Netizens shocked by Borteza-Jak Roberto breakup
Barbie and Jak had not given any hint about their breakup.
After seven long years, Barbie Forteza and Jak Roberto have decided to end their relationship. Barbie made the announcement but did not reveal the reason of their breakup.
Ikinalungkot at ikinabigla ng maraming netizens ang breakup ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza, 27, at Jak Roberto, 31, matapos ang pitong taong relasyon.
Nitong Huwebes ng gabi, January 2, 2025, nag-post si Barbie sa Instagram upang ipaalam sa publiko ang pagtatapos ng relasyon nila ni Jak.
Sa kanyang madamdaming post, mahihinuhang walang sama ng loob si Barbie sa paghihiwalay nila ng aktor.
Sa katunayan, pinuri pa ng aktres ang dating kasintahan nang sabihin nitong naging masaya siya sa kanilang naging pagsasama sa loob ng mahabang panahon.
Sinimulan ni Barbie ang kanyang breakup announcement sa pamamagitan ng isang quote mula sa American children’s author na si Theodor Seuss Geisel a.k.a. Dr. Seuss.
Bungad ng Kapuso actress, “’Don’t cry because it’s over. Smile because it happened’ – Dr. Seuss.”
Kasunod nito ay ang pagbabalik-tanaw ni Barbie sa seven-year relationship nila ni Jak.
Papuri ng aktres sa dating nobyo: “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional.
“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
“Beautiful goodbye, @jakroberto”
Dagdag pa ni Barbie, “Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.
“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”
NETIZENS REACTION
Bagamat hindi sinabi ni Barbie ang dahilan ng breakup nila ni Jak, marami sa kanilang tagahanga ang nalulungkot at hindi makapaniwala sa kinahinatnan ng relasyon nila.
Sa X (dating Twitter), mabilis na nag-trending ang pangalan ng dating magkasintahan.
Tweet ng isang netizen (published as is), “Grabeeee kapapasok palang ng taon. Ramdam ko na pero ang sakit pala pag naconfirm mo na! @dealwithBARBIE @jak_roberto bakeeeet?”
Saad ng isa, “Huyyy!!! Na shock ako sa #JakBie . Akala ko forever na si Barbie at Jak Roberto huhuhu.”
Sabi pa ng isa, “Jak Roberto and Barbie Forteza break up is not in my 2025 bingo list [crying in tears emoji].”
May ibang netizens ding naghinalang may kinalaman ang matagumpay na showbiz career ni Barbie kaya’t nagdesisyon umano itong makipaghiwalay kay Jak.
Pahayag ng isang netizen, “I think that Jak Roberto and Barbie Forteza are bound to end their relationship. Becoz, based on my own experience, no matter how much he denies it, a guy would really feel bad when his girlfriend is more successful than him. That’s why power couple jud dapat (equal success).”
Read: Jak Roberto “touchy” kay Vivamax star Ava Mendez? Barbie Forteza, no comment sa showbiz breakups ng 2023
Maliban sa career, isa rin ngayong tinitingnan ng netizens ang pagiging malapit ni Barbie sa onscreen partner nitong si David Licauco.
Hirit ng isang JakBie fan (tawag sa fanbase nina Barbie at Jak), “The Anti-Silos President, Jak Roberto, has finally fallen. No more Anti Silos Club.”
CONTINUE READING BELOW ↓
Barbie Forteza at Jak Roberto, HIWALAY NA! | PEP Hot Story
“Walang selos selos?? Prof. Jak Roberto what happened?? Barbie forteza and Jak Roberto broken up,” dagdag pa ng isa.
Ang “anti-selos class” na tinutukoy ng netizens ay ang nabuong memes sa social media para ka Jak dahil sa pagiging unbothered niya sa kapwa-Kapuso actor na si David.
Kinahumalingan ng netizens ang tambalan nina Barbie at David, o mas kilala bilang BarDa, nang magkapareha sila sa Maria Clara at Ibarra, ang dating primetime series ng GMA-7.
Simula nito, nagsunud-sunod na ang mga proyekto nila na magkasama, kabilang na rito ang defunct limited series na Maging Sino Ka Man, pelikula nilang That Kind of Love, at ang katatapos lamang na Pulang Araw.
Read: Barbie Forteza on Jak Roberto’s Jealousy
JAK, THE UNBOTHERED BOYFRIEND of barbie
Pinaninawalaang ang “anti-selos” meme kay Jak ay nag-ugat sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Gala 2023 noong July 22, kung saan ipinagtapat niyang kailanman ay hindi siya nakaramdam ng selos kay David.
Masaya raw kasi siya kung anong mayroon si Barbie at sinusuportahan niya ito.
“Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang,” saad ni Jak sa PEP.ph.
Wala rin daw kaso sa kanya na iba ang ka-loveteam ni Barbie dahil parte iyon ng kanilang trabaho bilang celebrities.
BARBIE-JAK ON THE PAST FEW MONTHS BEFORE THE BREAKUP
Hindi maikakaila ang pagkabigla ng marami sa announcement ni Barbie na break na sila ni Jak, dahil nitong mga nagdaang buwan ay wala namang anumang bahid na may problema sa kanilang relasyon.
Sa kani-kanilang post sa Instagram noong November hanggang December 2024 ay mababanaag pa ang labis-labis na pagmamahal nila sa isa’t isa.
November 19, 2024, anim na linggo lamang ang nakararaan ay ipinagdiwang nina Barbie at Jak ang kanilang “monthsary,” kung saan nagpalitan pa sila ng “I love you” sa comments section.
Read: Barbie Forteza, Jak Roberto celebrate 7th anniversary
Photo/s: Screengrab @Instagram
Photo/s: Screengrab @Instagram
November 28, nag-post si Jak ng video snippets nila ni Barbie sa kanyang YouTube vlog, tampok ang ipinapagawang bahay ng aktor.
Photo/s: Screengrab @Instagram
Pagsapit ng December 2, nag-post pa si Barbie ng litrato ni Jak para batiin ito sa kanyang kaarawan.
Photo/s: Screengrab @Instagram
December 3, halos magkasunod na ipinost ni Jak ang video ng naging pagdiriwang niya ng kanyang birthday at ang litrato nila ni Barbie habang kumakain.
Photo/s: Screengrab @Instagram
Photo/s: Screengrab @Instagram
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Jak tungkol sa naging pag-anunsiyo ni Barbie sa kanilang hiwalayan.
News
HOT: Is this the real cure for Kris Aquino’s illness? The shocking revelation has left fans in disbelief, with many wondering if this could finally be the answer to her long battle. /lo
ITO NA BA ANG TOTOONG LUNAS SA SAKIT NI KRIS AQUINO? Isang malaking katanungan ang bumabalot sa isip ng mga…
FINALLY! Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli are expecting their first child, and fans are beyond thrilled with the news! /LO
FINALLY! SARAH GERONIMO BUNTIS NA SA FIRST BABY NILA NI MATTEO Isang napaka-exciting na balita ang umabot sa mga tagahanga…
WATCH NOW: In tearful eulogy, Gloria Romero’s only child recalls final 25 days together (VIDEO) /LO
Gloria Romero – Actress’ Only Child Tearful In Eulogy In a tearful eulogy, the only child of Gloria Romero recalled…
KARLA ESTRADA ibinulgar ang hirap ng buhay nila DANIEL PADILLA! /LO
‘Huwag tayong manghimasok’: Karla Estrada speaks up on status of Kathryn, Daniel TV host Karla Estrada, and superstar couple Kathryn…
Alex Gonzaga sent a heartfelt message to Mikee Morada, saying, “I’m so sorry for our loss,” expressing her deep sorrow. Fans have shown their support during this tough time./LO
Alex Gonzaga sends touching message to Mikee Morada: “I’m so sorry for our loss” Lipa City Councilor Mikee Morada said…
Darryl Yap has announced, “Our next step is to submit for a review to the MTRCB,” as he prepares for the next phase of his project. Fans are eagerly waiting to see how this will unfold with the regulatory body’s review./LO
Darryl Yap: “next step naman po namin ay magpareview sa MTRCB” Director Darryl Yap said that his next step would…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply