Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso
Jojo Nones, nakipagsagutan kay Senator Jinggoy Estrada.
Sandro Muhlach (left) narrates what happened on the morning of July 21, 2024 when he entered the hotel rook of GMA-7 independent conractors Jojo Nones (inset, top) and Dode Cruz (inset, bottom).
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook
Trigger warning: Sexual abuse, sexual harassment, use of illegal substance
JERRY OLEA
Naka-confine sa St. Luke’s BGC ang independent contractor na si Richard “Dode” Cruz kaya hindi nakadalo sa Senate hearing nitong Agosto 27, 2024, Martes.
Andoon ang kapwa independent contractor na si Jojo Nones, pati ang ama ni Sandro Muhlach na si Niño Muhlach.
Pinangunahan nina Senators Robinhood Padilla at Jinggoy Estrada ang hearing ng Committee on Public Information and Mass Media.
Isinalaysay ni Sandro online ang insidente noong Hulyo 21, Linggo ng madaling-araw, pagpasok niya sa hotel room nina Jojo at Dode sa Pasay City.
“It just happened after the GMA Gala,” lahad ni Sandro.
“Pagpunta ko po ng room nila, ayun nga po, nakita ko po si Sir Jojo saka si Dode Cruz. Si Dode Cruz po, lasing na lasing na.
“Pinakilala po ako ni Sir Jojo. So, tumayo po si Dode sa… tumayo po si Dode sa bed, tapos pinakilala po ako ni Sir Jojo, ‘Si Sandro ito, anak ni Niño, magaling na artista ito. Magaling na kontrabida ito. Ika-cast ko ito soon.’
“Ganun po ang usapan, ganyan. Tapos, inabutan po nila ako ng wine. Pinainom po ako ni Sir Jojo ng wine. Then, nag-abot nga po siya ng PHP500-bill sa akin.
“Then… may nilagay po siyang white substance dun po sa table ng hotel”
Sandro Muhlach with his legal counsel at the Senate hearing on August 27, 2024.
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
THE WHITE SUBSTANCE
Hindi binanggit ni Sandro kung ano ang tumpok ng nasabing white substance, na pinagparte-parte raw ni Jojo sa pamamagitan ng hotel room key card.
Pagpapatuloy ni Sandro, “Tapos, ayun po, tinuruan niya ako kung paano… kung paano gamitin po yung substance.
“Nauna po silang humit ni… nauna po silang suminghot ni Dode Cruz, sila pong dalawa. Then, ako po yung pinasunod nila.
“Then, after ilang minutes po… after ilang minutes po… hinila nga po ako ni Sir Jojo sa kama.
“Then, si Dode Cruz po… si Dode Cruz po, tinanggal po yung polo ko. Bigla po niyang…”
Napapikit si Sandro at halatang nahihirapang ituloy ang salaysay, “Bigla po niyang… bigla po niyang sinuck yung nipples ko po.
“Parehas. Sobrang sakit po.
“Then… si Sir Jojo po, binaba po yung pantalon ko.
“Tapos… Sir, sobrang laswa po, it’s gonna be…”
Pinutol na ni Senator Jinggoy ang salaysay ni Sandro.
Naunawaan ni Senator Jinggoy kung bakit nahihirapang magpatuloy si Sandro.
“They took turns,” sambit ng senador.
Pag-ayon ni Sandro, “Yes po, Your Honor.”
GORGY RULA
Parehong mainit sina Senator Jinggoy Estrada at Jojo Nones sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng senado kanina.
Maraming tanong si Senator Jinggoy na hindi sinagot ni Nones dahil hindi pa raw nila natatanggap ang kopya ng complaint na isinumite ni Sandro Muhlach sa Department of Justice.
Sinampahan ni Sandro ng reklamong rape at acts of lasciviousness sina Nones at Cruz sa DOJ.
Paliwanag ng legal counsel ni Nones, hindi nila alam kung ano ang nakapaloob sa complaint. Baka ma-incriminate daw si Nones sa mga isasagot nito.
Ilang beses sumagot si Nones ng linyang ito: “I would like to invoke my right to self-incrimination Your honor. Since the case is already in the DOJ, we will answer there.”
Kahit ang mga simpleng tanong kung sino ang mga kasama sa hotel, kung binigyan ba niya ng wine si Sandro, pati ang kung ano ang ginawa nila pagkaalis ni Sandro ay hindi sinagot ni Nones.
Baka makaapekto pa raw ito sa haharaping kaso nina Nones at Dode kapag sisimulan na ang pagdinig sa korte.
ESTRADA AND NONES HEATED ARGUMENT
Uminit ang ulo ni Senator Jinggoy dahil sa paraan ng pagsagot ni Nones.
Nakipagtalo rin si Nones dahil karapatan daw niyang huwag sagutin ang ilang katanungan ni Senator Jinggoy.
Senator Jinggoy Estrada and Jojo Nones had a heated argument at the Senate hearing on August 27, 2024.
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
Depensa ni Nones sa sarili, “I don’t think it is fair and proper that you detain me just because I invoke my constitutional right to self-incrimination, Your honor.
“Wala pong pilitan, hindi naman po tayo korte.”
Nayabangan si Senator Jinggoy sa pagsagot ni Nones.
Pero pagmamatuwid ni Nones, “Hindi ako mayabang, Your honor. May karapatan din po akong konstitusyonal.”
Sabi naman ng actor-politician, “I know your rights.”
Himutok ni Nones, “Yet you have detained me for eight days, Your honor….”
“I will still detain you!” kaagad na buwelta ni Sen. Jinggoy.
