Jessy reveals she and Luis cried over decision to enter politics
![jessy mendiola, luis manzano](https://contents.pep.ph/images2/images2/2025/02/08/jessy-mendiola-luis-manzano-1738987750.jpg)
Kapwa abala ngayon ang mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.
Si Jessy sa showbiz events, habang si Luis naman ay sa paghahanda sa eleksyon sa Mayo.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa isa sa showbiz events na pinagkaabalahan niya—ang opening ng bagong branch ng ineendorso niyang Manila Diamond Studio nitong January 18, 2025, sa Evia Lifestyle Center sa Daang Hari, Las Piñas City.
“Ngayon back to work na talaga, kaya ano, medyo busy talaga si Luis din,” umpisang sabi ni Jessy.
Gaano ba ka-supportive si Jessy kay Luis?
“Oh, my!” bulalas ng aktres, “mga one million percent supportive ako.”
Tatakbo si Luis bilang Bise-Gobernador ng lalawigan ng Batangas at unang beses itong tatakbo, kaya unang beses din na mangangampanya si Jessy para sa kanyang mister.
Aminado si Jessy na excited siya sa mga magaganap.
Lahad niya, “We are very excited, and also at the same time, we are very nervous.
“Of course, siyempre bagong mundo ito, e. Para sa amin, para sa amin ni Luis and I know how hard it is. I know how challenging it is na… di ba? Siyempre artista siya, celebrity siya.
“But kilala niyo naman si Luis, di ba? He’s very generous and he’s very smart. He’s very… he’s willing to give his heart to everyone.
“So para sa akin, yung feeling ko at talagang alam ko, na kayang-kaya talaga niyang mag-lead and to take care of people. So sana, mabigyan ng pagkakataon na manalo.”
Pero may kaba rin bang nadararama si Jessy, lalo pa nga at ang pulitika ay maituturing na “mas marumi” kaysa showbiz pagdating sa siraan ng pagkatao?
“Actually, ano naman, may two sides yan, e. Talagang may madumi. Unfortunately meron talaga pero meron din namang mga lumalaban para maging maayos din.
“So sana mabigyan talaga ng pagkakataon yung asawa ko. Kasi alam ko kung gaano siya talagang sure na sure niya na gusto niya talagang pagsilbihan yung mga tao. To serve, at alam naman natin lahat, di ba?
“Na talagang si Luis, meron talagang potential to be, you know, a great public servant and sana yun nga, tulad ng sinasabi ko kanina, sana mabigyan siya ng chance to show and prove that sa ating mga kababayan.”
what convinced Luis to run
Ano sa palagay ni Jessy ang nakakumbinsi kay Luis na tumakbo sa eleksyon ngayong 2025?
“Ano nga ba? A lot of things. Even before pa, pinipilit na rin siya na tumakbo. And I think yun nga, tulad ng sinabi ko kanina, he’s very giving, masipag siya and gusto talaga niya na mapakita din na kaya din niya.
“So ngayon, finally, siguro he saw the opportunity na finally nabigyan siya ng chance to run. So talagang sabi niya, ‘Itutuloy ko na ‘to, love, 100% sure na ako gusto ko na.’”
At si Jessy, gaano siya kahanda upang umikot at makisalamuha sa mga taga-Batangas?
Biro nga namin kay Jessy kung nagpa-practice na ba siya na kumaway sa mga tao?
“Ay, wala nang practice-practice!” bulalas ni Jessy.
“Ganap na ngayon, ginagawa na talaga and I don’t think…you know, I don’t think pina-practice pa yun.
“Kasi as long as you are genuine, as long as nakakasama mo sila lagi, masasanay ka talaga, e.
“And natutuwa naman din ako to see a different world, di ba?”
Nag-iikot na sila sa mga lugar sa nabanggit na probinsiya.
“Oo naman, umiikot naman na talaga kami, even last year, pumupunta din kami para…
“Mas lalo nung bagyong Kristine, talagang nagpaabot kami ng tulong. And si Luis talaga, day and night talagang he was working so hard to help his kababayans sa Batangas.”
Handa na rin ba si Jessy sa mas abalang mga ganap sa pagsisimula ng kampanya?
“Yes, of course naman. Napag-usapan na namin ni Luis yan, e. Sabi niya, ‘O, love, tuluy-tuloy na tayo, ha?’
