Marco Salvador, ibinahagi ang pagkikita nila ni Josh Ford.

Ngayong Lunes, Marso 24, 2025, ang ikalawang anibersaryo ng pagpanaw ng young actor na si Andrei Sison, anak ng dating aktor na si Marco Salvador.
Binawian ng buhay si Andrei, sa edad na 17, dahil sa malagim na aksidenteng nangyari sa harap ng New Intramuros Village, Commonwealth, Quezon City.
Bumangga sa pader ang kotseng sinasakyan nila ng kanyang mga kaibigan.
Sa apat na pasahero, tanging ang kapwa Sparkle artist niyang si Josh Ford ang nakaligtas.
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, ibinahagi ni Marco kung paano niya ginunita ang ikalawang anibersaryo ng pagkawala ng kanyang anak ngayong araw.
Ayon sa dating That’s Entertainment mainstay, “Pinadalhan ko lang ng food ang friends ni Andrei. Yun ang gusto ni Andrei kasi mga ka-close niya yon.”
ANDREI’S DAD ON JOSH FORD
Ikinuwento rin ni Marco sa Cabinet Files na nagkikita sila minsan ni Josh sa mga pagtitipon.
Napanood niya kamakailan sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ang lumuluhang pagbabahagi ng young actor tungkol sa naranasang aksidente na kumitil sa buhay ni Andrei at ng kanilang dalawang kasama, sina Paolo Bueza at Arman Velasco.
Lahad ni Marco: “Napanood ko ang kuwento ni Josh sa PBB.
“Nagkikita naman kami minsan sa mga gathering. Hiyang-hiya siya kapag nagkikita kami.
“Pero sabi ko sa kanya, ‘Huwag mo nang isipin yon. Okay na yun.
“Sa burol kami ni Andrei kami unang nagkita ni Josh. Nalungkot siya, napaiyak.
“Mga ilang araw rin bago siya nakadalaw.”
MARCO STILL MISSES ANDREI
Lalong tumitindi ang pangungulila ni Marco kay Andrei habang lumilipas ang panahon kaya walang araw na hindi raw niya naiisip ang namayapang anak.
Madalas din siyang mag-post ng mensahe para kay Andrei kagaya nito: “I miss you, Drei. Daya mo, iniwan mo ako agad. I love you every day, Drei. Miss ko na talaga mga kuwentuhan natin. Kita-kits na lang tayo ulit.”

Gaya ng kanyang nakagawian mula nang mamatay si Andre, muling nagbahagi si Marco sa Facebook page nito ng mensahe bilang pag-alala sa anak na miss na miss na niya.
Mensahe niya (published as is): “It’s been two years Drei since you left us. Ang bilis ng panahon.
“I wish I could still talk to you. Hindi mawawala yung sakit pero nakasayanan ko na Drei.
“I am ok. Don’t worry Drei. I just miss you so much.
“Gusto ko lang pasalamatan ang lahat ng nagmamahal sa yo, lalo na kay Karla and sa family niya, kay Papa [Marco Sison] at sa mga kapatid ko, mga kaibigan ko, thank you so much.
“Hindi magiging ganoon kasaya ang 17 years ni Drei kung hindi kayo naging part ng buhay niya. Maraming salamat ulit.”
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load