Xian Gaza, may banat sa netizens na nagmamarunong sa love life ni Bea Alonzo: “Kahit 55 years old na si Bea ay maikakasal pa rin siya dahil siya ay isang bilyonarya.”
PHOTOS: @christianalbertgaza @TheBeaAlonzo on Facebook
Ayon kay Ogie Diaz, nakarating sa kanya ang tsikang naghiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Pero wala umano itong kumpirmasyon. “’Yan ’yong mga nakalap lamang natin at ito’y walang kumpirmasyon. Ang kumpirmasyon ay hintayin natin dahil kina Bea at Dominic ang kumpirmasyon or denial sa mga inilabas natin dito,” paglilinaw niya.
Binanatan ng controversial internet personality na si Xian Gaza ang mga netizens na nagmamarunong sa lovelife ni Bea Alonzo.
Hot topic na naman kasi ang aktres ngayong umuugong ang espikulasyon na hiwalay na ito sa fiance nitong si Dominic Roque.
Napag-usapan nga ito nina Ogie Diaz at Mama Loi sa online show nilang Ogie Diaz Showbiz Update last February 3. Doon ay nahimay nila ang pinagmulan ng isyu.
Nagsimula ito nang malansin ng mga netizens na hindi na suot ni Bea ang engagement ring na bigay sa kanya ni Dominic kung kaya’t ipinagpalagay agad nila na baka naghiwalay na ang dalawa.
Last January 8 pa ang huling Instagram post na magkasama sila. Ito ‘yong mga kinunan nang magbakasyon sila sa Japan.
Hindi na rin daw sila nagla-like sa IG post ng isa’t isa, obserba pa ng mga netizens kaya naman lalong tuminyindi ang hinala sa kanilang possible breakup.
Sa kabila nito, nananatili namang naka-follow sina Bea at Dom sa IG account ng isa’t isa.
Pero nakarating umano kay Ogie ang tsikang break na nga talaga ang dalawa.
“Sabi ng isa kong source, wala na sila. Hiwalay na sila. ’Yong Japan [trip] nila, huling post na nila ’yon,” lahad ni Ogie sa kanyang online show.
“Wala na kaya inaabala na lang ni Bea ang kanyang sarili. Bini-busy na lang daw ni Bea ang kanyang sarili,” pagpapatuloy n’ya.
Ganu’n pa man, hindi raw ito kumpirmado dahil galing lang ang tsikang ito sa source at hindi mismo kina Bea at Dom.
“’Yan ’yong mga nakalap lamang natin at ito’y walang kumpirmasyon. Ang kumpirmasyon ay hintayin natin dahil kina Bea at Dominic ang kumpirmasyon or denial sa mga inilabas natin dito,” paglilinaw ni Ogie.
Kasabay ng isyung ito ay ang paglabas na ng mga komento mula sa netizens na nagmamarunong na sa love life ni Bea.
May mga nagsabing kailangan na umanong mag-asawa ng aktres lalo na’t hindi na s’ya bumabata.
Dito na ipinagtanggol ni Xian Gaza ang Kapuso actress.
Sa kanyang Facebook post kahapon, February 4, sinabi n’yang hindi kailangan ni Bea na maikasal dahil lang sa kanyang edad.
“Sa mga Marites na nagsasabi na matanda na si Bea Alonzo kaya kailangan na niyang maikasal dahil mapagsasaraduhan na siya at 36 years old, gusto ko lang ipaalala sa inyo na maraming pera si Bea,” pangre-real talk n’ya.
“Hindi siya kagaya niyo na dukha maralita hampaslupa kaya kailangang maikasal agad bago mapaglipasan ng panahon,” banat pa n’ya sa netizens.
“Kahit 55 years old na si Bea ay maikakasal pa rin siya dahil siya ay isang bilyonarya. Huwag niyo siyang ihalintulad sa mga kagaya niyong poorita.”
Sa comment section naman n’ya ipinahayag na hindi n’ya nakikitaan ng chemistry sina Dominic at Bea.
“PERSONAL OPINION: Wala akong makitang Chemistry kay Bea at Dom. Kahit Biology, Physics at Algebra pa yan, wala talaga eh. Hindi tao, hindi hayop, hindi bagay,” aniya.
Parang mag-ate raw kasi at hindi magkasintahan ang nakikita n’ya sa dalawa.
“Tuwing pinagmamasdan ko ang kanilang mga litrato, ang nakikita ko ay mag-ate. Wala akong madamang kilig at all. Kung gaganap sila sa isang pelikula as siblings, aakalain mo na magkapatid talaga sila. Yung itsura ni Dom ay parang bunso na nanghihingi ng pera sa panganay,” tila pang-aasar ni Gaza.
Isinali pa n’ya ang diumano’y pagkakaiba ng financial status nina Dominic at Bea.
“Kumbaga si Bea ay anak ng isang mayamang haciendero na nakatira sa pinakamalaking mansyon ng probinsya tapos si Dom naman ay anak ng isang hardinero only to find out na ampon lang pala si Bea at ang totoong ama niya ay yung hardinero kaya bawal ang kanilang pag-iibigan,” saad n’ya.
“Ending ay naging sakristan si Dom. Yan ang bagay na role sa kanyang mukha. Hindi siya bagay maging asawa ni Bea Alonzo,” diretsahang sabi pa ni Gaza.
“Hindi pa natin kompirmdo kung talaga bang hiwalay na sila pero yan ay kasama sa aking mga panalangin,” pagtatapos n’ya.
SCREENSHOT: @christianalbertgaza on Facebook
Bukas ang pikapika.ph sa panig ni Bea Alonzo at Dominic Roque hinggil sa isyung ito.
News
Arnel Pineda Reacts to ‘Sentenced to Life Imprisonment’ Rumors — Singer Slams False YouTube Claims /lo
Arnel Pineda Reacts To “Sentenced To Life Imprisonment” Allegation These YouTube videos about Arnel Pineda caught netizens’ attention Filipino singer…
SHOCKING REVELATION: Erwan Heussaff Admits Regret After Discovering Anne Curtis’ True Colors! /lo
In an unexpected twist that has sent shockwaves through the Filipino entertainment and social media scenes, entrepreneur and social media…
Mark Leviste Breaks Silence on Kris Aquino Breakup — Here’s What He Had to Say /lo
Kris Aquino Issue w/ Ex-BF, Mark Leviste Asked To React Mark Leviste was asked about the previous relationship of Kris…
Buboy Villar Denies Serious Accusations Made by Angillyn Gorens — ‘The Truth Will Come Out!’ /lo
Full Article (English): Manila, Philippines –Actor and television personality Buboy Villar is pushing back hard against the serious allegations…
Ashley Ortega Gets Emotional Talking About Her Mother Inside the PBB House — Viewers Left in Tears /lo
Ashley Ortega, Emosyunal Nang Pag-Usapan Ang Ina Sa PBB Bukas na nagbahagi ang Kapuso actress na si Ashley Ortega…
VP Sara Duterte Shares Heartfelt Birthday Message for Her Father, FPRRD — ‘You Are Still My Hero’ /lo
VP Sara Duterte May Nakakaantig Na Birthday Message Para sa Amang Si FPRRD Davao City, Philippines –In a rare but…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply