Celia Rodriguez, bilib sa lalim ng pag-arte ni Nora Aunor
Naghayag ng paghanga ang beteranang aktres na si Celia Rodriguez sa Superstar na si Nora Aunor nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.
Sa isang bahagi ng panayam, inilarawan ni Celia ang mahusay at natatanging paraan ng pag-arter ni Nora sa mga proyekto nito.
“In acting, I always love Nora Aunor. I’ve always been a fan of Guy. When it comes to depth—’yong lalim, ‘yong hugot—walang dadaig kay Nora Aunor,” saad ni Celia.
“She’s the only one I know kahit nakatalikod nag-a-acting ‘yong mata. Nag-a-acting yung mga shoulders, nakatalikod siya,” dugtong pa niya.
“It’s more of a body language. Not necessarily dialogue. And Guy is an expert on that. Kahit nakatalikod umaarte ang shoulders. It takes a lots of experience and good directors to learn that,” aniya.
Samantala, sa naunang bahagi ng panayam, nagbigay naman si Celia ng reaksiyon para sa mga nagsasabing nakakatakot siyang aktres dahil sa imahe niyang mataray.