Sharon Cuneta, naiyak sa pagsasabong ng bashers kina Frankie at KC
Sharon: “It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another.”
Sharon Cuneta, may apela sa bashers na ipinagkukumpara ang physical looks ng magkapatid na Frankie Pangilinan at KC Concepcion: “It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another. Why are you so bad? Wag niyo silang siraan.”
Isang umiiyak na Sharon Cuneta ang bumungad sa kanyang Instagram Live, dahil upset at stressed siya sa mga nagaganap ngayon sa ating lipunan.
“Ewan ko ba, bakit may mga taong ang sasama. Ito na ba ang panahon ngayon?” sentimyento ng Megastar nitong Hunyo 29, Lunes ng gabi.
Bukod sa nangyayari sa ating bansa, nag-comment si Sharon sa negatrons sa panahon ngayon.
Hindi raw niya lubos maisip kung bakit pati ang mga anak niyang sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan ay pinagsasabong ng bashers.
Si KC ay anak ni Sharon sa ex-husband na si Gabby Concepcion, habang si Frankie ay anak ng aktres sa second husband niyang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Madalas atakehin ng bashers si Frankie dahil sa kanyang matatapang na opinyon tungkol sa iba’t ibang relevant issues sa bansa.
Naluluhang pahayag ni Sharon: “It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another.
“Why are you so bad? Why are you doing that to my children?
“Wag niyo silang pag-awayin. Wag niyo silang siraan.
“Gumagawa kayo ng istorya. Nao-offend ako for Frankie.
“Hindi man siya kasingganda ng Ate KC niya, natural, hindi naman matinee idol ang tatay niya, pero iba naman ang ganda niya.
“Disente ang tatay niya at hindi ako sinaktan tulad ng mga guwapo nga diyan.
“Hindi ako nagpapaawa at nagpapapansin.
“Sana, ibalik natin ang pagka-disente natin sa lipunan.”
Sa puntong ito, kinausap ni Sharon ang anak na si Frankie, na tiyempong kakapasok noon ng kuwarto.
“I’m so sorry. You don’t deserve.
“And in the end, that’s not what matters, you know,” ani Sharon kay Frankie.
Mahinahong sumagot si Frankie na hindi siya apektado dahil iba-iba naman ang standard of beauty ng tao.
Sabi ulit ni Sharon, “That’s right. You’re very pretty, honey.
“Each of you has your own kind of beauty… Yeah, you’re different from each other.”
Read more about
Sharon Cuneta
bashers
Frankie Pangilinan
KC Concepcion
Tumagal ng higit 45 minuto ang Instagram Live ng Megastar.
May isang puntong nabanggit ni Sharon na ang ibinoto niya noong 2016 national elections ay ang presidential candidate na si Grace Poe at vice president candidate na si Leni Robredo.
Tahasan niyang sinabi na sana tumakbong Presidente si VP Leni sa 2022 elections. It must be her mother’s heart talking and crying.
Sa mga patuloy na naninira at nagpapaka-nega, ipagdarasal at ipagpapasa-Diyos na lang daw ni Sharon lahat.
HOT STORIES
Local News
Kim Molina has the best reply to body-shamers targetting her boobs
JUN 22, 2020
Local News
Bianca King on why she kept mum about Sofia Andres’s pregnancy: “Its not my story to tell.”
JUN 26, 2020
Local News
Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz
JUN 24, 2020
SPECIAL REPORT
PEP Troika
Manila Film Festival Scam 1994: Mga katanungang hanggang ngayon ay wala pang kasagutan
JUN 24, 2020
GORGY RULA
Sana, hindi na natin mapanood si Sharon Cuneta na umiiyak para ipagtanggol ang kanyang mga anak.
Ang inaasahan ko sana sa susunod niyang pagla-live sa kanyang Instagram account ay nasa NBI siya at ituloy ang pagdemanda sa nag-cyberbully sa anak na si Frankie.
Sobrang foul ang pananakot kay Frankie ng isang basher na nagsabing, “Kung dose anyos lang ako ay ginahasa na kita.”
Dagdagan pa ng iba, na sa halip na bigyan ng simpatiya, panlalait pa ang inabot ng pobreng dalaga.
CONTINUE READING BELOW ↓
WATCH: DEJA now on PEP Live!
Dapat ipakita ni Sharon ang kanyang pagiging matapang at palaban na ina. Na kahit saan maghaharap ay nandiyan siya para sanggahin ang pambabato sa kanyang mga anak.
Huwag na siguro siyang magsalita sa social media. Ituloy na niya ang demanda!
JERRY OLEA
Bilang Sharonian, nabagbag tayo sa Crying Mega sa tunay na buhay.
Nauunawaan natin ang sentiments ni Sharon bilang ina, at idinadalangin natin kung ano ang makakabuti para sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.
Masalimuot ang usapang pulitika at walang hanggan ang balitaktakan dito.
Nawa’y manaig ang katotohanan at katarungan, at makamit ng ating bansa ang kapayapaan at kaunlaran.
News
Mark Herras finally breaks his silence about his viral dance at a gay bar, revealing the real story behind the controversy! /LO
Mark Herras, nagsalita na tungkol sa viral niyang pagsasayaw sa gay bar – Mark Herras has finally talked about his…
Alodia Gosiengfiao fires back at the unauthorized use of her video in a gambling ad, calling out the blatant exploitation of her image! /LO
Alodia Gosiengfiao Slams Unauthorized Use of Her Video in Gambling Ad Alodia Gosiengfiao Exposes Scam Using Her Video Without Permission…
Kris Aquino makes a shocking admission, confessing that she was wrong to blame her former business partner for her condition! /LO
Kris Aquino admits mistake in blaming former business partner for condition The legal battle between Kris Aquino and her former…
SHOCK: Gretchen Barretto storms out of a press conference after uncomfortable questions about her alleged rift with younger sister Claudine Barretto! /LO
Gretchen Barretto walks out of press conference Questions about her supposed gap with younger sister, Claudine Barretto, make her feel…
Nicko Falcis stirs the pot, alleging Kris Aquino lost control and went ‘all berserk’ after ABS-CBN secured the PR rights for Crazy Rich Asians! /LO
Nicko Falcis hits Kris Aquino for trivializing her threat to his life Nicko Falcis on Kris Aquino’s P40M: ‘All investments…
WATCH NOW: Judy Ann Santos, with a heavy heart, apologizes to her mother, saying, ‘I’m sorry, Mom, because I know I wasn’t the best daughter,’ revealing a deeply emotional and honest moment of reflection. /LO
Judy Ann Santos as a daughter: “I’m sorry to mom because I know I wasn’t the best daughter.” In an…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply