Nagdadalamhati ang mundo ng showbiz sa biglaang pagpanaw ng Taiwanese actress na si Big S (Barbie Hsu) sa edad na 48 dahil sa influenza at pulmonya. Ayon sa ulat, naiuwi na ng kanyang pamilya ang kanyang abo pabalik sa Taiwan gamit ang isang pribadong eroplano at kasalukuyang nakalagak sa kanilang tahanan.
Ayon sa kanyang nakababatang kapatid na si Little S ( Dee Hsu), “there will be no farewell ceremony” at hiniling niya na panatilihin na lamang ng lahat ang alaala ni Big S sa kanilang mga puso.
Muling binalikan ng netizens ang isinulat ni Big S para sa kanyang anak na si Xiao Yue’er sa kanyang aklat na ‘Mom is Here,’ kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal bilang isang ina. “I will be a mother and help you grow, but you are an independent individual after all.
You will have your own mission, and my task is to do my best to assist you. I love you very much and am willing to protect you with my life (I hope nothing so dramatic will happen…),” isinulat niya. Maging sino man ang kanyang anak sa hinaharap, tiniyak niya na mananatili siyang nagmamahal, “I will always remember the happiness and satisfaction you bring me now!”
Kinumpirma na ng pamilya na naiuwi na ang kanyang mga labi sa Taiwan. Isa sa mga bahagi ng kanyang liham na lalong nagpalungkot sa marami ay ang kanyang pag-asa sa kanilang matibay na ugnayan bilang mag-ina.
“I hope that in the future we will not only be mother and daughter with a good relationship, but also best friends!” Aniya, nalulungkot siya sa mabilis na paglaki ng kanyang anak at natatakot siyang lumayo ito sa kanya.
Kaya naman isinulat niya ang kanyang libro upang magkaroon sila ng isang bagay na babalikan sa hinaharap. “When you grow up, you can still have this book to reminisce. I love you, for you thousands of times.” Sa pagpanaw ni Big S, maraming netizens ang hindi napigilan ang kanilang emosyon habang binabasa muli ang kanyang liham, isang patunay ng kanyang wagas na pagmamahal bilang isang ina.
Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.
Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie. Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu.
Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.
News
Kris Aquino 54th Birthday❤️ Napa-IYAK ng I-Surprise ng Anak nasi Bimby Josh sa kaniyang Kaarawan
On Kris Aquino’s 54th birthday, a moment of pure emotion unfolded when her son, Bimby, along with her eldest son,…
KathDen ADMITTED EVERYTHING!!!! The Secret is Finally OUT!!
Introduction In a stunning revelation, KathDen has finally admitted everything, leaving fans and the public in a state of excitement…
Real Life Mothers of 26 Top Filipino Actors ll You didn’t know in 2025
As we take a deeper look into the lives of some of the most beloved and successful Filipino actors, one…
Success in showbiz faster with a pretty face or with connections?
Which fast-tracks stardom? The new pretty face or the one with showbiz royalty blood? When it comes to showbiz success,…
Janine Gutierrez addresses netizen’s “grabe pagkaka-edit” comment
Janine Gutierrez: “I always take it easy during the holidays and enjoy my body.” Janine Gutierrez replies to netizen claiming…
Pilita Corrales scolds granddaughter Janine Gutierrez over Bong Revilla tweet: “Who do you think you are?”
Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales tells granddaughter Janine Gutierrez: “You’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re…
End of content
No more pages to load