SHOCK: Phillip Salvador revealed that he was once afraid of “little girl” Nora Aunor because of this..
Phillip Salvador, takot sa “maliit na babaeng” si Nora Aunor
Aminado ang dating action star at dramatic lead na si Phillip Salvador na dinadaga siya sa pagbabalik-pelikula.
No’ng una, urong-sulong siya na gawin ang comeback/reunion movie nila ng Superstar na si Nora Aunor, ang Isa Pang Bahaghari, na pamamahalaan ng batikang direktor na si Joel Lamangan.
As we all know, second choice si Ipe para sa role ni Dom, ang seaman na asawa ng dating labandera na naging magtutuyo at magdadaing na si Lumen (Ate Guy).
Una itong inalok pero tinanggihan ng ex-husband ng aktres na si Christopher de Leon.
“To tell you frankly, ayoko na sana. I even told Malou (Choa-Fagar, talent manager niya), ayoko na.
“Tinawagan ako ni (Direk) Joel, ‘Sige na naman, magsama kayo ni Guy uli.’
“‘Direk, ‘di na ‘ko marunong umarte.’ sabi kong gano’n. ‘Hindi, hindi ako papayag! Kuya Ipe naman, ‘wag mong pasamain ang loob ko.’
“’Yon na! Wala na,” bungad na kwento ng aktor sa katatapos na storycon at look test para sa possible 2019 Metro Manila Filmfest ng Heaven’s Best Entertainment sa Salu Restaurant no’ng Linggo.
Ngayong magsisimula na silang mag-shooting sa August 1, excited na rin si Ipe na muling makatrabaho ang aktres na naging kapareha niya sa mga klasikong pelikula tulad ng Bona, Tinik sa Dibdib at Nakaw na Pag-ibig.
“Tapos makakasama ko uli ’yong kalbong ’yon (sabay turo sa picture ni Michael de Mesa, na nasa cast din bilang si Rey, matalik na kaibigan nilang mag-asawa). E, ako, nakakalbo pa lang.
“I mean, I’ll be working with the finest actors. And I’m scared!” pag-amin ni Ipe.
“So, ayon, kinakabahan ako. Binasa ko ’yong script, maganda, maganda. Naiiba.
Actually, um-oo ako. Nakita ko ’yong script, tapos umayaw ako. Tapos, ayun nga, ’yong maliit na babaing ’yon…,” sabay nguso sa kinaroroonan ni Ate Guy.
Ngayong napapayag siyang gawin ang Isa Pang Bahaghari, masasabi ba niyang tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik-showbiz?
Sagot ni Ipe, “I’m not really sure, I’m not really sure. I just… I want to do this, I love Direk, I love Guy and, ah, reunion!
“Nami-miss ko [mag-showbiz], pero alam mo naman ’yong mga ginagawa kong films. Hindi na tayo nakakagawa ng gano’n ngayon. ’Yong frustrations naming dalawa ni Robin Padilla, ah, hopefully, hopefully, makagawa uli kami ng gano’n. Hopefully, like dalawa na ang film festival natin ngayon, isang summer, isang December.
“But ang maganda, maayos talaga, ’yong mas maraming maipalabas na pelikulang Pilipino kesa foreign films. Like ibaba ang taxes ng Filipino films, itaas ang foreign films.
“Tapos, sana, ayoko na makakita no’ng first day, last day. Kung mahina talaga, patapusin ng kahit at least one week, you know? Kasi, ’di ba, two weeks ‘yan, e. Two weeks nabibigyan ng chance. And, naka-support naman si Senator Bong Go and he will do something about it.”
So, pabor din ba siya sa isinusulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na gawing Friday ang opening day?
“Kahit ano, basta mabigyan ng compensation ang ating mga producer at sana mas maraming maipalabas na Filipino films… walang first day last day.
“It would mean more jobs for actors, it would mean a lot for the movie industry, ’yon lang ang sa akin and, ah, basta ’yon lang ang hinahanap ko. Mapikit man ang mga mata ko, gusto ko sana ganu’n na ang takbo ng industriya ulit. Dati sobrang dami ng Filipino films, nilamon ng foreign films ang Filipino films,” pagtatapos ng aktor.
News
Yassi Nagulat Kung Paano PAPAKIN ni James Reid ang Labi ni Nadine! /lo
Bashing over James-Issa-Nadine issue causes Yassi anxiety James Reid (left) and Issa Pressman As the recent show biz intrigue involving…
Yassi Pressman Finally Confirms the REAL STATUS of Her Relationship with Coco Martin—Fans Are Shocked! /lo
Yassi Pressman Confirms Her Real Status with Coco Martin! In a surprising revelation, actress Yassi Pressman has finally opened up…
Eric Santos Admits He Wants to MARRY Angeline Quinto, and Even Mama Bob Approves of Him—Fans Are in Shock! /lo
Eric Santos Admits He Wants to Marry Angeline Quinto: Mama Bob Also Supports Their Relationship! In a surprising and heartwarming…
Matteo Guidicelli Couldn’t Handle Sarah’s Moves at Anne Curtis’ Concert—Fans Are in Shock! /lo
Matteo Guidicelli Can’t Handle Sarah’s Moves at Anne Curtis’ Concert! In a moment that had fans talking, actor and singer…
Pauleen Luna COLLAPSES After Learning About KRISTINE Hermosa and Vic Sotto’s Past—Fans Are Stunned! /lo
Pauleen Luna Faints After Learning About Kristine Hermosa and Vic Sotto’s Past! In a shocking and emotional turn of events,…
Ellen Adarna’s Mosquito Post Alongside Photo with Pernilla Sjoo Sparks Buzz—Fans are Talking! /lo
Mosquito Post Ni Ellen Adarna Kalakip Ang Larawan Kasama si Pernilla Sjoo Usap-usapan Nagbigay ng dahilan ng pag-uusap ang…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply