Si Kim Ang Dahilan, Kim Chiu Sinisisi Kung Bakit Naghiwalay Sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang mga isiniwalat ng kilalang talent manager at at showbiz insider na si Ogie Diaz na may posibilidad na si Kim Chiu ang dahilan ng hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.
Marami naman sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang hindi makapaniwala sa balitang ito dahil sa pagkakaalam nila ay masaya naman ang relasyon ng dalawa.
Bagama’t wala pa naman inilalabas na pahayag sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez patungkol sa estado ng kanilang relasyon, naglabasan naman ngayon ang ilang mga haka-haka mula sa mga netizens.
May mga naniniwalang may posibilidad ngang sangkot ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa hiwalayan ng dalawa dahil tila nagkakalapit na ito at si Paulo Avelino dahil sa pagsasama nila sa iisang proyekto.
Hinala pa ng maraming mga netizens na baka hindi umano kinaya ni Janine Gutierrez ang pagiging malapit nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa harap at likod ng kamera, hindi rin umano nakatulong ang mga maiinit nilang tagpo sa teleseryeng pinagbibidahan nilang dalawa.
Bukod pa rito, bagama’t hindi naman sinisirado ni Kim Chiu ang kanyang puso na magmahal muli, tila hindi pa rin handa ang aktres na magkaroon ng relasyon dahil makikitang hindi pa ito tuluyang nakakapag-move on kay Xian Lim kung pagbabasehan ang mga hugot nito sa kanyang mga pahayag sa It’s Showtime.
Naiintindihan naman ito ng maraming mga netizens dahil talagang mahirap umano ang pinagdaanan ni Kim Chiu dahil matagal rin silang nagkarelasyon ni Xian Lim at umaasa siyang mauwi rin sa happy ending ang kanilang relasyon.
Brexit critics featured pictures videos
News
SHOCKING: Kim Chiu’s Father Speaks Out on Her Relationship with Paulo Avelino. (NG)
Kim Chiu’s Father Weighs in on Daughter’s Relationship with Paulo, Fans Surprised In a recent interview, Kim Chiu’s father took the opportunity to share his thoughts on the budding relationship between his daughter and fellow actor Paulo Avelino. His remarks…
End of content
No more pages to load