Dina Bonnevie sobrang nasaktan sa pagpanaw ng mister: Ang dami namang masasama diyan

Nakatsikahan namin si Dina Bonnevie sa wake ng kanyang mister na si Deogracias Victor ‘DV’ Savellano, Agriculture, Undersecretary for Livestock.



Ang kanyang labi ay nakaburol sa Aeternitas Chapels & Columbarium, Chapel of Hera, Batasan Hills, Quezon City.

Ngayong araw, January 12, ay ililipat ang body sa kanyang hometown residence sa Cabugao, Ilocos Sur hanggang January 16.

Sa January 17 ang burial nito sa Cabugao Cemetery.

Sey ni Dina , kararating lang daw nila mula Japan dahil um-attend sila sa kasal ng anak ni DV.

Ang bilis daw ng pangyayari dahil wala naman daw sign ang kanyang mister na may sakit ito.

Ang alam niya napakalakas ng kanyang asawa.

Nang may naramdaman daw itong sakit na tila namimilipit ay isinugod niya agad ito sa pinakamalapit na hospital.

Pero, agad din daw niyang inilipat sa Makati Medical.

Naoperahan naman daw agad si DV, but after the operation ay nag-flatline ng five times ang kanyang hubby.

“He was survived sa four times na yun. But sa ikalima, hindi na.”

Sobrang sakit para sa aktres ang biglang pagkawala ng mister.

“Marami akong plano para sa aming dalawa lalo na sa birthday ko (January 27).

” May ilalabas pa sana akong video naming dalawa na nagsasayaw ng Apt dance. Mailalabas ko pa ba ‘yun, e wala na siya?”

Sabi nga namin i-keep na lang niya dahil magandang alaala ‘yun ng kanyang mister kung saan napakasaya nilang dalawa.

Hanggang ngayon tinatanong ni Dina ang sarili, “bakit siya? E, napakabait niyang tao.”

Hindi tuloy niya maiwasang magsabi, “ang dami namang masasama diyan, pero siguro.may dahilan ang Diyos.”

Ayon pa sa beteranang aktres, inaalok dawsiya ng anak na si Oyo Boy na sa kanya na muna tumira ng mga ilang months at pagkatapos naman ay kina Danica.

Very supportive ang dalawang anak ni Dina.

Pero, mas gugustuhin pa rin daw niyang maging busy kaysa magmukmok.

“After his burial, i’ll stay first sa aming bahay sa Cabugao. Magmumuni-muni and ayusin ang mga dapat ayusin.”

Napatunayan ni Dina na maraming nagmamahal kay DV.

Imagine, ang buong 7th floor ay inukopa nila, pero sa dami ng flowers para kay DV ay kulang ang espasyo kaya ang isa pang floor ay kanilang in-occupy para mapaglagyan lang ng bulaklak.