Sharon may bagong kinababaliwan

May bagong kinalolokohang hobby si Megastar Sharon Cuneta at ito ay ang paggawa ng scented candles.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang larawan ng mga nagawa niyang kandila at ini-reveal na mahilig pala siya sa scented candles noon pa.
“I poured six scented soy candles today. I stopped only because I ran out of wax! Two weeks pa before I can do a burn test and make adjustments. Always so excited doing this! I’ve also always spent so much on candles,” sey ni Shawie.
Ikinuwento nga niyang dati raw ay nagdala siya ng isang malaking balkbayan box na punong scented candles mula US to Philippines at kapresyo na raw ng airplane ticket ang kanyang ibinayad. Kaya never na raw niya uulitin ‘yun.
“Once, I didn’t care how much the airline charged me for bringing a whole balikabayan box of heavy candles home with me from the States! Nako di na ako uulit. Halos isang MNL-LAX ticket na yata binayad ko! Never again. Pero they made me so happy for a long time!” kwento ni Sharon.
Kaya happy siya na kaya na raw niyang gumawa ngayon ng sarili niyang scented candles. She revealed na nag-aral pa siya sa online ng candle-making.
“Now I can make my own na. Crazy over my new hobby! P.S. I took a U.S.-based on-line Candle-making Course! Aba hindi pala simple! May computations pa ng ilalagay! Pero happy!!!” saad ni Mega.
Maris, kinakaya ang fight scenes na naka-panty at bra
Pasabog ang eksena ni Maris Racal sa Incognito kung saan ay tumakbo ito sa gubat with matching fight scenes nang naka-panty at bra lang.
Kaagad nga itong nag-trending at puring-puri ng netizens ang tapang ng aktres sa naturang eksena bukod pa nga sa ang daming napa-wow sa kanyang kaseksihan.
Sa eksena kasi ay magbibihis na sana siya sa kanyang kwarto at namimili ng isusuot na damit nang biglang dumating ang mga kalaban. Kaya naman kahit naka-panty at bra lang ay dali-dali siyang tumalon sa labas ng bintana at nagtatakbo. Naabutan siya ng mga humahabol sa kanya at nakipagbakbakan pa.
Bukod dito ay tumatakbo siya nang nakamedyas lang at walang suot na sapatos.
In fairness, ang ganda naman talaga ng eksena at bibilib ka naman talaga sa aktres na kinaya niyang gawin iyon.
Maging si John Lapus ay nag-tweet ng kanyang paghanga kay Maris.
“Napaka bongga mo @MissMarisRacal sa pag takbo ng nakapanty at bra lang nak!” tweet ni John.
“Idk correct me if im wrong sya lang pa ata nakakagawa nyan on primetime free tv kudos sa kanya ang galing nya,” sey naman ng isa pa.
Papuri naman ng isa pa, “Maris Racal sprinting outdoors in black undies is one of the boldest, most fearless scenes I’ve ever witnessed, something few mainstream young actresses would ever dare to do. Back then, only sexy actresses were cast in scenes like this eh. Mabuhay ka, @MissMarisRacal!”
Sa kanyang Instagram account ngayong araw ay nagbalik-tanaw ang aktres nang i-shoot niya ang ‘bra and panty’ scene.
Ipinost niya ang clip ng naturang eksena at sa caption ay sinabi niyang kinunan daw ang scene sa first shooting day niya sa Baguio.
“I didn’t expect this to be the first scene i’d have to shoot on day 1 of the Baguio leg for incognito,” sey ni Maris.
“Oh well… ang masasabi ko lang ay ANG LAMIG!” aniya pa.
Sa comment section ay inulan pa rin ng papuri ang aktres at isa nga sa nagkomento ay si Agot Isidro.
“That’s my baby,” sey ni Agot na matatandaang gumanap na ina ni Maris sa seryeng ‘Can’t Buy Me Love.’
How Do You Feel About This Article?
News
$3xy Babe Contestant Claims It Was Just a Mental Block on It’s Showtime That Caused Her to Fail to Answer Properly /lo
Sexy Babe Contestant, Sinabing Na Mental Block Lang Sa It’s Showtime Kaya Hindi Nakasagot Ng Maayos Nilinaw ng 20-anyos…
Vice Ganda HONORED as Top Taxpayer by BIR – A Shocking Feat That’s Turning Heads! /lo
Vice Ganda Kinilala Bilang Top Taxpayer ng BIR Kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Quezon City si Vice…
Nadine Lustre Told She’s More Beautiful Than Liza Soberano /lo
Nadine Lustre Sinabihang Mas Maganda Kaysa Kay Liza Soberano Sa isang post ni Nadine Lustre sa kanyang social media…
Nadine Samonte Defended by Fans After Being Criticized for Attending Milan Fashion Week /lo
Nadine Samonte Pinagtanggol Ng Mga Fans Sa Pambabatikos Matapos Dumalo Sa Milan Fashion Week Inanunsyo kamakailan na si Nadine…
Sharon Cuneta DEVASTATED Over the Sudden Loss of Her Pet Pig – A Heartbreaking Goodbye! /lo
Sharon Cuneta Nagluluksa Sa Pamamaalam Ng Kanyang Alagang Baboy Ang Megastar na si Sharon Cuneta ay dumadaan sa matinding…
Jaclyn Jose’s maid ARRESTED by the police! Andi Eigenmann finds out EVERYTHING! /lo
Kasambahay ni Jaclyn Jose, Dinampot na ng mga Pulis! Andi Eigenmann Nalaman na ang Lahat! In a shocking turn of…
End of content
No more pages to load