Snooky at Dina pag-aawayan si Jay
Both Regal babies sina Snooky Serna at Dina Bonnevie in the ‘80’s kaya marami silang pinagsamahang pelikula noon. After so many years, muli silang magkakasama pero sa isang TV series naman sa GMA Network, ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, meaning magkaaway sila. Sa story, nagsimula muna silang best of friends hanggang sa pareho nilang na-meet ang isang lalaki na naging dahilan para maging mortal enemies sila.
Si Snooky ay nakasama sa movie version nito sa Regal Films in 1984, na sila ni Maricel Soriano ang magkalaban. Ang pagkakaiba lamang nito, pure comedy ang movie version pero ang TV version ay may drama.
Gagampanan ni Snooky si Amy, ang Waray na ina ni Barbie Forteza as Ginalyn. Sa movie version ay siya si Biday. “Ang TV version namin, they put a little bit more of drama in it. Kaya this is not a complete copy of the original story. May ibang twist kaya iba ang story namin ngayon. Ang pareho lamang, perennially mortal enemies talaga sila,” say ni Snooky.
“Tinanggap ko naman ito dahil ang tagal na naming hindi nagkakasama sa trabaho,” sabi ni Dina bilang si Sussie. “Kaya welcome sa amin ito ni Snooky, at matagal na rin ako hindi nagko-comedy.”
Dagdag pa ni Snooky, “magkasama kami ni Dina sa tent, parang walang space sa amin, at ease kami sa isa’t isa at lagi siyang may snack na dala, dahil di ba may restaurant sila ng hubby niya? Pero pagdating na sa eksena, magka-away na kami.”
May mga special appearances naman sa serye sina Lovi Poe as the young Sussie (Dina) at si Max Collins as young Amy (Snooky). Ang pag-aawayan nila ay si Joaquin (Jay Manalo) na noong mga bata pa sila ay si Jason Abalos.
Ngayong gabi, January 27, huhusgahan na ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, sa world premiere nila pagkatapos ng 24 Oras.
Kontrabida ni Alden gustong pahirapan
Nasa last two weeks na ang inspirational drama series ni Alden Richards na The Gift, simula ngayong gabi, January 27, at ngayon pa lamang, nagtatanong na ang netizens kung paano raw magwawakas ang mga character nina Jared (Martin del Rosario), Javier (Christian Vasquez) at Francine (Rochelle Pangilinan). Sila kasi ang mga main kontrabidas sa story na nagpahirap sa buhay ni Sep (Alden), Nanay Straw (Jo Berry), Lola Char (Elizabeth Oropesa) at Nadia (Jean Garcia).
Requests ng mga televiewer, sana raw ay iyong pinakamabigat na parusa ang gawin sa kanilang tatlo na magkakatulong na bumuo ng mga plano para gantihan sila to the point na ikinabulag ni Sep nang mabaril siya sa ulo at muntik na ring ikamatay ni Nanay Straw nang barilin siya ni Javier matapos makatakas sa pagkidnap nila ni Francine? May isa pang request ang mga netizen, na ipakilala agad kay Sep na si Nadia ang tunay niyang ina, para may happy moments ang mag-ina bago matapos ang serye sa February 7, 2020.
How Do You Feel About This Article?
News
Dina was left in absolute disbelief as Mother Lily’s wild antics and uncanny imitation of Snooky’s dance sent the crowd into an uproar! (VIDEO) /lo
Masaya ang reunion: Dina naaliw sa panggagaya ni Mother Lily sa sayaw ni Snooky Noong Saturday ay nag-reunion si Mother…
What really happened to Pepsi Paloma and her former colleagues? The shocking and disturbing events that unfolded left everyone in disbelief. /lo
Pepsi Paloma, buhay pa rin sa alaala ng publiko 35 taon pagkatapos pumanaw Sa May 31, 2020 ang 35th death…
Darryl Yap Announces His Next Step Following Court Ruling on ‘TROPP,’ Sparking Mixed Reactions from the Public./lo
Darryl Yap, inilahad ang ‘next step’ niya matapos ang court ruling sa ‘TROPP’ – Darryl Yap just penned a lengthy…
Stepping on Vic Sotto: Pepsi Paloma” Trailer Drops, Revealing a Release Date That Will Leave Fans Eager for More! /lo
Darryl Yap releases ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ trailer amid legal battle vs Vic Sotto INFO The trailer of ‘The…
Matteo Guidicelli Stuns Fans with Touching Tribute to Sarah Geronimo, Recalling Their Memorable Vacation on Their 4th Wedding Anniversary. /lo
Matteo Guidicelli Reminisces Special Vacation with Wife Sarah Geronimo on Their 4th Wedding Anniversary Actor and product endorser Matteo Guidicelli…
Zoren Legaspi Shocks Fans with Alleged Statement About Rustom Padilla and Carmina’s Child, Sparking Controversy and Speculation! /lo
Carmina inamin sa mga anak ang nangyari sa kanila ni Rustom Mavvy, Carmina at Cassy Inamin ni Carmina Villaroel na…
End of content
No more pages to load