Sharon naloka kay Janice: Ang liit-liit na babae ang lakas sumampal!

Sharon Cuneta at Janice de Belen
NA-ENJOY ng mga manonood ang bardagulan at sampalan scenes nina Janice de Belen at Sharon Cuneta sa hit Prime Video series na “Saving Grace.”
Talagang abangers lagi ang mga nakasubaybay sa naturang Kapamilya drama series sa mga confrontation at “fight scenes” ng dalawang award-winning actress.
Ayon kay Janice, hinding-hindi niya makakalimutan ang naging experience niya working with the Megastar sa “Saving Grace” na mapapanood nga sa free TV pagkatapos ipalabas sa Prime.
Sa naganap na mediacon para sa “Saving Grace: The Untold Story” na magsisimula na sa primetime ng iba’t ibang Kapamilya platforms sa March 3, natanong sina Sharon at Janice about their intense scenes.
Pareho raw na-enjoy ng dalawang aktres ang kanilang mga nakakalokang eksena sa serye, kabilang na ang matindi nilang sampalan na kailangang-kailangan daw sa kuwento.
Kuwento ni Janice, inabot daw ng three takes ang naturang eksena, “More than the preparation for the sampal, it’s the preparations of the lines na mas importante sa amin.”
Hangga’t maaari raw ay ayaw na niyang paabutin sa take two o take three ang mga pisikalang eksena dahil totohanang sampal daw ang ginagawa nila sa “Saving Grace.”
“Kasi kapag may sampalan, gusto mo take one lang kasi nakakasakit ka eh. Wag na tayong umarte, minsan masakit talaga.
“Ang gusto mo hindi ka ma-take two kasi uulitin mo yun, masasaktan ka, masasaktan mo siya. You try and make sure that you give your best sa eksenang yun,” sey pa ni Janice.
Sey pa niya patungkol kay Sharon, “I was very happy to be working with Mega. She’s so professional kasi lalo na sa eksenang nagsampalan kami. It was fun working with her.
“Siyempre kahit paano alam kong maraming tao nakaabang na makita kaming magkasama. It was really good working with her,” dugtong pa ng aktres.
Ni-reveal naman ni Sharon na talagang malakas sumampal si Janice na ikinagulat niya nang bonggang-bongga.
“Ang liit-liit na babae ang lakas ng sampal,” ang natatawang chika ni Mega.
News
SHOCKING NEWS: Sharon Cuneta has a new crush – and the community is buzzing after finding out who it is…! /lo
Sharon may bagong kinababaliwan Sharon Cuneta May bagong kinalolokohang hobby si Megastar Sharon Cuneta at ito ay ang paggawa ng…
$3xy Babe Contestant Claims It Was Just a Mental Block on It’s Showtime That Caused Her to Fail to Answer Properly /lo
Sexy Babe Contestant, Sinabing Na Mental Block Lang Sa It’s Showtime Kaya Hindi Nakasagot Ng Maayos Nilinaw ng 20-anyos…
Vice Ganda HONORED as Top Taxpayer by BIR – A Shocking Feat That’s Turning Heads! /lo
Vice Ganda Kinilala Bilang Top Taxpayer ng BIR Kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Quezon City si Vice…
Nadine Lustre Told She’s More Beautiful Than Liza Soberano /lo
Nadine Lustre Sinabihang Mas Maganda Kaysa Kay Liza Soberano Sa isang post ni Nadine Lustre sa kanyang social media…
Nadine Samonte Defended by Fans After Being Criticized for Attending Milan Fashion Week /lo
Nadine Samonte Pinagtanggol Ng Mga Fans Sa Pambabatikos Matapos Dumalo Sa Milan Fashion Week Inanunsyo kamakailan na si Nadine…
Sharon Cuneta DEVASTATED Over the Sudden Loss of Her Pet Pig – A Heartbreaking Goodbye! /lo
Sharon Cuneta Nagluluksa Sa Pamamaalam Ng Kanyang Alagang Baboy Ang Megastar na si Sharon Cuneta ay dumadaan sa matinding…
End of content
No more pages to load