Judy Ann Santos recounts the time when she almost quit showbiz
“Sabi nila mukha akong siopao. Sabi nila para akong aparador… totoo nga!”
Despite her enduring showbiz career spanning almost four decades, Judy Ann Santos admits that there were a few times when she had to struggle with her own doubts and fears. Thankfully, through a positive mindset, prayer and the support of well-meaning friends, she emerged stronger, wiser, and remains eternally thankful for her unwavering blessings.
Aminado si Judy Ann Santos na sa loob ng kanyang 38 years sa industriya ng pelikula at telebisyon, minsang pumasok sa kanyang isip ang mag-quit at huminto sa pag-aartista.
Judy Ann Santos
Photo/s: Jayson Vicente-Isaac
“Alam mo siguro… oo naman,” umpisang sinabi ni Judy Ann sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.
“Nung bata ako, nung bata ako na ang daming… hindi pa bashers ang tawag sa mga nagba-blind item and all.
“At some point, pag pagod ka and feeling mo wala kang kakampi, lalo pag bata ka, siguro mga ano ito, 16, 17 na halos wala ako talagang pahinga. Maiisip mo talaga, ‘Worth it pa ba ito?’
“Parang hindi na ako masaya.”
Kapag sumasagi ito sa kanyang isipan, iniisip ni Judy Ann ang mga taong nakakatrabaho niya.
Pagpapatuloy ng aktres, “Pero nami-miss ko yung mga katrabaho ko, nami-miss ko yung… alam mo kung ano yung pinaka-nami-miss ko sa bawat pasok ko sa trabaho?
“Crew, production, kasi enjoy na enjoy akong makipagkulitan sa kanila. Enjoy na enjoy akong nakikipag-usap sa mga taong may ibang kuwento ng buhay, na tinuturing kang pamilya, yung ganun.
“Yung naiiba yung hulog ko, kasi dun ko na-appreciate na napakasuwerte ko sa binigay na path ng Lord sa akin, na I’m able to experience a lot of things.
“Kung saan-saang bansa ako nakapunta, nakapag-aral ako ulit dahil nagtrabaho ako. Kumbaga ang dami kong na-achieve dahil sa trabahong ito.”
judy ann recalls negative comments
Binalikan naman si Judy Ann ang mga pagkakataon kung bakit niya naisip huwag nang mag-showbiz.
Photo/s: Jayson Vicente-Isaac
CONTINUE READING BELOW ↓
Juday, pressured ba kay Direk Chito Rono? Labanan ng mga SANTOS sa MMFF! | PEP Interviews
Pag-amin niya, “Hindi ko naman din itatago sa sarili ko na may mga moments talaga na tinatanong ko sa sarili ko, ‘Bakit ba ako naging artista?’
“Sabi nila mukha akong siopao. Sabi nila para akong aparador. Sabi nila nagkamata at ilong lang ako, pag ngumiti ako, buhay na siopao na ako,” at tumawa si Judy Ann.
“Tapos, pag tinitingnan ko yung sarili ko sa umaga, parang totoo nga,” at muli siyang humalakhak.
“May ganun, yung parang hindi naman ako kawalan sa industriya, may mga ganun talaga.
“Lalo kapag pagod ka tapos wala kang ibang narinig kundi mga negatibong bagay tungkol sa iyo, siyempre pag bata ka, hindi mo naman naisip na bad publicity is still publicity, papatulan mo pa rin.
“Maaapektuhan ka talaga, lalo pag wala kang tulog, para kang ipot ng bibe, ang sensitive mo, ang lambot mo, yung, ‘Ayoko na!’”
Inamin ng aktres na dumaan siya sa stage na umiinom kasama ang mga kaibigan.
Pagpapatuloy niya, “Tapos iinom ka, magpapakalasing ka, tapos ma-tsi-tsismis ka.
“So, parang dumating ako sa point na hindi ko na alam kung sino yung mga totoong kaibigan ko nung time na yun.
“Kaya hindi naman ako nagbawas, nagbawas na lang ako ng paglabas. Yung sa bahay na lang ako, alam mo iyan, sa bahay tayo iinom, punta tayo ng Tagaytay, o alam mo yun, yung kung saan yung pinaka-safe na lugar.”
Sa mga panahong ito ay mas nakilala ni Judy Ann ang kanyang sarili at kung ano ang hinahanap niya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Aniya, “And then eventually, nakuha ko na yung vibe na gusto ko na pang small group lang pala talaga ako.
“Hindi pala ako pang-barkada package. Yung gusto ko mas intimate na kuwentuhan, ayoko pala nung labas ng labas.
“So may mga ano din, may mga pagkakataon din, ako rin naman yung gumagawa ng paraan na makapag-reset ako.
“Kasi na-realize ko na, ‘Ay, kung hindi ako magre-reset para sa sarili ko, ikamamatay ko itong trabaho ito!’
“Kasi wala akong pahinga, wala akong tulog, hindi ako nakakakain nang tama. Tapos, feeling ko kasi bata ako, hindi ako magkakasakit.”
Read: What Judy Ann Santos will tell her 8-year-old self
judy ann on finding her safe space
Mula noon ay natutunan ni Judy Ann kung ano ang mahalaga sa kanyang buhay.
Photo/s: @OFFICIALJUDAY ON INSTAGRAM
Lahad niya, “At the end of the day, yung meron ka lang talaga, maliban sa sarili mo, pamilya mo e, at saka ang Diyos.
“Kaya ginagawa ko talaga noon, just to keep me sane, every time na mapa-pack up ako from a shooting or a taping, bago ako umuwi dadaan ako sa Adoration Chapel, meron akong quiet time.
“Palagi akong may quiet time. Minsan nga dun na ako nakakatulog, ginigising lang ako ng guwardiya.
“Kumbaga, iyon na yung naging safe space ko.
“Alam ng mga naging drivers ko yan na bago umuwi tatanungin ako, ‘Bunso daan ba tayo ng chapel?’
“Alam nila yun, yung kailangan hindi lang makapagpag, pero makapagpasalamat man lang ako na I was able to get through that day.
“Na hindi ako naapektuhan na kung ano pa man.”
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Juday sa shooting ng Espantaho nitong September 17, 2024, sa Mexico, Pampanga.
Sa direksiyon ni Chito Roño, ang Espantaho ay official entry ng Quantum Films, Cineko Productions, at Purple Bunny Productions sa 50th Metro Manila Film Festival na gaganapin sa Disyembre 25, 2024.
Nasa Espantaho rin sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos, Nico Antonio, Donna Cariaga, Mon Confiado, ang child actor Kian Co, at sina Eugene Domino at Tommy Abuel sa mga espesyal na papel.