“So sabi ko, ‘Yes, go!’
“’Go, go, go!’ ika nga ni Madam Rufa Mae,” at tumawa si Jessy matapos banggitin ang signature line ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto.
jessy and luis cried
Ano’ng side ni Luis ang nakikita niya kapag nasa political candidate mode na ito? Matagal ba nilang pinag-usapan ang tungkol sa malaking hakbang na gagawin ni Luis?
“Oo, before talaga siya nag-all out tumakbo… Actually, before siya nag-file ng candidacy, nagkaiyakan pa talaga kami,” rebelasyon ni Jessy.
“Kasi parang sabi ko, ‘Sure ka na ba talaga na gusto mo?’
“And ako din, I was a bit hesitant kasi I know na ibang mundo ito, e. Kahit mga artista kami siyempre this a different…
“It’s a different level of responsibility and ibang level na rin ito sa ating buhay.
“So sabi ko sa kanya, ‘Are you sure you are ready? I just want you to know whatever you decide, I’ll be here 100% to support you.’
“So ayun, iyon yung nangyari.”
what about baby number 2?
May Valentine’s Day plans na ba sila ni Luis?
“Naku wala pa, ang Valentine’s plans namin ay to stay here with Rosie and siyempre tuluy-tuloy ang work ng campaign and every day is Valentine’s Day with Luis. So okey lang kahit walang plano basta magkasama kami.”
Nahingan si Jessy ng updates sa kanilang two-year-old daughter na si Rosie.
“Yes, super ano na niya, super daldal na niya and may mga sarili na siyang moods, may mga sarili na siyang decisions sa buhay,” natatawang sabi ni Jessy.
“Pag ayaw niya, talagang sasabihin niya, ‘No, mama, ayaw!’ ganun siya.
“Pero malambing siyang bata talaga. I think nakikita niya kasi yun sa amin.”
![Jessy Mendiola and Luis Manzano's daughter Rosie during her birthday celebration last month.](https://contents.pep.ph/images2/images2/2025/02/08/jessymendiola-1738987982962-1738988208.jpeg)
So kailan magiging ate si Rosie?
“Naku, tapusin muna natin itong eleksyon kasi ayoko ding ma-stress, di ba?
“Sabi ko din yun, but really, for me, as soon as possible, I really want lots of kids. But as of now, siyempre, di ba, it’s not the right time.
“So pag binigay ni Lord, okey, pag hindi pa, okey din.”
Lalaki ba ang nais niyang susunod na maging anak?
“Oo, gusto ko nga girl, boy, girl,” ang nakangiting pagtatapos ni Jessy sa aming panayam.
News
Kris Aquino Cried Because of His Last Will and Love for Boy Abunda and Ai-AI Delas Alas. The whole country cried when they saw these images…
In a touching conversation, Kris Aquino opened up about her close friends, Boy Abunda and Ai-AI Delas Alas, as she…
HALA! JILLIAN Ward NAGULAT sa NATUKLASAN sa NAMAMAGITAN kina RITA Daniela at KEN Chan!
HALA! Jillian Ward Shocked by What She Discovered Between Rita Daniela and Ken Chan! Kapuso actress Jillian Ward was left…
Jessy Mendiola’s Heart Almost Broke with Happiness After Witnessing What Baby Peanut’s Grandparents Did
In a touching moment that captured the hearts of many, actress Jessy Mendiola recently shared her emotional reaction to a…
OMG!BIGLANG IBINIWALA ni Oyo Boy Sotto ang totoong dahilan kung bakit niya HIWALA si Kristine Hermosa!
Isang malaking revelation ang ibinahagi ni Oyo Boy Sotto kamakailan, kung saan sinagot niya ang matagal nang katanungan ng publiko…
DAHILAN sa HIWALAYAN nina SUGAR Mercado at KUYA WILL, IBINUNYAG ni CRISTY Fermin!
In a shocking revelation, veteran showbiz columnist Cristy Fermin has disclosed the real reason behind the breakup of actress Sugar…
Ian De Leon reveals bitter truth about relationship with mom Nora Aunor: ‘This hypocrisy has to end’
In his vlog titled “The Bitter Truth” posted on his YouTube channel last December 13, actor Ian de Leon shared…
End of content
No more pages to load