Snooky Serna regrets letting go of Madam Claudia role

Snooky on feeling insecure with other celebs: “Andami-daming beses na.”
snooky serna jean garcia madam claudia
Snooky Serna (main photo) goes into details on why she had to let go of Madam Claudia, the iconic kontrabida role in Pangako Sa ‘Yo that eventually went to Jean Garcia (inset). 



PHOTO/S: YouTube (Snooky Serna)

Inamin ni Snooky Serna, 56, na pinagsisihan niyang pinakawalan ang role sa isang teleserye na tinawag pa nitong “a role of a lifetime.”

Ayon sa seasoned actress, ang TV role na ito sa ABS-CBN ay pinalampas niya dahil sa kanyang personal na pinagdadaanan noon.

Ito ay ang papel ni Madam Claudia Buenaventura para sa Kapamilya hit teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales noong 2000.

Ang role ay napunta kay Jean Garcia.

Naging iconic ang naturang role, kasabay ng karakter na Amor Powers, na ginampanan naman ni Eula Valdes.

Ibinahagi ni Snooky ang detalyeng ito nang maglaro siya ng “Never Have I Ever” sa kanyang YouTube vlog nitong November 5, 2022.

Ganito ang nabunot na tanong: “Never have I ever regretted rejecting a project.”

Sabi ni Snooky: “Meron po akong ginawa noon.

“Nag-audition pa po ako pa sa isang role, na parang a role of a lifetime.”

Nakuha raw ni Snooky ang importanteng role na ito.

Lahad niya, “Ang nangyari, nakapasa po ako sa audition. ‘Tapos may workshop.

“E, nagkakaroon ho ako ng personal problems at that time, hindi ko ho ginawa yung workshop.

“So, napalitan [ako], siyempre po.

“Yung pumalit sa akin, ngayon ho isa na sa pinakamalaking bituin sa larangan po ng telebisyon.

“And I’m very happy for her, honestly. Ito po ay si Miss Jean Garcia.”

Pagsisiwalat pa niya: “Yung role po na iyon ay yung role ni Madam Claudia doon po sa show na Pangako Sa ‘Yo. Sana ako si Madam Claudia.”

snooky serna jean garcia

Read more about

FEELS INSECURE WITH CO-STARS A LOT OF TIMES

Nagpakatotoo rin si Snooky sa pag-aming maraming beses siyang na-insecure sa ibang artista.

Sabi niya, “I have. May mga insecurity. Naku naman. Magpapakatotoo lang ho ako, yes.

“Naku, andami-daming beses na, siyempre may mga times na feeling mo maganda si ganito kesa sa iyo.”

Tinukoy pa ni Snooky ang parte ng kanyang katawan na naging biggest insecurity niya.

“Mas maganda ang ilong kesa sa akin, E, masyado akong conscious noong araw dito sa ilong ko.

“But as time went by, nawala rin. Finding security, natanggap ko na rin po itong ilong na ito.

“Na-realize ko na kung hindi ho dahil sa kanya [ilong], for all I know, baka ho hindi nakilala ang inyong kaibigan na si Snooky,” pahayag niya.