EXCLUSIVE: Jak Roberto, may say ba sa pagpapa-seksi ni Sanya Lopez?

Malaki raw ang tiwala ni Jak Roberto na kaya nang magdesisyon ni Sanya Lopez para sa sariling showbiz career, “Ako naman nakasuporta lang.”

Proud si Jak Roberto sa latest achievement ng nakababatang kapatid niyang si Sanya Lopez, na ipinakilala kamakailan bilang 2020 calendar girl.



IN PHOTOS: Sanya Lopez sizzles in calendar launch

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jak matapos ang media conference ng Bubble Gang ngayong Lunes, November 4, biniro pa niya si Sanya na level-up na ang career dahil sumunod ito sa yapak ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurztbach bilang endorser ng Ginebra San Miguel.

Sabi ng Kapuso actor, “Proud ako, siyempre. Pang-asar lang naman sa akin ‘yung mga posting ko sa social media na, ‘Nasaan ba ‘yung pamalo ko.’

“Pang-asar lang sa kanya bilang alam naman natin lagi ko naman talaga inaasar si Sanya.

“Pero nung time nakita ko siyang ni-launch sa Ginebra, sobrang [sabi ko], ‘Kuya ako niyan.’

“Nakaka-proud na nakikita mo ‘yung kapatid mo na may achievement and sabi ko grabe, ‘Ah, after Pia Wurtzbach, ikaw na! Pa-burger ka naman.”

Tinanong din naming ang ang guwapong binata kung may say siya sa mga desisyon ni Sanya Lopez sa pagpapaseksi nito.

Ayon kay Jak, hinahayaan na niya ang kapatid na dumiskarte pagdating sa kanyang showbiz career.

Aniya, “Sa akin, kung saan siya mago-grow, e. Kasi, bini-build up siya bilang sexy actress.

“Nakita ko na sa kanya ‘yung pagma-mature niya bilang kapatid niya.

“Tiwala na ako sa kanya, kaya na niya i-handle ‘yung mga bagay-bagay, so ako naman nakasuporta na lang.

“And alam na niya naman ‘yun lagi lang ako nandito.”