Julia Montes, inilarawan si Coco Martin bilang taong ‘sobrang magmahal’
Coco Martin at Julia Montes (Larawan mula sa IG)
Kinakiligan ng mga netizens ang sweet birthday message ni Julia Montes para kay Coco Martin, na makikita sa Instagram post nito.
Inilarawan niya ang bida at isa sa mga direktor ng longest-running teleserye ngayon na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang ‘sobrang magmahal’.
“Sa taong sobrang magmahal sa kapwa, kaibigan, pamilya at sa trabaho. Wag mong kakalimutan na biyaya ka sa lahat ng taong natutulungan at nakakasama mo,” ayon sa caption ng pagbati ni Julia.
Tsika at Intriga
Gretchen kumain ng ‘piattos’ habang pinanonood si PBBM: ‘The New Teleserye’
Coco Martin (Larawan mula sa IG/Julia Montes)
“May the joy that you have spread come back to you not only on this day but throughout the rest of your life. Mahal ka namin Happy birthday!”
Nagpaabot naman ng mga pagbati ang mga kasamahan niya at kaibigan sa showbiz.
“Happy birthday boss. Sarap ngiti naman niyan,” saad ni Dimples Romana na kaibigan ni Julia.
“Birthday blessings, anak,” sabi naman ni Dawn Zulueta na naging nanay niya sa teleseryeng ‘Walang Hanggan’ kung saan sila nagtambal ni Julia.
“Nak!!!! Happy happy birthday!!!!! Nawa’y tuloy-tuloy ang mga biyaya mo at sa iyong pamilya at maraming salamat sa lahat ng mga biyaya that you share generously sa amin at sa maraming tao. Mahal na mahal kita!!!! Cheers!!!! Kita tayo soon!!!!” wika naman ni Cherie Pie Picache na naging nanay din niya sa mga serye nila sa ABS-CBN.
Matagal nang iniintriga na magkarelasyon sina Coco at Julia subalit hanggang ngayon ay wala pa silang kumpirmasyon tungkol dito, bagama’t madalas silang naiispatang magkasama sa mga travels nila.
Lumabas din ang mga espekulasyon na may anak na umano sila, kaya pansamantalang nawala sa limelight si Julia ay dahil umano sa pagbubuntis at panganganak nito. Mariin naman itong itinanggi ni Julia sa kaniyang pagbabalik-Pilipinas at showbiz.
Samantala, nasa FPJ’s AP na rin si Julia na inilarawan bilang ‘huling pag-ibig’ ni Ricardo Dalisay, ang karakter ni Coco sa action-drama series.
News
Hot: Barbie Hsu, best known for her role in Meteor Garden, has tragically passed away at the age of 48 due to pneumonia, leaving fans around the world heartbroken and in shock. /lo
Barbie Hsu ng ‘Meteor Garden’ pumanaw na dahil sa pneumonia Barbie Hsu NAAALALA niyo pa ba ang Taiwanese…
Kris Aquino’s romantic history is filled with twists and turns, and fans are curious—who could have truly been her ideal partner all along? /lo
LOOK BACK: Kris Aquino’s controversial relationships through the years Who among the men from Kris Aquino’s past could have been her…
Kris Aquino stunned fans with her emotional confession, saying, “I made the mistake of loving you,” to Phillip Salvador, leaving the internet buzzing with speculation and curiosity about their past. /lo
‘I made the mistake of loving you,’ Kris Aquino tells Phillip Salvador Kris Aquino addresses her former partner Phillip Salvador…
Jennylyn Mercado, Sa Unang Tv Appearance: ‘Di Ko Naman Alam Na Pagseselosan Pala Ako’ /lo
Jennylyn Mercado, Sa Unang Tv Appearance: ‘Di Ko Naman Alam Na Pagseselosan Pala Ako’ Ibinahagi ng Ultimate Star na…
Kathryn Bernardo’s interview about Alden Richards on May 8, 2024, left fans speculating after her cryptic comments hinted at a deeper connection between the two stars. /LO
Alden Richards talks closer bond with Kathryn Bernardo after ‘Hello, Love, Again’ shoot Kathryn Bernardo and Alden Richards at the…
Ice Seguerra IBINUKO Kung Sinong Actor Ang Sperm Cell Donor Para sa Kanilang IVF Baby ni Liza Dino /LO
Ice Seguerra at Liza Diño, nakahanap na ng sperm donor Ice Seguerra at Liza Diño, nakahanap na ng sperm donor…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply