Balik-trabaho na si Sandy Andolong matapos ang matagumpay na kidney surgery niya noong March. Sabi pa ng anak niyang si Gab de Leon, healthier ngayon ang lifestyle ng kanyang ina.
“She’s good. Nagti-taping siya twice a week, once a week. She’s in good spirit. Happy to be back siya.”
Ito ang pahayag ng Kapuso actor na si Gab de Leon tungkol sa kalagayan ng kanyang inang si Sandy Andolong, na sumailalim sa kidney transplant noong Marso.
Matapos ng ilang buwang pamamahinga, balik-taping na si Sandy sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home.
“She’s really happy, she’s back to normal,” sabi pa ni Gab nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na charity program ng GMA Artist Center para sa talents nilang nag-birthday nitong September.
Ginawa ang nasabing programa sa Studio 4 ng GMA compound noong Sabado, September 19.
Sa ngayon, ayon kay Gab, maingat na si Sandy sa mga kinakain niya at healthy lifestyle na rin daw ito.
Malaking ginhawa raw sa pamilya nilang bumubuti na ang kalagayan ngayon ni Sandy.
Sabi ni Gab, “Happy, super happy.
“Very worrying what she went through kasi seryoso.
“Pero thankfully, she’s really strong now. She can work now.
“Dati, ilang months na bedridden siya, pero ngayon okay na.”
Saad pa ng 23-anyos na binata, nang magkasakit ang ina, “That was something we went through, all of us.”
ON SHOWBIZ CAREER. Samantala, busy ngayon si Gab sa taping ng GMA primetime series na Beautiful Strangers, kung saan gumaganap siya bilang pinsan ni Rocco Nacino.
Kasama rin sa nasabing teleserye ang ama ni Gab na si Christopher de Leon.
Aniya, “It’s actually fun to be in that show.
“There are a lot of good people working in it.
“Career-wise, I think the show is good for me.
“I think it’s doing well. I’m happy part ako.”
Sanay na ba siyang maging bahagi na rin ng mundong kinamulatan niya?
Ayon kay Gab, “I guess part ‘yon, going in sa acting. Dapat alam mo you get recognized here and there.
“I don’t get recognized as much, pero yeah, it’s part of it.
“Pero mostly, yung concentration ko sa work talaga sa acting, sa craft. That’s what I invest more in.”
Hindi rin nagpapa-pressure si Gab sa ibang tao lalo pa’t anak siya ng dalawang mahuhusay at beteranong artista.
“Once you do that, parang you’re gonna crumble.
“I haven’t got any criticisms yet.
“But if there is any, either way, kahit kaninong career, may criticisms.
“It won’t even do you any good kung nakinig ka.”