Former actress-beauty queen Josephine Estrada dies at 75

Josephine Estrada passed away four days after she celebrated her 75th birthday.
Josephine Estrada was the Philippine representative at the Miss Universe 1962 and was a former Sampaguita Pictures contract star.



PHOTO/S: Screen grab from QTV 11 / Tropicana
Shares

Sumakabilang-buhay na ang former actress at beauty queen na si Josephine Estrada.

Siya ay pumanaw sa edad 75 sa Kingman, Arizona, USA, noong April 13.

Ayon sa isang insider, may mga karamdaman si Estrada, sumailalim ito sa dialysis treatment at nakatakda sanang operahan.

Pero binawian na siya ng buhay, apat na araw makalipas ang kanyang 75th birthday noong April 9, 2019.

Si Josephine ang Philippine representative sa Miss Universe 1962 na ginanap sa Miami Beach, Florida, noong July 14, 1962.

Contract star si Josephine ng Sampaguita Pictures noong dekada ’60.

Siya ang favorite leading lady ng mga sikat na aktor noon. Sina Joseph Estrada, Tony Ferrer, Vic Vargas, at Dolphy ang ilan sa mga nakapareha ni Josephine sa halos 70 pelikulang ginawa niya mula 1960 hanggang 1983.

Ang Mother Dearest ang unang pelikula ni Josephine, na piniling mag-artista kesa tapusin ang kanyang medical studies.

Mula noon, sunud-sunod na ang mga pelikulang ginawa niya tulad ng Sa Linggo ang Bola, Octavia, Tanzan, The Mighty, Tansan vs Tarsan, Prinsipeng Tulisan, at Apat Na Kagandahan.

Ang Gaano Kadalas ang Minsan? (1982), na pinagbidahan nina Vilma Santos, Dindo Fernando, at Hilda Koronel, at ang JR (1983) na pinagbidahan ni Gabby Concepcion ang dalawa sa mga huling pelikula na ginawa ni Josephine bago siya permanenteng nanirahan sa Amerika.