Yassi Pressman, binasag ang katahimikan para ipagtanggol ang kapatid na si Issa sa third-party issue; kasama ni Nadine Lustre, hinihimok ang Netizens na mag- #thinkbeforeyouclick

Photos: Instagram



Photos: Instagram

Hindi na matiis ni Yassi Pressman ang pambabatikos ng Netizens sa kapatid niyang si Issa, na nasangsangkot ngayon sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Matapos kasing kumpirmahain nina James at Nadine and kanilang breakup, through a joint statement na binasa ni Boy Abunda sa kanyang talks show last January 20, ay agad na naglabasan ang mga ispekulasyon na tumuturo kay Issa bilang third party diumano sa #JaDine couple at isa umano sa dahilan nang tuluyang pagkawasak ng relasyon ng dalawa.

May mga naglutangan pang videos at photos kung saan makikita umanong naghahalikan at nagho-holding hands sina Issa at James in the presence of Nadine; at may isa pang kuha umano sa Rome, Italy lung saan magkasamang sumasakay ng taxi sina James at Issa.

Katakut-takot na batikos at namecalling ang inabot ni Issa at James dahil sa mga ito. Pero kapwa nananahimik ang dalawa tungkol dito.

Pero ngayon umaga, January 22, ay binasag ni Yassi ang pananahimik para ipagtanggol ang nakababatang kapatid.

Ani Yassi: “Hindi po papatol ang kapatid ko sa inyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po kayang panuorin na patuloy siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.”

Ang mahabang post ni Yassi ay may kasamang larawan nila ni Nadine Lustre na kuha lamang daw kagabi. Aniya, magkasama sila ni Nadine at sabay nilang pinapanood ang mga comments ng Netizens sa social media. Noong una raw ay natatawa lang sila pero kalaunan ay hindi na nila kapwa masikmura ang mga bullying comments.

Ayaw na po sana naming patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay. it’s never okay.”

Pinaalala din ni Yassi na sana ay mag-ingat ang mga tao sa mga binibitawan nila sa social media at wag agad isiping lahat ng nababasa ay totoo.

Bukod sa kalakip na #thinkbeforeyouclick, simahan din ni Yassi ng isa pang larawan ang post niya kung saan may nakasaad na: “if you can tattoo on your body the words you say online, would you be PROUD?”