Nora Aunor celebrates 70th birthday with all five children

Nora with all of her children on her birthday
Nora Aunor and kids
Superstar Nora Aunor (center) celebrates her 70th birthday with her five kids. (L-R) Kiko de Leon, Matet de Leon, Lotlot de Leon and husband Fadi El-Soury (behind Nora), Ian de Leon and wife Jen with their son. Not in photo is Kenneth de Leon who chose not to be photographed.

Espesyal ang pagdiriwang ng advanced celebration para kay Supestar Nora Aunor ngayong Sabado, May 20, 2023.



Si Ate Guy ay magiging 70 years old ngayong Linggo, May 21, 2023.

Samantala, momentous ang birthday celebration ng Superstar na ginanap sa Seda Vertis North sa Quezon City.

Para sa kaarawan niya, dumating ang lima niyang anak—sina Lotlot de LeonIan de Leon, Kiko, Kenneth, at Matet de Leon.

Nora aunor and kids

L-R: Kiko de Leon, Matet de Leon, Lotlot de Leon and husband Fadi El-Soury and Ian de Leon with his two boys

Hindi lingid sa showbiz ang pagkakaroon ng love-hate relationship ni Ate Guy sa kanyang mga anak, partikular kina Lotlot at Matet.

Pero puno ng pagmamahal ang mga mensahe ng anak sa birthday girl.

Sabi ni Lotlot, “Mamahalin kita hanggang kailanman.” Halos ganundin ang sinabi ni Matet, “Forever, mommy, we love you so much,” habang nag-recite naman ng poem si Ian. Halos hindi naman nakasalita si Kiko, at naghagikgikan silang mag-ina. Ang bilin niya, “Basta, Ma, ingatan niyo lang lagi sarili mo.” Si Kenneth ay camera shy, kaya hindi nagpa-picture at hindi rin nagbigay ng message.

Nora Aunor’s 70th birthday overflows with love, laughs, and messages for the Superstar. All her kids–Lotlot, Ian, Matet, Kiko, and Kenneth–are present, too. And her grandchildren also have a blast, oblivious to the star-studded party of their lola.

Video: Gerry Olea.
Read more about

Gayunpaman, ang pagdalo ng kanyang mga anak ay testamentong nagkaayos na silang mag-iina.

Sabi ni Lotlot, ang huling beses na nagkasama-sama silang mga anak ay noong magkasakit si Ate Guy.

Naging abala kasi sila sa kani-kanilang buhay.