Coney Reyes sa dating away nila ni Dina Bonnevie: “Huwag na nating ungkatin ang nakaraan!”
Short but sweet ang sagot ni Coney Reyes nang hingan siya ng reaksyon ng press, kasama na ang pikapika.ph, tungkol sa mga binitawang magagandang salita ni Dina Bonnevie sa press conference ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday ukol sa kanilang nakaraang away noong 1980s.
Maalala na lubos na pinuri ni Dina si Coney, specifically kung paano niya pinalaki ang kanyang anak na si Pasig Mayor Vico Sotto at kung paano napalalim ni Coney ang kanyang sariling pananampalataya sa Diyos.
“Well, that’s nice,” sagot ni Coney sa pocket press interview para sa bago niyang Kapuso teleserye na Love of My Life. “Huwag na nating ungkatin ang nakaraan na almost 30 years ago. Tahimik na ang mga tao, nanahimik na sila sa mga asawa nila so let’s leave it be.”
Dagdag pa ni Coney na hindi lamang siya ang nakatulong kay Dina para mapalapit lalo ito sa kanyang pananampalataya sa Diyos.
“Maraming salamat pero, usually naman, hindi lang isang tao ang nakakatulong sa atin. Marami naman,” sabi ng beteranong aktres. “Pero maraming salamat [sa kanya]. I wish her well. She’s always been nice naman to Vico, eh, so walang problema.”
Nang tanungin naman ng press kung paano nila na-maintain ang kanilang friendship after ng away, pinili na lamang ni Coney na ulitin niya ang kanyang unang statement na huwag nang ungkatin ang nakaraan.
“Like I said, huwag na nating ungkatin ang nakaraan. Tama na,” sabi niya. “Aren’t you happy for all of us? I’m very happy for them, I’m very happy for her, I’m very happy for everybody being happy. Tumahimik na lang tayo.”
Ang Love of My Life, na pinagbibidahan nina Coney, Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Tom Rodriguez, ay magpe-premiere sa GMA-7 ngayong Lunes, February 3!
News
ENOUGH IS ENOUGH! Maricar Reyes Reveals She Considered Legal Action Over Video Scandal (NG)
Actress and entrepreneur Maricar Reyes has once again garnered admiration from the public for her remarkable strength and resilience in…
KC Concepcion Shows Off DNA TEST of Her Child with Piolo Pascual to the Public! BOY ABUNDA Left Speechless (NG)
KC Concepcion Publicly Reveals DNA Test of Child with Piolo Pascual—Boy Abunda Left Speechless! The entertainment world has been set…
GRETCHEN BARRETTO, NALABAS ANG VIDEO TAPE SC@NDAL NI ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ! (NG)
Gretchen Barretto, Nalabas ang Video Tape Scandal ni Atong Ang at Sunshine Cruz! Isang nakakagulat na balita ang muling nagbigay-pansin…
Claudine, may ipinagtapat tungkol kay Rico Yan(+)… (NG)
Claudine Barretto, May Ipinagtapat Tungkol kay Rico Yan: Emosyonal na Pahayag! Isang emosyonal na pahayag mula kay Claudine Barretto ang…
Vic Sotto Tuluyan nang PlNALAYAS si Pauleen Luna sa Bahay Nila, lNALlSAN ng Karapatan! (NG)
Vic Sotto Tuluyan Nang Pinalayas si Pauleen Luna sa Bahay Nila, Inalisan ng Karapatan! Isang shocking na balita ang lumabas…
BEA ALONZO, ANO ‘TO? 🔴 KARLA ESTRADA, MAGDEDEMANDA! 🔴 SOUL SIREN NINA, NAKAKALOKAH! (NG)
BEA ALONZO, ANO ‘TO? KARLA ESTRADA, MAGDEDEMANDA! SOUL SIREN NINA, NAKAKALOKAH! Isang malaking kontrobersiya ang muling umikot sa industriya ng…
End of content
No more pages to load