Arnold Clavio, matatagalan pa bago maka-recover sa stroke

Arnold Clavio, matatagalan pa bago maka-recover sa stroke
Arnold Clavio



STAR/File

Lampas na sa critical period ang sikat na broadcast journalist na si Arnold Clavio.

Dumanas siya ng ‘hemorrhagic stroke’!

Sa kanyang naunang kuwento, galing siya ng isang golf course nang atakihin siya habang nasa biyahe.

Paunang kuwento niya: “Pauwi na ako galing Eastridge Golf Course. Habang nasa biyahe, nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti . Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break.

“Huminto ako sa isang gasoline station para i-check ang sarili ko. Papunta ng restroom, hindi na ako makalakad. Kailangan ko na may mahawakan. Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko. Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan. At hindi ito naging madali .

“Sabi ko, titigil ako sa unang ospital na makikita ko. Kaya mula Antipolo, maingat ako na nag-drive sa Sumulong highway hanggang makarating ako sa Emergency Room ng Fatima University Medical Center.

“Doon inasikaso ako at after ilang test , lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220 / 120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270 .

“Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak . At sa oras na yon , ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE’ !,” pagdedetalye niya sa naranasan.

Hanggang inilipat siya sa St. Lukes Hospital at inobserbahan.

Agad din daw siyang inasikaso sa ER ng brain attack team ng nasabing hospital at dinala sa Acute Stroke Unit.

“ARAL: Feeling ok does not mean your ok … Feeling good does not mean we’re good. Listen to your body.. Traydor ang hypertension ! Always check your BP.

“Thank you Lord. I personally experienced your MIRACLE,” paalala niya at pasasalamat sa Diyos.

At kahapon sinabi niya sa kanyang update na matapos ang kanyang ‘hemorrhagic stroke’ at bantayan ang kanyang blood pressure (BP) at blood sugar kung saan aniya ay regular ang pag-ikot ng neurologist, cardiologist at maging rehab doctor upang i-check ang kanyang kondisyon at malaman kung kailangan niyang operahan bagama’t hindi tumabingi ang kanyang mukha o nabubulol sa pagsasalita, nagpasalamat siya ‘di siya kailangang operahan.

Base sa kanilang paliwanag, “his slight bleeding is in the thalamus area (left side) which is responsible for sensation and some muscle control that’s why his right legs and arms had numbness and until now feels weak.

“It’s systemic and warning sign. The bleeding is in the small vessels which is good. If the brain is a tree in the forest the bleeding happened in the grass area… meaning manageable”

Ngayon nga ay tiyak na ang kaligtasan niya.

“Good news, I am out of danger. Sabi nga ni Doc, “no more worries. The worst is over! You’re a lucky man! Ang kailangang gawin na lang ay mapababa pa ang aking BP at sugar level.”

Pero nahihilo pa raw siya ‘pag umuupo kaya ramdam niyang matagal pa ang magiging laban niya.

“Mahaba pa ang laban na ito. Ang laking pagbabago sa buhay ko habang nasa ASU. Bawal pa akong tumayo kaya kailangan ko na mag-adult diaper Di ako komportable kaya inabot pa ng tatlong araw bago ako naka-pupu .

“Para rin akong sanggol na nililinisan at hinihilamusan araw-araw para maging presko ang pakiramdam .

“At may bago pala akong kaibigan – si insulin!

“Abangan ang pag-graduate ko sa ASU at simula ng aking therapy at rehabilitation. At sana ang aking kuwento ay makapagligtas ng maraming buhay .

“This is the message we have heard from him and declare to you: God is light; in him there is no darkness at all.” – 1 John 1:5.

Pagaling ka, Igan.