kinamulatan… apat na gulang ako ng magsimula. Hindi.

Hindi ako ginamit ng kahit na sino… natutunan kong mahalin ang sining na nagpalaki, at sa isang banda’y htumulong sa paghubog ng aking pagkatao.

Marami akong nakasama at nakasalimuha. Maraming taong nakilala at nakalapitan ng loob… ang mabubuting taong nagpaalala sa akin na hindi ko kailangan magpadala sa agos ng mga hiyaw at sa kasikatan. Mga taong nagmalasakit na lumaki ako ng tama.

Mga taong nagbahagi ng kanilang pananaw sa maraming bagay. Mga taong hinahangaan ko at minamahal dahil sa kanilang paninindigan at prinsipyo… mga bagay na may halaga sa aking puso. Marami rin sa kanila ang nawala na. Ngunit ang mga aral ng kanilang gawa ay buhay.

At dahil din sa kanila, di ako naniniwalang dapat tumakbo ang mga sikat. Hindi patas ang laban… lalo na’t pondo ang pangalan. Kilala sila… hindi alam ang pangalan ng kalaban. Kilala sila… oo. Pero hindi ito batayan ng kagalingan sa pagpapaunlad ng bayan.

Hindi rin ako mageendorso ng kahit na sino. Alam ko kung sino ang mga pinili ko. Wala. Walang artista sa kanila.”

 

(Photo source: Instagram – Romnick Sarmenta)