“For just exercising my constitutional rights, you continue to detain me. I think it’s injustice,” sabi pa ni Nones.
“I know your rights!” sagot ulit sa kanya ni Senator Jinggoy.
Wala na si Senator Robin Padilla nang uminit na ang pagtatalo nina Senator Jinggoy at Jojo Nones.
Si Senator Jinggoy ang nagtapos ng hearing na wala siyang napiga kay Nones. Sa aming pagkakaalam ay mananatili pa ring naka-detain ang naturang independent contractor ng GMA-7.
Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach
NOEL FERRER
Hindi tinapos ni Senator Robin Padilla ang hearing kanina kaya si Senator Jinggoy na lang ang nagtapos.
Pero bago umalis si Senator Padilla, malumanay niyang ipinaliwanag na para umano sa pinag-aaralan nilang batas ang isinasagawa nilang imbestigasyon.
Bilang taga-showbiz din siya ay alam daw niya ang kalakaran at ang mga nangyayari.
Humihingi lang siya ng kooperasyon sa pagsagot ng mga simpleng tanong na tingin nila ay hindi naman makakaapekto sa kasong isasampa sa korte.
Saad niya, “Kailangan pong malinaw lang ang ating usapan dito. Hindi para kayo ay ipahamak. Sapagkat naintindihan lang… lalo na po kaming dalawa ni Senator Jinggoy Estrada, dahil once upon a time, kami po ay naakusahan din.
“Naintindihan namin ang nararamdaman ng akusado, at ako nararamdaman ko din ang nararamdaman ni Sandro Muhlach. Sapagkat ako ay artista din.”
Noong 1994 ay nahatulan Senator Robin ng 21 taong pagkakakulong matapos mapatunayang guilty siya sa kasong illegal possession of heavy firearms.
Tatlong taon siyang nakulong sa National Bilibid Prison (NBP).
April 1997 nang mabigyan siya ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos. Nakumpleto nito ang pagsisilbi sa conditional pardon noong taong 2003.
Noong 2016 ay binigyan siya ng absolute pardon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Read: President Rodrigo Duterte grants absolute pardon to Robin Padilla
Si Senator Jinggoy Estrada naman ay sinampahan ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman noong 2014. Kasama niyang kinasuhan ang mga kapwa senador na sina Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.
Inakusahan si Estrada ng pagbubulsa umano ng PHP183.79 million mula sa kanyang pork barrel funds, mula 2004 hanggang 2010.
Nitong January 2024 ay in-acquit siya ng Sandiganbayan sa plunder charges.
Pagpapatuloy ni Senator Robin: “Kami ay walang pinapanigan dito. Kailangan namin makagawa ng batas, at sa inyo naman po ang pagkakataong matulungan kami ng mga simpleng tanong.
“Napakasimpleng tanong. Nasa inyo na po ang kalayaan para sagutin ang mga simpleng tanong na wala naman po yung katanungan doon sa naganap. Doon lang po sa ang tanong ay doon sa pinangyarihan.
“Ano ba? Sino ba ang mga nandun? Iyon naman po ay nailabas na din sa news, at nagkaroon na rin ng maraming pahayag kung sino ang nandun.
“Kailangan lang po namin matulungan niyo po kami sa mga simpleng tanong.”
Bukod sa kaso nina Sandro at ng dalawang independent contractors, pinag-usapan din ang pag-handle ng TV networks sa ganung kaso.
Dumalo ang representative ng ABS-CBN at ng TV5, at sinabi ng taga-ABS-CBN na binigyan nila ng atensiyon ang kaso ng sexual harassment na nakakarating sa kanila. Pero hindi ganun kadami.
Bihira lang daw ang ganung kaso sa TV5, pero itong huling inireklamo ng isang researcher laban kay Cliff Gingco ay naresolba na raw at sa pagkakaalam nila ay isinampa ang kaso sa NBI.
News
HOT: Is this the real cure for Kris Aquino’s illness? The shocking revelation has left fans in disbelief, with many wondering if this could finally be the answer to her long battle. /lo
ITO NA BA ANG TOTOONG LUNAS SA SAKIT NI KRIS AQUINO? Isang malaking katanungan ang bumabalot sa isip ng mga…
FINALLY! Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli are expecting their first child, and fans are beyond thrilled with the news! /LO
FINALLY! SARAH GERONIMO BUNTIS NA SA FIRST BABY NILA NI MATTEO Isang napaka-exciting na balita ang umabot sa mga tagahanga…
WATCH NOW: In tearful eulogy, Gloria Romero’s only child recalls final 25 days together (VIDEO) /LO
Gloria Romero – Actress’ Only Child Tearful In Eulogy In a tearful eulogy, the only child of Gloria Romero recalled…
KARLA ESTRADA ibinulgar ang hirap ng buhay nila DANIEL PADILLA! /LO
‘Huwag tayong manghimasok’: Karla Estrada speaks up on status of Kathryn, Daniel TV host Karla Estrada, and superstar couple Kathryn…
Alex Gonzaga sent a heartfelt message to Mikee Morada, saying, “I’m so sorry for our loss,” expressing her deep sorrow. Fans have shown their support during this tough time./LO
Alex Gonzaga sends touching message to Mikee Morada: “I’m so sorry for our loss” Lipa City Councilor Mikee Morada said…
Darryl Yap has announced, “Our next step is to submit for a review to the MTRCB,” as he prepares for the next phase of his project. Fans are eagerly waiting to see how this will unfold with the regulatory body’s review./LO
Darryl Yap: “next step naman po namin ay magpareview sa MTRCB” Director Darryl Yap said that his next step would…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply