Anthony Jennings Sisibakin Ulit si Maris Racal: MaThon Magbabakbakan Ulit!
Mukhang hindi lang pang-millennials at Gen Z ang Incognito! Isang kwento ang nag-viral kamakailan tungkol sa isang lola na hindi pinalalampas ang kahit isang episode ng action-packed series na pinagbibidahan nina Maris Racal at Anthony Jennings. Araw-araw, tinatanong niya kung anong oras ito ipapalabas para siguradong makakapanood siya!
“Yes, MaThon talaga!” natatawang sabi ng isang kaibigan namin, tinutukoy ang tambalang Maris at Anthony. Hindi raw mapigilan ng lola ang kilig at tawa sa kanilang love-hate chemistry, dahil naaalala niya ang yumaong asawa. Noon daw, parati silang nagtatalo—hanggang sa nauwi ito sa pag-iibigan at pagtatanan!
Nakakagulat din na hindi mahilig sa action-packed na palabas si lola. Mas gusto niya ang romcom kesa sa mga eksenang bugbugan at barilan. Pero nang mapanood niya ang Incognito, biglang nagbago ang lahat. “Actually, ayaw niya ng violent scenes, pero dahil kay Maris at Anthony, sobrang hooked siya!” kuwento ng aming source at sa mga eksena ay muling magbakbakan ang Mathon. Ayon pa kay Lolo sana may eksena na ipagsisibak ng kahoy ni Anthony si Maris dahil nangyari din ito kay Lola noong nanlikigaw ang asawa. Kaya comment ng mga netizens na sisibakin ulit ni Anthony si Maris.
Isa sa pinaka-nakakatawang eksenang tumatak kay lola ay noong pinabuhat ni Maris kay Anthony ang dalawang higanteng poodle na sina Bud at Dy. Halos hindi na makahinga si Anthony sa bigat ng mga aso, habang si Maris ay walang kaawa-awang pinagmamasdan lang siya. Hindi raw mapigilan ni lola ang malakas na halakhak sa eksenang iyon!
Mukhang sinadyang isingit sa Incognito ang tambalang MaThon para magbigay ng comic relief sa gitna ng seryosong istorya. Sa harap ng mga bigating aktor tulad nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Kaila Estrada, Ian Veneracion, at Baron Geisler, nagiging pampagaan ng loob ang natural na chemistry at comedic timing nina Maris at Anthony.
Pero habang nakakakilig at nakakatawa ang ilan sa kanilang mga eksena, hindi rin mawawala ang matitinding aksyon sa kwento. Mas lalo pang tumitindi ang bawat episode, lalo na ngayong ipinapakita ang kultong pinamumunuan ni Robert Sena, na pumapasok sa isang hotel at ginagawang hostage ang mga bisita at staff. Dahil dito, isang special task force na pinangungunahan ni Greg (Ian Veneracion) ang itinalaga para durugin ang kanilang grupo.
Sa kalagitnaan ng gulo, nabihag ng mga kalaban si Anthony, dahilan para mapasigaw si lola sa screen:
“Maris, iligtas mo si Anthony!”
Bukod sa thrilling na kwento, ibang klase rin ang cinematography ng Incognito! Mula sa nakamamanghang tanawin ng Palawan at Italy, hanggang sa breathtaking shots sa Baguio, ngayon ay naghahanda ang team para sa kanilang susunod na shoot sa Japan. Dahil dito, mas lalo pang inaabangan ng fans kung anong pasabog ang ihahain ng Star Creatives at Studio Three Sixty. Patunay ito na kayang-kaya ng mga Pilipinong serye ang international standards pagdating sa production quality!
Abangan ang mga susunod na eksena sa Incognito! Mapapanood ito sa Kapamilya.