Viral ngayon sa social media ang inilabas na pahayag ni Whamos Cruz tungkol sa pagpapa-DNA test nila ng anak nila ni Antonette Gail na si Baby Meteor.
Pinalagan ni Whamos ang hamon ng isang netizen na magpa-DNA test sila ni Meteor upang mapatunayan umano na siya ang tunay na ama ng bata.
Matapang niyang binanggit na handa siyang gawin ito at hinamon ang bashers na humarap sila sa legal na aksyon kung mapatunayan ang katotohanan.
Sabi niya sa kaniyang latest video sa social media, “Sige pagbibigyan ko kayo pero make sure na usapan naming ay tama.”
Kasunod nito, inilahad niya na kasalukuyan na nilang inaasikaso ang kanilang pagpapa-DNA test at kung ano pa ang mga susunod na mangyayari ay patuloy siyang maga-update sa netizens.
Seryosong pahayag ni Whamos, “Abangan n’yo ‘yung resulta. Tingnan natin kung ano ang mangyayari, kung anak ko ba talaga si Meteor o hindi ko anak si Meteor.”
Sa pagtanggap niya ng hamon, sinabi rin ng vlogger na may kondisyon siya laban sa bashers kapag lumabas na ang katotohanan.
“Kapag anak ko [si Meteor], sinasabi ko talaga sa mga nag-comment na ‘yun, hinahamon ko kayo basta pumayag kayo, ipapakulong ko kayo. Hintayin n’yo na lang, ia-update ko kayo,” pagpapatuloy niya.
Samantala, sa kabila ng pambabatikos na kaniyang natatanggap tungkol sa pagkakalayo umano ng itsura nilang mag-ama, sinabi niyang mahal pa rin niya ang kaniyang bashers at hiling niya ay magkaroon sila ng mabuting kapalaran.
Ayon naman kay Antonette, “Bago lumabas si Meteor hinihiling niyo na sana hindi kamukha ni Whamos. Tapos ngayong lumalaki na pag-iisipan niyo pa talaga kung si Whamos yung tatay?”
Nagbigay din sya ng message para kay Baby Meteor, “Baby Meteor, hindi mo ito deserve anak alam mo mas gagalingan pa namin ni daddy mo para sayo❤️kung sa susunod mabasa mo man ito, suklian mo padin sila ng kabaitan kahit na puro panlalait yung binabato nila saatin. Tandaan mo kung sino ang mas nagpapakumbaba ayun ang inaangat ni God.🙏”
Sa vlogs nina Whamos at Antonette na mapapanood sa kanilang social media accounts, mapapansin na sila ay hands-on at loving parents sa kanilang adorable baby na si Meteor.
Si Meteor ay isinilang noong January 2023.
Balikan ang masayang trip nina Whamos at Antonette kasama si Baby Meteor sa gallery na ito:
Whamos Cruz and Antonette Gail
Nagpunta sa Japan kamakailan ang content creators na sina Whamos Cruz at Antonette Gail kasama ang kanilang anak na si Baby Meteor.
Japan
Sa kanyang social media accounts, ipinakita ni Antonette Gail ang ilan sa mga sikat na atraksyon na pinuntahan nila sa Japan.

Shinjuku, Tokyo
Nakaawrang naglibot si Antonette Gail sa Shinjuku, Tokyo–suot ang kanyang sexy yellow outfit.

Tokyo Disneyland
Isa sa hindi pinalagpas na bisitahin nina Whamos Cruz at Antonette Gail kasama si Baby Meteor ay ang sikat na theme park na Tokyo Disneyland.
Enjoy
Kitang-kita na hindi lang si Baby Meteor ang nag-enjoy sa Tokyo Disneyland kung hindi maging ang kanyang mga magulang na sina Whamos at Antonette.
Antonette Gail
Naka-student uniform naman na namasyal si Antonette Gail sa Tokyo Disneyland.

Shibuya Crossing
Ibinahagi rin ni Antonette Gail ang experience nila sa sikat na sikat na Shibuya Crossing, kung saan nakita nila ang Hachiko Memorial Statue.

Lake Kawaguchi
Napagmasdan din nila Whamos at Antonette ang magandang tanawin ng Lake Kawaguchi sa bayan ng Fujikawaguchiko.

Kamakurakkmae Station
Tuwang-tuwa si Whamos Cruz nang mapuntahan ang Kamakurakōkōmae Station na aniya ay “Slamdunk Real Station.”

Fuji-Q Highland
Binisita rin nina Whamos at Antonette ang Fuji-Q Highland, isang theme park na malapit sa Mount Fuji.
News
Huling Laban na! Gilas vs. Egypt—Kasing Lakas ng New Zealand ang Kalaban! Matinding Panalo Laban sa Qatar at Lebanon!
Ang Pagbabalik ni Kai Sotto: Pag-asa ng Gilas Pilipinas sa Hinaharap Sa mundo ng basketball sa Pilipinas, walang ibang pangalan…
Mission Accomplished! Gilas, Matagumpay na Tinapos ang Kanilang Misyon sa Qualifiers!
Ang Pagbabalik ni Kai Sotto: Pag-asa ng Gilas Pilipinas sa Hinaharap Sa mundo ng basketball sa Pilipinas, walang ibang pangalan…
Mas Pinalakas na Gilas! Bagong Naturalized Player, Dagdag Shooter, Tune-Up Games—at Isang Nakagugulat na Rebelasyon!
Ang Pagbabalik ni Kai Sotto: Pag-asa ng Gilas Pilipinas sa Hinaharap Sa mundo ng basketball sa Pilipinas, walang ibang pangalan…
Siya Lang ang Nakagawa! CTC Nagbago ng Lineup—May Pag-asa pa bang Makabalik si Kai Sotto? Makakaya ba Niya sa Kabila ng Kanyang Injury?
Ang Pagbabalik ni Kai Sotto: Pag-asa ng Gilas Pilipinas sa Hinaharap Sa mundo ng basketball sa Pilipinas, walang ibang pangalan…
Whamos Cruz willing to undergo paternity test for son Meteor
Social media personality Whamos Cruz is determined to prove his critics wrong by undergoing a DNA paternity test after some…
Kim Chiu, May Pasabog! Isiniwalat ang Pinaka-Nakakaintrigang Bagay Tungkol kay Paulo Avelino!
Pagkalipas ng halos sampung taon, muling babalik sa mundo ng romantic comedy ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa…
End of content
No more pages to load