Bayani Agbayani, thankful na napunta sa “mabait, maalalahanin, at mapagmahal” na pamilya ni Bea Alonzo ang panganay niyang si Thalia
PHOTOS: @bayaniagbayani & @beaalonzo on Instagram
Todo papuri ang komedyanteng si Bayani Agbayani kay Bea Alonzo at sa pamilya ng aktres ngayong mas nakilala n’ya ang mga ito dahil magkamag-anak na sila.
Ang half-brother kasi ni Bea na si James Carlos ang napangasawa ni Thalia Rogacion na eldest daughter ni Bayani at misis nitong si Lenlen.
Kaya naman nang matanong ang TV host-comedian tungkol kay Bea at sa pamilya nito during his virtual press conference na inihanda ng Viva Artists Agency para sa kanya ngayong araw, April 26, ay ganu’n na lang ang pasasalamat n’ya.
“Ay, salamat. Thank you na dinala ang anak ko [si Thalia] sa isang pamilya na mabait, maalalahanin, mapagmahal...”
K’wento ng newest Viva artist, ilang family occasions na n’yang nakasama si Bea at nagustuhan raw n’ya ang ugali nito.
“Si Bea, pag nakita mo kung sino ang mga bisita n’ya… Kasi lately, dalawang Christmas and New Year na magkasama kami,” pagre-recall ni Yani [nickname ni Bayani.]
“Before, hindi pa naman kami magkasama kasi hindi pa naman kami magkamag-anak. So, makikita mo na ’yong mga hindi sinuwerteng mga pamilya n’ya, pamilya ng nanay n’ya, ’yon ang kasama n’ya ng New Year’s Eve at Christmas Eve,” lahad pa n’ya sa entertainment press.
“So, ganu’n s’ya ka-down to earth. Ang inuuna n’ya ’yong pamilya n’ya bago ‘yong ibang mga tao which is ’yon ’yong maganda,” dagdag pa ni Bayani.
Mahal na mahal din daw ni Bea ang pamangkin nito na apo n’ya, ang anak nina Thalia at James.
Matatandaan na February 2020 ay nag-host pa si Bea ng nautical-themed baby shower para sa kanyang sister-in-law na si Thalia.
Last April 22 naman sa kasagsagan ng COVID-19 lockdown nang isilang ni Thalia ang anak nila ni James na si Santiago Vito.
Ito na ang naging newest bundle of joy ng pamilya ni Bayani kahit sa video call lang sila nakakapag-usap dahil sa Zambales naka-base ang pamilya ng kanyang anak.
Pagbibida pa n’ya sa pikapika.ph tungkol sa kanyang apo: “Kausap ko nang madaling araw kanina, e, mga 12 midnight. Ginising ako. Nocturnal, e. Gising sa gabi. Ayon nakakatuwa.”
Happy din daw ang misis n’yang si Lenlen na meron na silang apo pero ayaw daw nito magpatawag ng lola.
“Ang pinapatawag n’ya [ay] mama… Ayaw n’yang tanggapin [na lola na s’ya],” natatawang panlalaglag ni Bayani sa kanyang asawa. “Ako, tanggap ko na. [S’ya na] lola, nagpapatawag [ng] mama? Nakakatuwa.”
Hindi pa raw niya ma-gauge kung anong klaseng lolo siya—kung disciplinarian ba o spoiler—dahil madalang nga daw niyang makasama ang apo. Masaya daw s’ya na kahit malayo ang kanyang apo sa kanila ay alam n’yang safe ito sa piling ng kanyang mga balae sa Zambales.
“Okey naman awa ng D’yos,” aniya. “E kasi mas safe sila du’n, e. Unang-una, sariwa ang hangin. Sariwa ang mga pagkain nila. Maganda du’n kasi puro puno. ’Tsaka [malapit sa] bundok, [malapit sa] dagat…”
Biro namin, bumili na rin siya ng property doon para mapalapit sa apo.
“Kung ako lang ang masusunod ang tagal ko nang nakabili doon,” tsika pa n’ya sa press. “Si Lenlen masyadong… ayaw, e.
“Sabi ko nga kay ano, sisikretuhin ko. Bibili ako nang ’di n’ya alam. Papahanap na ako [ng lot for sale doon] ngayon…mamaya,” biro ni Bayani.
Samantala, bukod raw sa acting and possible directing, kasali rin ang pag-aayos ng social media contents niya sa pinirmahan niyang kontrata sa Viva Artists Agency. Moreover, baka raw masundan na sa wakas ang novelty hit song niyang “Otso-Otso” sa tulong ng Viva Records.
News
Shock: Billy Crawford Rumored to Be Dead, Coleen Garcia Outraged Takes Drastic Action Vows to Sue Those Spreading Fake News!
Billy Crawford Death Hoax: Coleen Garcia Says Her Husband Will Take Legal Action Coleen Garcia reacts to fake news about Billy Crawford The Voice Kids coach Billy Crawford became a victim of a death hoax just recently and here’s what…
Yassi Pressman Iyak Ng Iyak Sa Ginawa Ng Grab Driver Sa Kanya Matapos Malaman Ang Bagay Na Ito
Yassi Pressman Iyak Ng Iyak Sa Ginawa Ng Grab Driver Sa Kanya Matapos Malaman Ang Bagay Na Ito Ang aktres na si Yassi Pressman ay hindi napigilan ang sarili at naging emosyonal matapos niyang i-post sa kanyang social media…
SHOCKING AND HEARTBREAKING! Mercy Sunot’s final words before passing will leave you in tears! In a last, emotional message, she revealed the unexpected truth about her deepest wishes. What did Mercy say in her final moments that has stunned everyone? Her last words have shaken her family, friends, and fans to the core—find out the heartbreaking secret behind her final goodbye!
In a heart-wrenching turn of events, the late Mercy Sunot left behind a message that has deeply moved her family, friends, and the public. Just before her untimely passing, Mercy made sure to share her final thoughts and wishes, leaving…
Aegis lost vocalist Mercy Sunot: Were alcohol and professional pressure factors in the death?
In a shocking and tragic turn of events, Mercy Sunot, one of the iconic members of the legendary Filipino rock band Aegis, has passed away. The news of her untimely death has sent shockwaves through the music industry and to…
HEARTBREAKING💔Aegis Lead Vocalist MERCY SUNOT Passed Away! AGE 48
A sad news woke up the world of Filipino music after the confirmation of the death of Mercy Sunot, lead vocalist of the popular OPM band Aegis, at the age of 48. Her passing caused great sadness to her loved…
Young Girl Who Had Salt & Water as Her Meal Before School Touches Netizens’ Hearts
Young Girl Who Had Salt & Water as Her Meal Before School Touches Netizens’ Hearts Young Girl with Salt and Water for Meal Touches Netizens’ Hearts A young girl who had salt and water for breakfast before heading to school…
End of content
No more pages to load