Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?
Here’s what Three PEP Sources said about the prenup and money issues.
PEP.ph probes at least three sources if prenup-agreement and money issues led to Bea Alonzo and Dominic Roque’s decision to call off their engagement.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram
Ano ang mitsa ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque?
Ito ang malaking palaisipan sa publiko sa gitna ng mga kumpirmasyong hiwalay na sina Bea at Dominic na naibalitang ikakasal na ngayong 2024.
Ang First at Second Sources ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinuldukan na nina Bea at Dominic ang higit apat na taon nilang relasyon.
Nakalap ito ng PEP.ph sa pagitan ng February 1 – February 5.
May Third Source na nakausap ang PEP.ph na alam ang tungkol sa breakup, pero nagsabing hindi sarado ang pagbabalikan ng couple kung maayos nila ang kanilang problema.
Naniniwala ang Third Source na mabuting direktang marinig kina Bea at Dominic ang anumang kumpirmasyon ng breakup dahil ang mga ito raw ang tanging nakakaalam ng kanilang buhay pag-ibig.
Sa pagsisiyasat ng PEP.ph, lumalabas na panay sensitibo ang mga hinihinalang isyung nakapalibot diumano sa biglaang pananamlay ng pag-iibigan ng dalawang kilalang showbiz personalities.
Tinatayang nagsimulang magkaproblema ang couple pagbalik galing sa kanilang holiday vacation sa Japan na nangyari noong December 26, 2023 hanggang first week ng January 2024.
Sinisikap pa rin ng PEP.ph alamin kung may katotohanan ang mga isyung ibinabato sa ex-couple.
ISSUE NO. 1: PRENUP AGREEMENT
Una na rito ay ang usapin ng prenuptial agreement.
Ang prenuptial agreement— o “marriage settlement” sa ilalim ng Family Code of the Philippines Section 1 Article 75—ay isang written and signed contract sa pagitan ng future spouses.
Dito nakatala ang terms and conditions sa paghawak ng kanilang individual incomes, properties, at assets: pagsasamahin ba nila ang lahat ng kanilang ari-arian? ihihiwalay ba nila ang kani-kaniyang individual assets bago ikasal? ihihiwalay ba nila ang lahat ng kanilang ari-arian before and after the wedding?
Read more about
Bea Alonzo
Dominic Roque
breakup
money issue
Sinasabing karaniwan itong ginagawa kung malaki ang agwat sa edad at yaman ng mga ikakasal.
Sa kaso nina Bea at Dominic, hindi kaila sa publiko na si Bea ay A-list movie and TV star at trusted celebrity endorser sa loob na ng higit dalawang dekada.
Nagabayan siya nang husto ng kanyang ina, si Mary Anne Ranollo, sa pag-manage ng kanyang kinikita kaya maraming naipundar na properties si Bea, tulad ng bahay sa Quezon City, farm sa Zambales, at apartment unit sa Spain.
Si Dominic ay may boutique digital marketing company, ang Black Peak Hypermedia, na itinatag noong 2020. Sa kanyang linkedin, nakatala siya bilang CEO at president ng kanyang negosyo.
Bilang artista, nakilala si Dominic sa ilang supporting-cast roles sa pelikula at telebisyon, at ang huling naitalang acting roles niya sa imdb.com ay noon pang 2019.
Nitong nagdaang ilang taon, mas aktibo siya bilang influencer na nagpo-post ng branded content sa kanyang social-media accounts.
Ang gap sa income at assets nina Bea at Dominic ang itinuturong dahilan ng hiwalayan.
Napag-alaman ng PEP.ph na totoong pinag-usapan nina Bea at Dominic ang pagkakaroon ng prenup agreement.
Ayon sa First Source ng PEP.ph, nagsimula ang kanilang di pagkakaunawaan dahil na rin sa prenup agreement, hanggang nagdesisyong maghiwalay ang dalawa sa huli.
News
Mark Leviste Breaks Silence on Kris Aquino Breakup — Here’s What He Had to Say /lo
Kris Aquino Issue w/ Ex-BF, Mark Leviste Asked To React Mark Leviste was asked about the previous relationship of Kris…
Buboy Villar Denies Serious Accusations Made by Angillyn Gorens — ‘The Truth Will Come Out!’ /lo
Full Article (English): Manila, Philippines –Actor and television personality Buboy Villar is pushing back hard against the serious allegations…
Ashley Ortega Gets Emotional Talking About Her Mother Inside the PBB House — Viewers Left in Tears /lo
Ashley Ortega, Emosyunal Nang Pag-Usapan Ang Ina Sa PBB Bukas na nagbahagi ang Kapuso actress na si Ashley Ortega…
VP Sara Duterte Shares Heartfelt Birthday Message for Her Father, FPRRD — ‘You Are Still My Hero’ /lo
VP Sara Duterte May Nakakaantig Na Birthday Message Para sa Amang Si FPRRD Davao City, Philippines –In a rare but…
Vice Ganda and It’s Showtime Disqualify Marco Adobas and Plan Legal Action After Explosive TNT Allegations /lo
Drama has once again hit primetime television as It’s Showtime and host Vice Ganda are taking firm legal steps after…
“IT’S TRUE! KATHRYN BERNARDO and ALDEN RICHARDS ADMIT TO THE PUBLIC THAT THEY PLAN TO GET MARRIED /lo
The digital world, typically a cacophony of speculation and rumor, fell into a stunned silence, followed by an explosive eruption…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply